Chapter 20

4.8K 253 48
                                    

Craven Athena

"Dalawang araw na ngayong tumatawag ako sa office mo pero ang sabi ng secretary mo ay hindi ka daw pumapasok sa trabaho Athena. Are you sick? Ni hindi kita makontak kaya minabuti ko na lang na puntahan kita dito." Si Daven.

Tinignan ko lang ito.

"Hey." Lumapit ito sa akin saka ako nito tinabihan. "May nangyari ba? May problema? Ano magsalita ka Athena."

"I made a grave mistake."

Napakunot noo ito sa akin.

Narito ako ngayon sa aking mansyon. Simula ng matuklasan ko ang bagay na ipinaglalaban sa akin ni South. Nawalan ako ng lakas ng loob para harapin ang nagawa ko rito. Hindi lang dahil doon kundi hindi ko na mababago pa ang mga nangyari.

South is innocent.

She is and I've been so blinded to see the truth. Naunahan ako ng galit, pagkamuhi, at paniniwalang masama nga itong babae kagaya ng sinabi ng kapatid ko.

And I can't wait to see Gwyneth and confront her. Huwag lang talaga itong magkakamali ng rason dahil sigurado akong tatamaan ito sa akin. Nagtanim ako ng galit at pinarusahan ko ang taong hindi naman dapat. What was Gwyneth thinking about at nagawa nitong pasamain ang isang tao at gawin ang bagay na iyon?

I felt betrayed. I f*cking felt stupid for what happened. I literally force South in bed and she could sue me for it at ang kaso ay r*pe. Masisira ang pangalan at reputasyon ko. Lahat ng pinaghirapan ko ay mapupunta lang sa wala dahil sa kagagahan ng kapatid ko.

Kung biktima si South. Biktima rin ako but whatever the price I will pay for my st*pid actions. I don't know how to face it. Paano kung isang araw makita ko na lang na nasa headlines ako with the caption.. 'Craven Athena Del Prado. Charge with r*pe'

Napasapo ako sa aking mga pisngi.

"What mistake?"

"Give me five minutes." Nanghihinang wika ko rito. Tumayo naman ito saka dumiretso sa may bedside table ko kung saan nakapatong ang isang pitsel ng tubig at baso. He gave me a glass of water at walang pagtangging inubos ko ang laman non.

"Talk whenever you are ready." Nakakaintinding wika nito sa akin habang hinahaplos ang likuran ko pagkatapos itabi ang baso.

"I could kill Gwyneth for lying to me."

"Teka nga Athena. What did Gwyneth did to you-"

"You were right!" Putol ko rito. "You were so right that South is innocent."

His mouth formed an O. "How?"

"I discovered it myself in the most unethical dishonorable way."

"Don't tell me Athena." Gulat at nahihintakutang sabi nito.

"Daven!" I cried out saka ako yumakap rito. "It was horrible and I don't know what to do! Kinakain ako ng konsensya ko. I told every word that could hurt South and I'm so st*pid na hindi ako nakinig sa kanya at sa mga sinasabi mo."

Hinaplos haplos nito ang likuran ko at narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"I told you to be fair sa una pa lang. Anong plano mo ngayon? You have to face what you did Athena."

"I can't go to jail!"

"Hindi naman siguro. Alam kong mabuti si South at hindi niya iyon gagawin sa iyo. Tignan mo nga ang ginawa ng kapatid mo noon. Kung may balak itong maghiganti sa mga maling akusasyon ng kapatid mo. Dapat nagsampa na ito noon ng kaso sa paninirang puri pero hindi. She chose to live in peace."

"What should I do?" Humihikbing tanong ko rito. "I know sorry's not enough. It will never be enough." Lalo na kapag naaalala ko ang gabing pwinersa ko ito. She even mistaken me being my brother in-law. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit ganun ang inakto nito noon. She was traumatised with what happened before.

"Hindi ka naman duwag Athena. Alam kong alam mo ang gagawin mo. Natatakot ka oo pero dapat mas mangibabaw ang kapatawaran niya sa iyo. Saka sa lahat ng nangyari sa buhay mo ito lang ang iniyakan mo. You are affected dahil gusto mo si South."

Hindi ako nakaimik sa sinabi nito. Totoo naman. Noon pang una ko itong makita. Hindi nga lang maganda ang naging encounter namin dahil sa kapatid kong gaga. I don't know what was Gwyneth's thinking kung bakit nito nagawang baliktarin ang totoong nangyari noon dahilan para mapunta kami ni South sa ganitong sitwasyon.

"You should talk to your sister. Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito. Pauwiin mo Athena."

"She'll be here within a day at hinihintay ko talaga ang pagdating niya. All this time I believed her lies. Hindi ko man lang nahalatang nagsisinungaling na pala ito sa akin noon pa man. Pinagmukha niya akong tanga!" Tumayo ako't pinunasan ko ang mukha ko gamit ang aking panyo. Alam kong namumula ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.

"Huwag mo lang kakalimutang kapatid mo pa rin siya Athena. Hear her out bago ka gumawa ng hakbang."

"Ayusin lang niya ang pagrarason niya Aven. All this time I thought I knew her. Ako ang halos nagpalaki sa kanya tapos gagaguhin niya ako sa huli? I gave her everything but in the end she chose to betray me." Napaupo ulit ako. "Anong rason niya para lumikha ng ganung kwento at gumawa ng malaking eskandalo Aven? Sinira niya ang tiwala ko. Sinira niya ang buhay ni South! I know what happened to Del Frio after that incident. Natanggal ito sa trabaho and she's a student at that time!"

"Whatever it is. Si Gwyneth lang ang makakasagot ng lahat ng tanong mo kung bakit nagawa nito ang bagay na iyon. Don't lose your temper Athena baka kapatid mo naman ang masaktan mo."

"Masasaktan talaga siya Aven kapag hindi niya ako binigyan ng magandang paliwanag sa lahat ng ito. Ikaw na ang nagsabi sa akin. I became who I'm not dahil gusto ko siyang ipaghiganti at dahil mahal ko siya bilang kapatid. And now this? I'm so st*pid!"

"Nangyari na wala na tayong magagawa Athena. Ang masasabi ko lang. Ayusin mo ang ginawa mo kay South. She deserve every explanation and a sincere apology. Kahit nagpakagaga ka, I still want South for you. She's a good catch so start it with your sister."

Tumango ako rito. "Paghaharapin ko silang dalawa."

"And if you lose South?"

That would never happen. I'm not a Del Prado for nothing and I would do anything just to close any case. Even if it means stealing her pure heart!


____

tuloy natin para sa MY'ko ❤ Selanne_12

At sa bestfriend kong marupok..pok..pok..pok..pok🤣 shakiara17

Heto ang ayudang tagtuyot sa mga taong matigas ang ulo. haha!

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon