Chapter 24

4.4K 188 11
                                    

South

Sa totoo lang naiinis ako sa sarili ko dahil hinahanap ko si Craven Athena. Of all the people, siya pa talaga na nanakit sa akin.

Napahilamos ako sa aking mukha. Why do I have to miss her so much kung sinaktan ako nito? Siguro nga katangahan ang magmahal at umasa. Oo mahal ko siya at umaasa ako ngayong nalaman na nito ang totoo ay magbabago na ang pakikitungo nito sa akin but who am I kidding?

I'ts just me, South Del Frio. Isang babaeng simple kahit malayo na rin ang narating. I know Craven Athena will prefer sophisticated women kung magmamahal man siguro ito ng kapwa nito. Hindi ko kasi masabing straight ito base sa ginawa nito sa akin noon. Girls don't kiss girls kung straight as a pole pa ito pero sa kaso ni Craven, napapabalitang may ugnayan ito kay Daven. Siguro ay bisexual ito.

And what about the kissed we shared? Did she plan all of that para paghigantihan talaga ako? Pinaibig ako saka ako nilaglag sa huli? I guess I was right. Nobody will ever like me. Si Craven Athena pa kaya? Masyadong ambisyosa ang munting puso kong naghahangad ng katugon rito.

Hindi rin kayang ibigay ni Craven Athena ang puso nito kung sakali. She's known for being a snob and total b*tch at sa palagay ko ay kasama na doon ang pagiging heart breaker nito.

"Tanga." Kinutosan ako ni Paige kaya napadaing ako.

"Bakit ka ba nananakit?"

Sinamaan ako nito ng tingin. Kwinento ko kasi rito lahat ng mga nangyari at kahit sinong kaibigan ay hindi matutuwa kapag ganito ang maririnig.

"Nagtatanong ka pa talaga?" Nanggigigil na wika nito. "Tinulongan kita noon para mailayo ka sa mga hayop na iyon tapos maririnig ko sayo ngayon na hinayaan mong apak apakan ang pagkatao mo?"

"Anong magagawa ko diba? I told you wala akong mapagpipilian dahil hawak niya ako."

She rolled her eyes. "Mas mahalaga ba ang trabaho o career mo kaysa sa dignidad mo ha South?"

Galit na talaga ito kapag ganitong tinatawag ako sa pangalan ko.

"Mas mahalaga si Miss Viktoria at ang mga kasamahan ko sa trabaho. It's not just me Paige-"

"Pero ikaw ang nagsuffer ng lahat at itinaya mo ang dangal mo sa babaeng iyon. Ugh! I hate her! I can't believe those two crazy b*tches who ruined your life!"

"Maayos na ako Paige. Napatunayan na rin naman na inosente ako."

"And do you think they care about it? Hamo nga at iniwan ka noong panandaliang nagdo-do kayo."

Sinamaan ko naman ito ng tingin pero bale wala lang para dito.

"At iniwan ka ulit ng marinig ang totoo sa kapatid niyang baliw."

"May rason si Ma'am Gwyneth, Paige. At para sa akin. Naintindihan ko iyon."

"Whatever their reason is dapat ay hindi na sila nandamay pa."

Hindi ako nakaimik sa sinabi nito. Ayaw ko na rin namang lumaki pa ang issue na ito. Napabuntong hininga ako saka ako humalumbaba sa lamesa at tumanaw sa ibaba. Pinanood ko ang mga taong naglalakad sa mga lansangan at kalsada.

"Bestie look at me." Untag nito sa akin kaya napatitig ako rito. Nagkatitigan kami at hindi ko alam kung bakit parang may binabasa ito sa mga mata ko. Pagkuway napatampal ito sa noo bago umiling.

"Bakit?" Takang tanong ko rito.

"Sino siya?" Tanong nito na ikinakunot ng noo ko bago ako umayos sa pagkakaupo. Sumandal ako sa aking upuan at diretsong tumingin rito.

"I don't know what you're talking about. Enlighten me."

"You're in love."

Para akong naputolan ng dila dahil sa sinabi nito. Mabilis na kumalat ang init sa mukha ko and I know. Namumula na ako ngayon. Basta basta na lang kasi itong nambibigla ng tanong. Baka sa susunod, hahalandusay na ako sa mga tanong nito.

"I'm not." I denied.

Napairap ito sa akin. "Huwag kang magkukunwaring ganyan. Kilala kita. Yang klase ng mga titig mo? Your eyes are dreamy. In love ka at hindi ko matatanggap hanggat hindi mo sa akin ipinakikilala kung sino iyan."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Eh kung ipakilala ko si Craven Athena rito siguradong magkakasakitan ang dalawa. Naipilig ko ang aking ulo sa naisip. Nakalimutan kong wala pa lang kami at maayos na ako ngayon. Heto naman ang gusto ko ang tahimik na buhay at mapatunayang hindi ako masamang babae. Oo marupok ako sa kadahilanang nami-miss ko si Craven Athena kahit hindi naman dapat. Sabi nga, bulong ng puso.

"But-"

"Stop right there!" As in dinuro nito ang bibig ko. "Hindi ako maniniwala sa sinasabi mo." Naupo ito ng maayos at pinag-krus pa ang mga paa nito. Akala mo siyang may ari ng condo.

"I'm your friend kaya alam ko and don't ever think of lying to me or denying about it South."

Hindi ako nakaimik rito.

"So, kailan pa may nagpapatibok sa puso mo at sino naman ito?" Nang-uusig na tanong nito.

Umiling ako rito. "Wala."

"Naglilihim ka na ngayon?" Nagtatampong tanong nito.

Napabuntong hininga ako rito. Paano ko ba sasabihin ng hindi ito magagalit ulit?

"Si Craven Athena."

Patlang.

"That b*tch?! At bakit siya? Akala ko ba straight ka?"

Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha. "I don't know. It just happened."

Napapikit ito bago napasuklay sa sarili nitong buhok dahil sa inis. Kitang kita ko ang frustration rito.

"Sa lahat ng taong mamahalin mo ang walang modo at antipatikang babae pa na iyon!" Gigil na wika nito. "Kapag nakita ko talaga ang babaeng iyon kahit saan kahit kailan ay makakatikim talaga siya kahit ma-headline pa kaming dalawa!" Napatiris pa ito sa lamesa.

"Gagawin mo iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito. Alam kong matapang si Paige to the point na kaya nitong mag-eskandalo basta nasa tama pero si Craven Athena and all the news?

"Oh yes! You know what I am capable of dear beastie. Mahal kita bilang kaibigan ko kaya kahit gusto mo ng pizza kaysa sa hotdog tanggap ko. I can't change that and I can't change you pero ang pagmamahal mo na iyan sa gagang iyon ang hindi ko matanggap. She hurt you, insulted you, inflicted pain in you, binaboy ka niya, at kung ano anu pa tapos magsasaya ako na siya ang mahal mo? Swerte niya! Ilalampaso ko ang kupal na iyon!"

Kupal? Milenyal na ang kaibigan ko ngayon?

"Magtago tago lang talaga siya sa akin. Ibabaon ko siya sa lupang nakatiwarik. Kaya ikaw huwag kang maging marupok doon kapag nagkrus muli ang landas niyo. Tandaan mo sinaktan ka ng pizzang panis na iyon."

Biglang tumunog ang doorbell kaya agad akong napatayo.

"Saglit lang." Wika ko kahit wala naman akong inaasahang bisita. "Mag ice tea ka para lumamig iyang ulo mo." Wika ko pero inirapan lang ako nito.

Nagtuloy tuloy ako sa sala saka ko iyon binuksan na hindi ko muna sinilip ang peep hole. Tumambad sa akin si Craven Athena na bagong paligo at sexy'ng sexy pero namumula ang mga mata nito na parang kulang sa tulog. Itong puso ko ay biglang bumilis ang kanyang tibok lalo na nang maamoy ko ang pamilyar na pabango nito. Sa tabi nito ay nakatayo si Sir Daven.

"Can we come in?" Tanong nito.

Nanlaki ang mga mata ko ng maalala kong nandito si Paige.

"Hindi pwede." I tried to close the door para makaiwas sa pag-aaway ng dalawa pero huli na dahil nasangga na ni Sir Daven ang paa at kamay nito.

"South ang tagal mo. Sino iyan?"

Paktay!

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon