Chapter 6

4.4K 264 54
                                    

South

"Perfect South! Magnificent everybody! Now we're done. Go home and relax and I'll see you next rehearsal." Sigaw ni Miss Viktoria pagkatapos ng rehearsal namin.

Walang imik akong bumaba ng entablado saka inabot ang tubig ko't uminom. Hindi ako komportable. The whole time, Craven Athena's staring at me na parang isa akong specimen. Hindi ko alam kung anong ginagawa nito rito pero hindi maganda ang pakiramdam ko dito. Well, literally ay magiging biktima ako nito.

"South, tara sama ka sa amin. Starbucks tayo." Anyaya sa akin ni Laurel, isa sa mga katrabaho kong modelo. Kasama rin nito si Venice at Sineria.

Ngumiti ako sa mga ito. "Go ahead. Next time na lang. May tatapusin akong art sa bahay."

"Basta sa susunod ha."

"Oo." Nakipagbeso beso ako sa mga ito bago kumaway. "Ingat kayo!"

"Ikaw din."

Tinanggal ko ang pagkakamessy bun ng buhok ko at hinayaang nakalugay lang ito.

"South come here, darling." Magiliw na wika ni Miss Viktoria. Napapikit ako ng mariin dahil nakatalikod ako sa kanila. I calm my self saka bahagyang ngumiti ng humarap sa mga ito. Naglakad ako palapit sa dalawa. Ngiting ngiti si Miss Viktoria habang nakangiti naman ng nang-uuyam ang isa.

"Look at you Miss Del Frio. With your hair down, you can easily project that air of innocence na lalong nagpapatingkad sa iyo kung anong meron ka but we all know na mas higit pa diyan ang kaya mo, right?" Harap-harapang pang-iinsulto nito sa akin. I was hurt pero hindi ko ito pinakita.

Tumawa naman si Miss Viktoria at tumango tango pa ito. Clearly, wala itong alam sa namamagitan sa amin ni Craven Athena. Ang alam lang nito ay pinupuri ako since ako ang pambato nito.

"Yes of course. South is an extraordinary combination for someone whose skin contradicts the color of her hair." Puri naman sa akin ni Miss Viktoria.

"Contradicts the innocence she's portraying. She's fierce at bagay iyon sa kanya." Patutsada na naman nito. I tried to calm down harder dahil parang nadudurog ang pagkatao ko sa babaeng ito.

I shouldn't be affected sa mga sinasabi nito dahil nakakasira ito ng composure at hindi naman totoo pero I can't help it. Tao lang ako, isang inosente na kabaliktaran ng mga paratang nito pero hindi ko naman maiwasang hindi masaktan. With Craven Athena, every word she said hurts me at hindi ko alam kung bakit sobrang apektado ako.

"Oh, bago ko makalimutan darling. Nandito si Miss Craven dahil gusto ka niyang makausap. I shall leave the two of you. Mauuna na ako South. I'll see you darling." Saka ako nito niyakap at hinalikan sa pisngi. "I have to go, Miss Del Prado."

Tumango lang naman ang huli rito.

Tama ako, wala naman kasing rason kung bakit nandito ang isang Craven Athena Del Prado kahit pa ito ang pumirma at magbigay sa amin ng buong suporta. She can just send someone dahil alam kong busy itong tao so why the sudden appearance? Tinitignan ba nito if I run away pagkatapos ng lahat?

"Follow me." Wika nito sa malamig na boses. Kulang na lang talaga ito ng sungay para maging perpekto.

Kinuha ko ang bag ko saka sumunod rito. Hindi ako umiimik dahil palagay ko kapag nagsalita ako. Magkakasagutan kami. Besides, hindi naman ako mananalo at kahit na anong sabihin ko rito ay hindi ito maniniwala sa akin.

"Hop in." Sabi nito ng makarating kami sa sasakyang nakapark. Isang puting bentley. Wala akong choice kundi ang sumakay sa passenger seat at siya ang nagmaneho.

Mabuti na lang pala at nag-taxi ako kanina dahil natatamad akong mag-drive. Kundi ay problema ko na naman ang sasakyan ko kung paano ito iuuwi kapag naiwan ngayon.

Nagmamaneho na ito at hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Kung isa-salvage ako nito ay wala rin akong magagawa.

"Tell me about your self, South." Basag nito sa katahimikan.

"I have nothing to say. Hindi pa man ay hinusgahan mo na ako."

Tumawa ito ng sarkastiko. Nakakainis, bakit kahit ganun ay ang sexy pa rin nitong pakinggan? May mali na yata sa akin.

"Wouldn't you defend your self with concrete lies?" Pang-iinsulto nito.

"Even if I tell you the truth. Ang tingin mo pa rin sa akin ay isang sinungaling."

"Dahil sinungaling ka talaga South Del Frio."

"Ako ba o ang kapatid mo?"

"Gwyneth never lie to me." Nakita ko ang pagbabaga ng mga mata nitong nakatingin sa daanan namin.

"What if you find out the truth that she lied to you?"

"Shut up!"

Napatahimik ako dahil sa pagsigaw nito kasabay ng pagdagundong ng dibdib ko.

"So tell me, South." Balik ulit ito sa pagiging masungit at malamig. "Hindi ka ba kahit kailan nakuntento sa kung anong nakukuha mo sa buhay?"

What does she mean?

"Naiintindihan kong minsan ang mga babae ay gustong maging mas nakakaangat kaysa sa mga lalaki kagaya ko. But there are so many ways to do that. Anong nakukuha mo sa one night stand?"

Hindi ako umimik. Sa palagay ko'y sinasakal nito ang puso ko pero hindi ako nawawalan ng pag-asang balang araw ay lalantad din ang totoo. Na magiging malaya ako sa mga Del Prado and that they will admit na nagkamali ang mga ito.

"How many men had there been in your life perhaps in your bed?"

"There's none."

"Yeah right. A woman like you will never admit it."

Nakakarami na ito ngayon at lahat ng iyon ay nilunok ko. Wala naman kasi akong magagawa. It's so hard to explain kung walang naniniwala sa akin. Magsasayang lang ako ng laway at oras.

"Was my brother in-law that good in bed?"

"I don't know what you're talking about. Hindi ko rin alam kung bakit hindi nagsabi ng totoo si Ma'am Gwyneth at mas pinili nitong magsinungaling-"

"Shut up dahil kung meron mang sinungaling rito ay ikaw iyon South Del Frio at hindi ang kapatid ko." Sikmat nito.

Huminga ako ng malalim bago tumanaw sa labas. I just hope na pag-uwi ko sa bahay mamaya ay buhay pa ako at buo.

"I don't know why you keep insisting na inosente ka when you're not."

Kung nandito lang ang matalik kong kaibigan na si Paige ay siguradong magsasabunotan ang mga ito to defend me. Pero pinagpapasalamat kong sana ay hindi mangyari ang bagay na iyon dahil ayokong kamuhian pa ako lalo ng pamilya ni Paige.

After what happened sa resort noon. Hindi na ako nagpakita sa pamilya ni Paige. They knew Paige had helped me, napagalitan nga ito noon pero nagsawa na lang yata sila dahil malaki na rin naman si Paige. At kahit na ganun, naiintindihan ko sila. Malaking bagay rin na hindi ako iniwan ni Paige at naniniwala ito sa akin. Kahit iyon lang ay sapat na.

Ilang saglit lang ay nakarating kami sa isang fancy restaurant.

"Get out Del Frio. Umaalingasaw ang baho ng ugali mo sa loob ng sasakyan ko."

Huminga ako ng malalim bago ako bumaba. Someday, pagsisisihan nito lahat ng ginawa at sinabi nito sa akin.

I can't wait to see her reaction, the horror on her face when she realize na mali lahat ng paratang nito.



____

Shoutout kay beshie @shakiara17 na naghihintay ng update rito. Sabi niya non kay Cohen niya gusto nagtampo pa ng simulan ko story ni South. Ngayon nanghihingi siya ng update kay South 😂🤣 Bias ka . haha !

Kay Mommy Sel ko. Ich liebe dich❤

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon