Bonus Chapter

6.8K 281 28
                                    

South

"Clarion!" Dinig ko ang sigaw ng asawa ko habang papasok pa lang ako ng bahay namin kaya napangiti ako.

Craven Athena didn't change at all. Masungit at mataray pa rin ito. Sa akin lang yata tumitiklop at tumitino kapag nakaharap ako. And one more thing about her. Napakaselosa nito ng sobra.

After we got married four years ago. I didn't stop modelling. I had promise Miss Viktoria na sasamahan ko ito hanggang sa maabot nito ang totoong tagumpay, iyon ay ang mapabilang sa mga sikat na fashion designer at makilala ang mga gawa nito and just a year ago ay nangyari ang pinakaaasam asam nito ng makapasok ito sa listahan. Hindi ko sinabi kay Craven Athena that time kasi gusto kong dumating ang araw na ito. Ang sabihin kong malaya na ako sa career ko.

Craven Athena didn't ask me to leave my job. Hinayaan ako nito which I am thankful dahil ayoko namang basta na lang iwan ang taong tumulong sa akin ng walang wala akong matakbuhan. Miss Viktoria gave me the hope when I was too down and depressed and so I had return the favor.

I went in the house of Miss Viktoria kanina para magpaalam rito at sa mga kasamahan ko. We were emotional pero ganun talaga. Minsan kailangan mong igive up ang ilang bagay para sa isang bagay.

You were always be my best doll. Thank you South. Hindi mo ako iniwan and I know nandiyan ka palagi at kung hindi dahil sayo. Malamang hindi rin ako magkakalakas ng loob para ipagpatuloy kung anuman ang narating natin ngayon. You and the girls inspired me. Wika ni Miss Viktoria. Huwag mong kakalimutang dalawin kami ha darling?

Hindi rin naman ako makakarating sa kung ano man ako at anong meron ako ngayon kung hindi dahil kay Miss Viktoria. Binigyan niya ako ng pangalawang pagkakataon at pag-asa at alam kong habang buhay ko iyon na tatanawin ng loob rito.

I was just thankful na hindi sunod sunod ang naging show namin noong time na pinagbubuntis ni Craven Athena hanggang sa ipanganak nito si Clarion. Naging katuwang din nito si Paige, ang bestfriend ko at si Ma'am Gwyneth sa pag-aalaga sa mga panahong nasa abroad ako kapag may show ng isang linggo.

At ok na sila ngayon, Paige and Ma'am Gwyneth became really close. Natatawag ko pa rin itong Ma'am minsan kahit naging hipag ko na ito. I was used to it kaya palagi rin ako nitong sinasaway.

"Clarion no!"

Dahan dahan kong pinihit ang seradura at bumukas naman iyon. I peek inside just to see my beautiful wife. Nakatalikod ito sa akin habang nakapamaywang at nakatingin kay Clarion na may hawak na itlog. Siguro ay nagluluto ang dalawa at nakialam na naman ang anak namin. Clarion's three years old. Medyo madaldal ito at talagang bibo pero namana nito sa akin ang pagiging makulit ko noong bata pa ako since I'm her biological mother at isang irish ang donor namin.

Napangiti ako at napahaplos sa aking puson. I have a living creature inside me. Dugo't laman ito ni Craven at same donor ni Clarion para magkapatid pa rin talaga ang mga ito and this time, ako naman ang magdadala sa anak nito.

"Don't you dare throw that-"

Nakita kong napatampal sa noo si Craven ng ibato ni Clarion ang itlog at mabasag ito sa tiles. Nakangiti pa ang munting anak namin kaya hindi ko maiwasang matawa sa itsura ng mga ito dahilan para mapatingin ang dalawa sa akin.

"Hi." I said as I open the door saka ako pumasok.

"Mommy!" Sigaw ni Clarion at nagtatakbo itong lumapit sa akin. Humalik naman sa labi ko ang asawa ko.

"Ang aga mo ngayon love. Maagang natapos ang rehearsal niyo?" Tanong nito sa akin.

"Lift mommy." Wika ni Clarion pero hindi ako gumalaw para buhatin ito. Hindi ko pa kasi alam kung pwedeng makaapekto ang pagbuhat ko rito sa dinadala ko ngayon. I bend para pumantay rito saka ko hinalikan ang pisngi nito.

"Next time na lang kita kakargahin baby ha?" Saka ko ulit ito hinalikan ng tumango ito sa akin. Hinawakan ko ang kamay nito ganun din kay Craven.

"Come." I said as I intertwined our fingers at hatakin ang mga ito sa may living room. Nadaanan namin si Manang Dolores na nililinis na ang nabasag na itlog.

"Pasensya ka na manang ha makulit talaga ang anak namin."

Ngumiti naman ito. "Wala iyon Ma'am."

Kahit papaano ay may mga kasambahay pa rin kaming nakakatuwang sa mga gawain. Gusto ni Craven na kumuha ng mas marami pero hindi ako pumayag. I'm not going to work anymore at oras na para pagtuonan ko naman ang pamilya namin ni Craven. Gusto ko itong ipagluto at ihanda ang mga kakailanganin ng mga ito. Not only that pero gusto ko ring maayos talaga ang pamilyang bubuoin namin. Someone have to give up their career at ako iyon dahil malaking kompanya ang hawak ni Craven at maraming empleyado ang umaasa rito. Me? I have nothing to lose.

Pinaupo ko si Craven at Clarion sa malaking couch. Up to this day ay hindi pa rin ako makapaniwalang sa akin na nga ang babaeng mataray na ito. She's like a Goddess na papangarapin ng kahit sino pero ako ang piniling mahalin ng puso nito. And I'm so lucky to have her and our daughter Clarion.

"I have an announcement. I'm not going to work anymore."

Napaawang ang mga labi ni Craven at pumalakpak naman si Clarion.

"What do you mean you're not going to work anymore?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Craven Athena sa akin.

Dahan dahan akong umupo sa mga hita nito bago ipinulupot ang mga braso ko sa leeg at batok nito. I kiss her soft and sweetest lips. Agad naman itong tumugon pero pinaghiwalay kami ni Clarion.

"Mommy's me too." Saka ito humalik sa akin at kay Craven Athena kaya natawa kaming dalawa rito.

Ipinulupot ng asawa ko ang isang kamay nito sa beywang ko habang ang isa ay kay Clarion.

"I love you both." Wika nito bago ulit ako dampihan ng halik sa mga labi. Tumugon rin ako. I can't stop being marupok to her. Pagkaraan ng ilang saglit ay naghiwalay ang mga labi namin saka ko idinikit ang noo ko sa kanya.

"I love you so much Craven Athena. I love the three of you."

Lumayo ito sa akin habang nakakunot ang noo.

"Three? Dalawa lang kami ni Clarion. May kabit ka ba ha?" Heto na naman ang pagiging selosa nito.

Kinuha ko ang kamay nitong nakapulupot kay Clarion na tahimik lang na nakamasid sa amin bago ito ipatong sa aking puson.

"I'm pregnant. It was yours and the same donor of Clarion."

I saw her eyes widen bago umawang ang mga labi nito.

"What?!" Bangag na tanong nito kaya natawa ako. Nagpunta kasi ako sa private clinic to do the process secretly.

"I said I am pregnant-"

Hinalikan ako nito agad agad. "Oh goodness! Thank you South! You don't know how happy I am!" Hindi nito maiwasang sumigaw dahil sa saya kaya natawa na naman ako.

"Hindi ko sinabi sa iyo at kaya hindi na ako papasok sa trabaho. I left dahil oras na para kayo naman ni Clarion ang alagaan ko kasama na ang paparating na additional sa family natin. I'm gonna be a full time wife and Mom. Don't you like it as a birthday present?"

Craven Athena's currently thirty three and turning thirty four soon.

"It was the best!"

"Tatanda ka na love-"

"Oh shut up and kiss me!" She demanded.

"With pleasure." I kiss her habang magkakayakap kaming tatlo.

Miserable man ang naging buhay ko noon. Wala namang pagsidlan ang kasiyahan na kapalit nito ngayon at kung tatanungin man ng iba kung gusto ko ulit mangyari ang mga bagay na iyon sa buhay ko.

I would gladly say yes kung ang kapalit nito ay walang kapantay na saya sa piling ni Craven Athena.










The End.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed) 🎉
Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon