Chapter 3

4.8K 275 19
                                    

South

"Kumusta ka naman dito?" Tanong sa akin ni Paige habang umiinom ito ng wine sa kopita nito.

I am about to say I'm fine pero gasgas na ang linyang iyon. How could I be fine pagkatapos ng lahat?

Napabuntong hininga ako.

"She's back."

Kumunot naman ang noo nito bago nagsalubong ang mga kilay.

"Sino? Who would've want to come back in your life?" Biro nito sa akin pero alam kong hindi ito matutuwa sa oras na malaman nito.

"Craven Athena."

Tumaas ang isang kilay nito. "The b*tch's sister?"

Tumango ako rito. Sumimsim ulit ito ng wine.

"She didn't come back in your life South. Ikaw ang naglayas noon sa resort." Pilosopo talaga ito kahit kailan. "But yeah, Craven Athena's just around. Nagkataon lang siguro ngayong nakorner ka. Pinagtataguan mo ang mga Del Prado when you shouldn't be. You're innocent dear beastie."

Kahit naman inosente ako ay walang maniniwala sa akin. Kapag nalaman ng mga tao ang nangyari noon, they will think na inakit ko talaga ang asawa ni Gwyneth Del Prado. Matagal ko ng ibinaon sa limot ang kahiya-hiyang nangyari sa akin pero bakit ngayon ay tila bumabalik ang bangungot na iyon sa katauhan ni Craven Del Prado?

And she knows about me. Natatakot din talaga akong ituloy ng mga ito ang pagpapakulong sa akin. Kahit pa sabihing inosente ako, wala akong laban pagdating sa kanila. Tanyag ang mga ito at makapangyarihan. Kapag ako naman ang nagsampa ng kaso. They might laugh at me and people will think na naghahabol ako ng kahit na anong danyos.

Besides, Miss Viktoria doesn't know anything about sa past ko. If that thing come out to public. Masisira ang pinaghirapan nitong pangarap sa ngayon. I can't do that to her. I can't break her heart pagkatapos ng lahat ng nagawa niya para sa akin. Hindi ko na nga alam kung paano ko babayaran ang utang na loob rito. I know I can't pay her for that pero at least man lang ay huwag sa ganito magtapos. Ayokong mawala ang binuo nito ng matagal.

I'm doing my best to repay everything she did so good to me. Like what I've said, if I have to walk away para lang hindi madamay ang kompanya nito. Then I'll do it. Ang hindi ko lang sigurado ay kung papayagan ako nito without any valid reason.

"I've seen her couple of times sa mga social gatherings. She's like a goddess and hot as f*ck but that's just it. Hindi ako nagtangkang lumapit para kausapin siya. What for right? And besides, kalat na kalat ang pagiging masungit nito at mataray. You know me South, I don't want to encounter any creature like that."

"I don't know what to say." Nai-istres kong wika rito. Para kasing lumiliit ang mundo namin ng mga Del Prado.

Napahilot ako sa aking sentido ng kumirot iyon. Simula kasi noong makita ko si Craven Athena ay hindi ako masyadong nakakatulog. I've been thinking about that contract. Hanggang ngayon ay wala pang tawag sa akin si Miss Viktoria at pangatlong araw na ngayon. We've got couple of hours more to wait at hindi pa man ay kinakabahan na ako.

How clever is she? Craven Athena had plans to sabotage everything that I am involve with. Hindi ko lang matanggap kung masasaktan si Miss Viktoria dahil sa akin. She doesn't deserve any of it. Ito pa naman ang pangarap niya, to launch her collections international at mangyayari lang iyon sa pirma ng isang Craven Athena Del Prado. At ayokong masira ang bagay na iyon dahil sa akin at dahil sa maling paniniwala ni Miss Del Prado.

"By the way, patay na si Denver Riggs. Sinaksak nito ang kanyang sarili." Kaswal na wika nito and I look at her confuse. Napaikot naman ito ng mga mata. "Iyong nang-manyak sayong asawa ni Gwyneth!"

"Oh." Kahit naman ganun. Walang matutuwa sa balitang may namatay. "He took his life?" Parang bangag kong tanong rito.

"Kasasabi ko lang South." Sarkastikong wika nito. "Ano bang nangyayari sa iyo?"

"Nai-istres lang ako Paige."

"Don't be! You're beautiful and you're sexy at kung walang naniniwalang inosente ka. You have me and I believe you!"

Nginitian ko siya. I know that and I'm thankful for it.

"So how's Gwyneth?"

Sinamaan ako nito ng tingin. "And why would you care about that b*tch after what she did to you? She accused you! That blind stupid b*tch!" Nanggagalaiti nitong sabi bago tinungga ang laman ng kopita nito. Tumador talaga. Nai-istres itong napahawak sa sentido bago nagbuntong hininga. Namumula ang mga pisngi nito. She's always this cute when she's having a tantrum like a kid.

"Glad that b*tch is suffering right now. She did the same thing to you." Nag-angat ito ng tingin bago ilagay ang kopita nitong wala ng laman sa center table. "Hindi ko lang alam kung bakit nagawa niya iyon sa iyo."

"Maybe she have her reasons-"

"What could possibly be her reason to ruin you? She's too blind! Too blind because she was so in love with that maniac to the point na makakasira siya ng ibang tao. South, sinira niya ang buhay mo for not telling the truth!"

Wala rin akong alam na dahilan kung bakit ginawa sa akin iyon ng isang Gwyneth Del Prado. Alam kong alam nito ang totoo pero bakit hindi nito sinabi?

I cleared my throat. "So bakit nagpakamatay? At bakit walang lumabas na balita?" Tanong ko rito para malihis ang topiko.

"Siguro nakonsensya sa ginawa niya sayo. Dapat lang iyon sa kanya para wala na siyang mabiktima!" Napabuntong hininga ito bago umayos ng upo. "Maganda pa ba ako?"

Natawa ako rito. Ang bilis talagang magbago ng mood.

"Palagi ka namang maganda Paige." Which is true. Simple lang kasi itong babae. Maarte rin naman pero kahit mayaman ito ay hindi ito kagaya ng ibang mahilig sa pagsa-shopping ng damit. Bibili lang talaga ito kapag may okasyon. Kapag nasa bahay ay nakasimpleng dress lang din.

"Salamat. I love you best friend."

Napangiti ako rito. "I love you too."

"Anyways, as I was saying. Walang lumabas na balita kasi pribado silang mga tao and you know those who have the power and money. They can do everything they want. And keeping his death is one of it."

Napatigil kaming dalawa ng tumunog ang cellphone nito. Kinuha nito iyon saka sinagot.

"Yeah Mom?" Nanlaki ang mga mata nito. "Oh yeah, about that. I'm on my way already. Opo, yes Mommy. Opo."

Natawa ako ng mahina pero pinandilatan ako nito.

"Yes My, laters. I'm driving! Bye!" Saka na nito pinatay ang phone at nagmamadaling tumayo saka kinuha ang bag nito.

"I have to go. May dinner kami ngayon sa isang resort kasama ang ilang kliyente." Humalik ito sa aking pisngi. "Love you South! Wag ka papa-istres. I'll text you when I get there."

Sumunod ako rito. "Drive safe beastie!"

Kumaway ito sa akin. Napabuntong hininga na lang ako bago ko isara ang pinto.

"Now what?" Napabuntong hininga ako. I am so frustrated. "Why do I have to see you again Del Prado!"

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon