Chapter 12

4K 229 12
                                    

South

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Iginala ko ang aking paningin. Masyadong marangya ang silid na kinalalagyan ko ngayon. Na-kidnapped ba ako? Sa katanungang iyon ay bigla akong kinabahan kaya agad akong napaupo na sa huli ay pinagsisihan ko. Namintig ang ulo ko kasabay non ang pagkahilo.

Sumiksik ako sa sulok habang kipkip ang kumot at pikit ang mga mata habang inaalala kung ano ang huling nangyari.

After ng rehearsal namin ay umalis ako kasama si Craven Athena. Dinala ako nito sa isang restaurant at doon ay pinaratangan ulit ako at ininsulto. I don't feel fine that day at palagay ko'y may sinat na ako.

Natigil ako sa pag-iisip saka nagmulat ng mga mata at napatingin sa orasan. It was six am in the morning. I feel better pero nahihilo pa rin ako. Hindi na rin naman ako nilalagnat pero sigurado akong hindi pa ako pwedeng magpractice kung ayaw kong mas lumala ang kalagayan ko.

Napabuntong hininga ako ng maalala ang kalagayan ko ngayon. Did Craven Athena kidnapped me? But I know she wouldn't do such thing even if she loathe me dahil may inaalagaan itong pangalan at reputasyon.

Pagkatapos kong mahimatay kahapon ay wala na akong natatandaan pang nangyari sa akin. Paano kung iyong mga panahong wala akong malay ay may nagawa pala akong katangahan? Did I hallucinate or talk while asleep? Huwag naman sana. Nakakahiya!

Dahan dahan akong bumaba ng kama at napamulagat ako ng makitang iba na ang suot kong damit.

Sa isiping si Craven Athena ang nagpalit sa akin ay agad na pinamulahan ang buo kong mukha kasama na pati mga tenga.

Nakita ko ang shoulder bag ko sa may bedside table. I need to leave this place as soon as possible pero bago iyon ay nagpunta muna ako sa bathroom. Nagmamadali akong nagsabon ng mukha at nagtoothbrush. Mabuti na lang at kompleto sa loob. Iba talaga kapag mayaman, laging may reserba at sobra sobra pa. Ng maayos ko ang buhok at hitsura ko ay saka ako lumabas. Nagmamadali kong kinuha ang shoulder bag ko saka ako dahan dahang lumabas ng kwarto.

Sana hindi pa gising si Craven Athena kung sakaling nandito ito dahil mukhang dinala ako nito sa isang penthouse. Hindi naman siguro penthouse nito diba? Pero kaninong penthouse naman ako nito dadalhin kung sakali?

Saka ayoko muna itong makaharap. Sobrang komplikado na ng buhay ko ngayon dahil dito at marami pang bonus na pangungutya at pang-iinsulto.

I can't stand being with her.

Dahan dahan kong pinihit ang seradura ng makarating ako sa may pinakasala.

"And where do you think you're going?" Nagulat talaga ako dahil sa lakas ng boses nito.

Napapikit ako bago ako matamlay na pumihit paharap and there I saw the most gorgeous woman I ever laid my eyes with and at the same time, ito lang ang nakakapanakit sa akin.

"Uuwi na ako Miss Del Prado." Sagot ko rito. I was even surprise that I didn't stutter which is good dahil aping api na ako sa babaeng ito pero hindi maipagkakaila ang panghihina ko sa boses ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa may sakit pa ako.

Sa tingin ko ay katatapos lang nitong mag-work out base na rin sa suot nitong nakakaeskandalo sa mga mata ko at sa pawis nitong nagpatingkad pa lalo sa kasexyhan nito.

Lihim akong napabuntong hininga.

I should hate her dahil sa mga pagpapahirap nito sa akin, pang-iinsulto, at panghahamak. Idagdag pa ang mga paratang nitong kahit kailan ay hindi makatarungan. Pero hindi, I can't hate her. And I know I'm stupid for admiring her at hindi ko alam kung bakit. At umaasa ako na sana ay mag-iba ang tingin nito sa akin. Not now but I am hoping na darating ang araw na iyon.

"Eat before you leave." Ito lang ang sinabi nito bago naglakad palayo pero tumigil din. Hindi naman lumingon dahil parang may naisip lang ito. "And don't try to escape. It's no use."

Ng mawala ito sa paningin ko ay naglakad ako para pihitin ulit ang seradura pero hindi ito mabuksan. Napalobo na lang ako sa inis ng makita ko ang isang scanner sa gilid ng pintuan. It might be an eye scanner, finger print scanner, or a face scanner. So ibig sabihin non, kung hindi ako rehistrado sa paglabas masok rito. Hindi ako makakalabas kahit ano pang gawin ko.

Nanghihina akong napasandal sa pintuan ng makaramdam ako ng pamimintig sa ulo. Dahan dahan akong naglakad papunta sa couch at doon ay naupo ako habang hinihintay ang hukom.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Paggising ko ay wala na si Craven Athena sa penthouse nito. Ang tanging naiwan ay ang pagkain kong nakahanda na sa center table. May tubig din at gamot.

Why do you still care about me, Craven Athena? Dapat iniwan mo na lang ako doon kahapon pa ng mahimatay ako because you loathe me.

Hindi ko siya personal na kilala. Sabihin ko ng nagagawa nito ang mga bagay na hindi maganda sa akin. Nakakapagsalita ng nakakadurog sa puso ko pero sa kabila non. Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil hindi ko kilala kung anong nakatago sa pagkatao nito ngayon.

Everybody knew her negative side which is isa itong masungit, snob, bugnotin, mataray, at sa unang tingin ay walang puso. But I'm starting to see her positive side. Marunong itong mataranta kapag nag-aalala. She's making me suffer because of her sister at nakikita kong mahal na mahal nito ang kapatid nitong si Gwyneth kaya nito ginagawa sa akin ngayon ang bagay na ito. Iyon nga lang, mali ng akusahan ako ng kapatid nito kaya ako nagdurusa ngayon sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

And I admire her dahil sa laki ng tiwala nito sa kapatid nito. Kung tutuosin ay biktima kaming dalawa ni Craven Athena rito. Niloko ito ni Gwyneth at nagsinungaling rin ito at ako ang tagasalo ng masasakit na salita mula rito. Hindi ko nga lang alam kapag nalaman nito ang totoo pero sigurado akong malaki ang magiging epekto sa relasyon ng mga ito.

My phone beep and I took inside my bag. It was Craven Athena.

Eat and drink your med. Walang lason iyan kahit gustong gusto kong lagyan.

For the nth time I sigh again.

I want to go home. I want my peace of mind. I want my normal life back Del Prado.

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon