Chapter 28

4.2K 171 12
                                    

Craven Athena

"What's wrong with you Athena?" Puna sa akin ni Daven pero hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy ako sa paglakad lakad sa aking sala habang nakatunghay sa akin ang dalawa. Daven and my sister Gwyneth are both here right now.

"Ate nakakahilo ka." Cool na wika ng kapatid kong luka-luka. Tumigil ako saka ko ito sinamaan ng tingin.

"Gusto mong tamaan sa akin? I am telling you Gwyneth. Kapag hindi ako sinagot ni South dahil sa kagagawan mo-"

"No Ate. It was you who brought it to your self. I'm just a part of it. Alam kong mali ang ginawa ko pero mas mali ang ginawa mo."

"At isusumpa talaga kita Gwyneth kapag napurnada ang love life ko. I've never felt this way before and you know that. Ano ito? First love and first heartbreak?"

Natawa si Daven sa sinabi ko.

"In love ka nga. Lumalabas kasi ang side ng kabobohan mo Athena. Isa kang Del Prado tapos nagkakaganyan ka? Dapat maipakita mo kay South kung sino ka at kung ano ka."

Sinamaan ko ito ng tingin. "Tanga ka rin Aven ano hindi ka nag-iisip? Hindi ko sasayangin ang chance na ibinigay niya sa akin."

"FYI." Dinuro ako nito. "Wala ng chance kasi noong una pa lang. Pinasabog mo na iyon kaya wala na ngayon."

"Kaibigan ba kita?" Masungit na tanong ko rito habang magkasalubong ang mga kilay ko.

"Yeah?" Parang hindi siguradong sagot nito. "But my point is. Kahit anong desisyon ni South. Hindi mo na iyon mababago pa."

"Saka Ate, what I'm trying to tell you is kailangan mong tanggapin kung anuman ang kanyang magiging desisyon."

Umiling ako sa mga ito. "You guys are making it worst! Hindi kayo nakakatulong. Instead of helping me out in my plan on how to make her mine. Pinagtutulongan niyo akong i-discourage!"

"I'm done with that part." Itinaas pa ni Daven ang dalawang kamay nito na wari'y sumusuko. "Hindi naman kasi ako nagkulang noon ng paalala at payo sa iyo Athena and what did you said ng sinabi kong baka pagsisihan mo iyan sa huli? Na hindi iyon mangyayari pero tignan mo ngayon. Look at yourself right now. You are desperate and despicable-"

"Shut up!" I cut him off.

"Kung gusto mong mapasaiyo si South Ate. Dapat kidnapin mo saka mo-"

"You shut up too!" I cut her off as well. "Isa ka pa! Lalo ka na! Kaya palpak ang love life ko ngayon dahil pumalpak ka na noong una pa. I was so dumb for listening to your lies dahil lang pinagtakpan mo ang hayop na iyon!"

"Ate inaamin ko namang nagkamali ako diba pero ikaw. Wala namang nagtulak sa iyo o nagpilit na paghigantihan mo si South pero ginawa mo pa rin. Ako kasi, alam ko na si South ang alas ko noon para makalaya kay Denver. Hindi ko alam kung anong naisip mo Ate at pinarusahan mo iyong tao emotionally na hindi naman dapat saka ikaw itong naningil ng kabayaran kahit hindi naman sa iyo kuno nagkasala. Ibang klase ka Ate." Tumawa pa ito.

Sa inis ko ay malakas ko itong sinapok sa ulo.

"Aray!" Reklamo nito.

"Tigilan mo ako Gwyneth dahil kapag hindi ako sinagot. Itatakwil kita!"

Napakamot ito sa ulo. "Huwag naman Ate."

Naupo ako saka ko kinuha ang cellphone ko at tinawagan si South. Ilang ring pa ang lumipas bago nito sinagot.

"South." Itong puso ko ay sobrang bilis ng tibok. Para ring may nagrarambulan sa tiyan ko. "Let's have a date." Aya ko rito.

"Um.. nauna ng nag-aya si Freggie."

Of course nasaktan ako but what do I expect?

"Pwede bang ako naman? Palagi na lang siya ang sinasamahan mo." Hindi ko maiwasang magtampo. Kung gagamitan ko kasi ito ng dahas. Baka mas lalo ako nitong iwasan at lumayo ang loob nito sa akin.

"Sige, magkita tayo ngayon para matapos na ito." Wika nitong nagpakaba sa akin. Iba kasi ang dating ng pagkakasabi nito.

Pagkatapos nitong sabihin kung nasaan ito ay nagmamadali akong umalis. Hindi ko na rin pinansin ang pagtawag sa akin ni Daven at Gwyneth. Ang alam ko lang ay nanganganib ang buhay pag-ibig ko ngayon. Nagmamadali akong nagmaneho at nagtungo sa lugar kung saan ito naroon.

Pagdating ko ay basta na lang akong nagpark saka bumaba at iginala ang aking paningin sa paligid. Actually isa itong parke at may mangilan ngilang tao na nandito. Bakit dito pinili ni South makipagkita sa akin?

I have a bad feeling about this.

I looked for her at nakita ko itong nakasandal sa isang puno habang nakapikit. Naglakad ako't nagtungo sa kinaroroonan nito. Ng makalapit ako ay basta ko na lang itong hinalikan sa mga labi nito. Just a simple smack. Gulat itong nagmulat ng mga mata at natigil ng magkatitigan kami. There's no doubt, maganda talaga si South hindi lang ang panlabas nitong anyo kundi pati na rin ang panloob. Again, naging bulag lang talaga ako dati sa katotohanang inosente ito at mabuting tao.

"Hi sweetheart." Wika ko at unti unti kong nakita ang pamumula ng mukha nito. Naupo ako sa kanyang tabi at unang beses na ginawa ko ito. I've never been to any park and I've never sit just like this lalo na at sa isang tabi lang. Walang ano ano ay kinuha ko ang kamay nito saka pinagsalikop ang mga kamay namin. It felt right and I love the feeling.

"Athena what are you doing?" Tanong nito kaya napangiti ako.

"Holding your hand." Dinala ko ang kamay nito sa bibig ko saka ko ito dinampihan ng halik. "And kissing it. I missed you." I said kasi totoo naman. I'm actually dying to be with her.

Nag-iwas naman ito ng tingin bago napabuntong hininga.

"I am planning to answer Freggie today at kaya nakipagkita ako ay para matapos na ang lahat ng ito. He's a good guy and I deserve him."

Parang sinakmal ang puso ko. I can't help not to shed a tear at mas lalong hinigpitan ko ang pagkakasalikop sa mga kamay namin.

Napailing ako rito. "Don't do this to me South. You know how much I love you." Dinala ko ang kamay nito sa aking dibdib sa tapat ng aking puso. "Feel that? Ikaw pa lang ang minahal ko ng ganito. Please gagawin ko ang lahat. Magpapakabait ako para sa iyo."

Umiling ito saka binawi ang kamay bago tumayo. "I'm sorry Athena. I made my decision already at si Freggie ang napili ko. Mag-iingat ka pauwi."

Iyon lang saka na ito naglakad palayo. Hindi ko na ito hinabol pa dahil para akong nawalan ng lakas ng loob para gawin ang bagay na iyon. Itong puso ko namamanhid at ramdam ko ang kawalan ng saysay ng buhay ko. Ganito pala ang pakiramdam ng isang nasawi.

I bit my lip hard saka ko pinalis sa mga pisngi ko ang mga luhang naglandas. Dahan dahan akong tumayo saka tinitigan ang daang tinahak nito.

Hindi pa huli ang lahat hanggat hindi ka nakakasal South.

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon