Chapter 23

4.5K 165 12
                                    

Craven Athena

"Get out Daven!" Sabi ko bago ako sumiksik sa unan ko para takpan ang mukha ko. Last night naglasing akong mag-isa dito sa penthouse ko. I can't think straight. Kahit saang sulok ako tumingin ay nakikita ko si South at naririnig ang sinasabi nitong pagsisisihan ko ang mga nangyari.

And I am.

I do.

And I was such a fool to believe my sister who lied to me. I thought she was telling me the truth until sh*t happened.

"Athena hindi ka lumaking mahina. Ginawa mo naman ang parte mo para ipaghiganti ang kapatid mo kaya lang ay sa maling paraan." Sa totoo lang ay nagpapanting ang mga tenga ko dahil masakit ang ulo ko. Gusto ko pang matulog. Gusto kong makalimutan lahat ng kagagahang nagawa ko.

"Kaya sa ayaw at sa gusto mo. Itatama mo ang mga maling iyon. Girl hindi pa huli ang lahat and I know gustong gusto mo si South. I told you that before at inuulit ko na kahit gaga ka. I still want you for South even if she's too good to be true para sa iyo."

Which is true. I don't deserve her kung tutuosin dahil wala naman akong magandang nagawa sa kanya. Lahat ng binigay ko ay sakit, paninirang puri, at pangungutya na ngayon ay hindi ko matanggap kung bakit nagawa ko ang mga bagay na iyon.

"Athena!" Sigaw nito kaya wala akong choice kundi ibato ang unan na nakatakip sa mukha ko.

"Ano ba! Masakit ang ulo ko Aven! Leave me alone!"

"Gosh! You reek of alcohol. Ilang bote ba ang nainom mo kagabi?"

Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa inis. Alam ko kasing hindi ako nito titigilan. Mas gusto ko ang pagiging tahimik nito minsan kaysa sa mga oras na nagiging makulit ito kagaya ngayon.

"Wala ka na don!" Wika ko saka ako dumapa sa kama. Namimintig ang ulo ko. Ayoko ng mag-isip pa ng iba pero hindi ko maiwasan lalo na kapag naaalala ko ang mga panahon na pinapahiya ko si South at kita ko ang sakit na bumabalatay sa mga mata nito. Hindi ko dapat iyon ginawa rito pero tapos na.

Sinabunotan ko ulit ang sarili ko.

"Patingin ka na Athena. Parang kailangan mo na ngayon ng psychiatrist. Malala ka na."

"You are right." Mahina kong sabi at nagsimulang umagos ang mga luha ko.

Bakit kailangang ganito? Kasalanan talaga ito ni Gwyneth pero alam kong ako mismo ang gumawa nito sa sarili ko. Hindi ako nakinig kay Daven kahit noong una pa lang at dapat nagtanong muna ako. But I didn't need to ask dahil si South na mismo ang nagsasabi sa akin iyon noon. Naging bingi lang talaga ako. Naging bulag at hindi nakita ang totoo.

"Athena huwag kang umiyak. Hindi pa katapusan ng mundo. Why don't you make things right?"

"Kahit gawin ko ang tama. Nasaktan ko na siya."

"Then ipakita mong sincere ka. At kung nakagawa ka ng mali dapat tinatama iyon. You hurt her and caused her pain. Tanggalin mo sa kanya ang sakit na iyon."

Umiling ako rito. "Kahit gawin ko iyan. Nakamarka na iyon sa kanyang puso. Nag-iwan ako ng pilat doon."

Narinig ko ang malalim nitong pagbuntong hininga.

"Come on. Bumangon ka na diyan. Maligo ka na saka tayo aalis. May trabaho ka at nakadepende pa sa iyo ang mga employees mo. Harapin mo iyan ok? Ang mahalaga, makita niyang nagsisisi ka talaga at malay mo mapatawad ka agad. I saw what South's capable of. Maunawain siya at may mabuting puso."

Umiling ako rito bago pinunasan ang mga luha ko. "Ayokong pumasok sa trabaho saka bakit ba. E ako ang boss."

"Oh e di mamasyal tayo para naman makapag-isip ka ng tama at mapagplanuhan kung paano ka magso-sorry kay South. I can't believe you girl. Pagkatapos mong malaman noon ang totoo ng gabing iyon. Nilayasan mo. At ng malaman mo ulit ang katotohanan kay Gwyneth. Nilayasan mo ulit si South doon sa pad ng kapatid mo. Alam mo Athena para ka ng tanga. Dapat kapag ganun hinaharap mo. Tinatakbuhan mo e kaya paano makikita nong tao na sincere ka? You should face it."

That's true. Nakwento ko kasi dito ang mga tagpong iyon. Natakot ako sa mga nalaman ko dahil hindi ko tanggap na nagkasala talaga ako. Na nagkamali ako kay South Del Frio.

Kung hindi lang nangyari ang insidenteng iyon. Malamang kami na nito matagal na. Because I know for myself the moment I saw her for the first time. I want to know about her. Wala nga akong pakialam kung straight man ito that time kasi I am confident na mabe-bend ko ito pero panira ang kapatid ko ng mga oras na iyon. Kaya heto ako ngayon at parang ramdam ko ang isang itinapon lang sa kangkungan.

Nakumpirma ko kasing mas malakas ang atraksyon ko kay South noong makita ko ulit ito and being mad with her was one of my way to protect myself. Defense mechanism ko kumbaga kaya ko pinatigas ang puso ko kahit may parte sa aking naniniwala sa mga sinasabi nito. Ayaw ko lang makinig and I've become so blind to protect my sister too. Which is a bad move at ngayon, check mate na ako.

They were all right.

I dig my own grave. Ako talaga ang nagbaon sa sarili ko and these mix emotions were driving me crazy.

"I can't face it. Wala akong mukhang maiharap sa kanya."

"Of course you can. Ikaw si Athena Del Prado. Masungit, mataray, at makapal ang mukha."

Bumaling ako rito at sinamaan ito ng tingin.

"I am not-"

"Hep!" Itinaas nito ang isang kamay to stop me from talking. "Ang point dito. Nakasakit ka ng tao. Kailangan mong humingi ng tawad, tapos! And if you want to get involve with South let's say for a lifetime. Ngayon pa lang, make things right dahil kung nagkataon. Ikaw pa lang ang kauna-unahang Del Pradong matatanghal bilang duwag."

"Anong sinabi mo?!"

"Mataray at masungit na duwag. Bakit may reklamo ka?" Ulit nito.

"Hindi totoo iyan! I wouldn't be here-"

"Then what are you waiting for? Hindi ka duwag e bakit nandito ka pa?" Tumayo ito saka namaywang. "Tayo ka o bubuhatin kita at paliliguan ng wala sa oras Athena?"

Inirapan ko ito.

"Huwag mo akong dramahan dahil ikaw itong nakaagrabyado ng tao kaya umayos ka Athena. Ayusin mo iyan. Dapat dalang dala ka na sa mga actions mo e. Humingi ka ng tawad. The sooner the better. Don't waste time so move."

"Pero Aven-"

Napasigaw na lang ako ng buhatin ako nito mula sa kama at ipinasok sa banyo. Wala akong magawa kahit nagpapasag pa ako. Kahit bakla, malakas pa rin dahil lalaki ito. Bigla nitong binuksan ang shower kaya napasigaw ako ng maramdaman ko ang sobrang lamig na tubig.

"You sh*t! I hate you Daven!"

Tumawa lang ito sa akin ng makalayo at tumayo ito sa may pintuan.

"I warned you Athena. And don't say you hate me. Someone out there hates you more for what you did so fix yourself. You're about to do sh*ts just to hear the word I forgive you."

Why life's so hard for me right now?





D*mn it!

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon