UNANG KABANATA

16 4 1
                                    

Isang oras.
Isang oras na lang ang natitira at maglalaho na ang lahat.
Mag sisimula na akong iwanan ng lahat. Walang matitira.
Kundi ako lang.
Sasaya ako, ngunit ang pagbuhos ng lungkot ay mas binawi pa kaysa sa kasiyahan,
Na minsan ko na rin'g nadama.

Pinipilit kong intindihin,
Ngunit sadya talaga itong masakit.
Pakiramdam ko'y hindi ako karapat-dapat mahalin.
Ng kahit sino man'g gusto akong mahalin.

Sa mundong mahal na mahal ko
Tila ba'y hindi ako minahal nito.
Saan nga ba ako lulugar?
Kundi sa mismong teritoryo ko,
Na mismong sarili ko lang ang naroroon.

Gabi na, at ang oras ay maglalaho na.
Pati na rin ang mga taong minahal ko.
Lahat ay maglalaho na.
Ngunit bakit hindi ako kasama?

Siguro ito na talaga ang aking kapalaran.
Kapalarang mamuhay ng mag isa.
At maglalaho lahat ang mga taong,
Magmamahal sa atin.

Ako si Elaine, hindi ako normal na babae.
Dahil kapag minahal nyo ako...
Maglalaho kayo.

Sa panahong nahihirapan na ako,
Wala na kayo. Dahil naglaho na lahat, pati pag ibig mo.
~elaine

(THIS IS WORK OF FICTION, THIS SHORT STORY ARE BASED ON MY IMAGINATIONS)
[CLICK THIS ---->>> ☆]
~Mrsnts14

Naglaho Na (On-Going)Where stories live. Discover now