PANG-PITONG KABANATA

2 1 0
                                    

TAHIMIK akong nakaupo at nakatulala sa kisame.
Iniisip kung bakit sa dinami-rami ng magugustuhan mo, ako pa ang nakita mo.
Hindi ako simpleng binibini na kaya kang sagutin ng ilang segundo.
Hindi din simple ang buhay kong kinatatakutan ko sa tuwing may naglalaho.
Kaya sana havino, hindi nalang ako.

Napabuntong hininga nalang ako habang tinitignan ang mga ibong malayang lumilipad sa kung saan. Sana kagaya ng mga ibon, malaya din akong magmamahal ng taong gusto kong mahalin.

"Elaine, kumain ka na ba't kanina ka pa dyan tulala." Nginitian ko si Manang ng makita ko s'yang naghahain ng mga niluto niyang pagkain sa lamesa ng bahay ko.

"Kailan ka pa po pumasok dito manang lena?" Nagtatakang tanong ko dahil hindi ko manlang siya nakitang pumasok mula sa pintuan.

"Kanina pa ako pumasok elaine, sapagkat pinahintulutan mo akong pumasok. Hindi ko alam kung bakit ang lalim ng iyong iniisip elaine. Hindi ko mawaring masisid." Natatawang pag kuwento ni manang lena.

"Pasensya na ho, kumain na po ba kayo?" Tanong ko at nilapitan siya agad para sa paghahain ng mga plato.

Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa atsaka marahang nilapitan at hinawakan ang magkabilaang balikat ko upang paupuin na sa upuan. "Huwag ka ng mamroblema, ako na ang maghahain. Sabay na din tayong kakain." Sumang-ayon nalang ako sakanya.

Sabay kaming nag dasal ni manang lena at sabay din naming kinain ang mga pagkaing niluto niya. Naaaliw din ako sa tuwing nagkukwento siya ay purong katawa-tawa lamang na nakakatulong para malimutan ko ang lungkot na nadarama ko.

Si manang lena ang nag aalaga sa akin sa ngayon, para na siyang tumayong lola ko na dumating pa sa punto na pati sa pag lamon ko ay inaasikaso ako. Alam niya din ang kalagayan ko at kung bakit ako nag iisa sa ngayon. Si manang lena lang din ang nakakalapit sa akin ng may pag-aalala't hindi napapasama sa mga taong naglalaho ng dahil sakin.

KINAHAPUNAN, ay nagpagisip-isip ko na lumabas mula sa aking bahay. Pupunta nanaman ako ng parke, titignan ang mga tao't makikisaya sa mga kasiyahan at relasyong meron sila.

"Kamusta ang pakiramdam mo elaine?" Hindi ko na kailangan mag tanong pa kung sino iyon. Dahil boses at amoy pa lang nito ay kabisadong-kabisado ko na agad.

"Ako'y mabuti na, pasensya ka na sa nangyari nung isang araw." Matamis niya naman akong nginitian na syang iniwasan kong titigan.

"Ano ang dahilan kung bakit ayaw mo sa'kin, binibini?" Dahil isa ka sa maglalaho kapag ako ay minahal mo. Lihim naman akong napabuntong hininga.

"Walang hindi kagusto-gusto sa'yo havino." Naramdaman ko naman ang pag ngiti niya ng makita ko mula sa gilid ng mga mata ko. "Pero ako ang hindi kagusto-gusto. Iba ako sa mga babaeng nakakasalamuha mo." Unti-unting nawala ang mga ngiti niya kaya seryoso ko syang tinignan.

Lumamlam ang mga mata niya at lumaylay ang kanyang balikat. Suminghot pa siya ng lihim at seryosong tumingin sa akin ang kanyang banayad na kulay kayumangging mga mata.

"Paano kang magiging iba sa kanila kung lahat kayo ganito ako kung saktan." Napapikit ako ng makita ko ang mga butil ng tubig na nagmumula sa kanyang mga mata.

Sino nga ba naman ako para maging isa sakanila at saktan ang taong nasa sa harap ko ng ganito.

"Pasensya na havino, ngunit kailangan mo ng kalimutan iyang nararamdaman mo sa'kin." Mapait akong napangiti ng magsunod-sunod ang mga tumutulo mula sa kanyang mga mata. "Huwag kang mag-alala, hindi naman iyan pang matagalan kung kaya't malilimutan mo ako bukas na bukas din."

Tumalikod na ako at nag lakad  na papalayo. Marami pa naman sigurong ibang araw para pumunta sa parke, uuwi na lang muna ako siguro sa ngayon.




Nais ko din suklian ang nararamdaman mo, ngunit paano kung ika'y maglaho?

~elaine










[CLICK THIS~~>>☆]
~MS.M♡


Naglaho Na (On-Going)Where stories live. Discover now