PANG-SIYAM NA KABANATA

0 0 0
                                    

Ilang oras na ang lumipas nang biglaang bumuhos nang malakas ang ulan.
Hindi namin inaasahang parehas ito.
Wala siyang dalang sakob, kaya wala akong ibang magagawa kung hindi panatiliin muna siya dito.
Si havino ang aking tinutukoy.
Sapagkat, hindi ko na siya pauuwiin pa kung ganyan kalakas ang pag buhos nang ulan.

Ganoon nalang siguro kasama ang panahon kung kaya't hindi na ito tumigil-tigil pa sa pag bagsak nang kaniyang mga  luha.

Napatingin ako sa aking katabi na ngayo'y pinagmamasdan ako. Nakaramdam ako nang pamumula at nag iwas nang tingin. Kinakabahan ako sa tuwing ginagawa niya ang bagay na iyon sa akin.

Inayos ko ang laylayan nang aking palda nang muntik ko na itong matapakan sa sarili kong pagka-nerbyosa.

"Pasensya na binibini, nakakaugalian ko nang pagmasdan ang kagandahan mong nagbibigay liwanag sa gabing madilim." Bulong niya at niyakap ang unan ko na ibinigay ko muna sakan'ya.

Humaba ang nguso niya at namilog ang mga pisngi, umayos siya nang upo at humarap sa akin nang may naniningkit  na mga mata.

Kung pu-pwede ko lang pisilin ang kanyang pisngi ay akin nang ginawa nang dahil sa kakyutang idinudulot niya sa harap ko.

"Anong oras mo ako pauuwiin, elaine? Kaya ko namang tumakbo para lang makaligtas sa buhos ng ulan." Inosentang saad niya, batid kong sinabi niya iyon para hindi ako mag-alala.

"Kung sakaling tumigil ang ulan ngayon pauuwiin kita. Pero kung hindi ito tumigil ngayon, mayroon pa akong sobrang kwarto diyaan upang tulugan mo." Mahinahong sabi ko.

"Talaga?" tinanguan ko naman siya at sumandal sa upuan. "Gusto ko lamang malaman elaine, na kung bakit ganyan ka na mag alala sa akin ah?" Tinignan ko naman siya at bumungad sa akin ang seryoso naman niyang mukha ngunit may panunukso ang tono na narinig ko.

Napailing nalang ako. 'Ano ba elaine! Tigilan mo ang pag bibigay ng kahulugan sa lahat ng ikinikilos at sinasabi ng isang ito!' napatango-tango naman ako sa naisip ko.

Dapat na akong madala kung kaya't kinakailangan kong kumalma.

"Mahilig lamang ako mag alala sa isang tao, huwag mo sanang mamasamain ito." Nginitian naman niya ako na halos lumabas ang biloy nito.

Pinakatitigan ko naman ang malalim na biloy nito na nasa kanang pisngi nito na ngayon ko lamang nakita kung kaya't hindi ko na matanggal pa ang pagkakatitig ko doon.

"Ayos ka lang ba, binibini?" Nahugot ko ang aking hininga atsaka nag iwas ng tingin.

"Ipagtitimpla muna kita ng mainit na tsaa, dahil sadyang napakalamig ng panahon ngayong nag uulan." Binigyan niya naman ako ng tango at hindi ko naman na ito pinansin.

Naubos niya lahat-lahat ang itinimpla kong mainit na tsaa. Ngunit ang pagbuhos ng ulan ay hindi pa rin nauubos sa pagpatak.
Hinayaan ko nalang muna siyang mag pahinga sa kanyang kwarto. At ako nama'y nag babantay lamang ng oras.
Dahil kung sakaling tumila ang ulan, tatawag ako ng mag hahatid sa kanya pauwi.

"Elaine? Bakit gising ka pa? Hindi ka rin ba makatulog?" Tumango ako, dahil iyan din ang dahilan ko kumg bakit nag babantay lamang ako ng oras ngayon.

"Kung gano'n, bakit hindi nalang natin ito idaan sa kuwentuhan?" Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin kaya nginitian niya ako at umupo sa harap ng upuan na inuupuan ko.

"Uumpisahan ko kung paano nga ba kita nagustuhan...." naramdaman ko naman ang kaba sa dibdib ko.

Napainom ako ng tubig at muli siyang tinitigan sa kanyang mga mata.




Bakit nga ba ako kinakabahan? Ano nga ba ang iyong sasabihin na dahilan ng pag bibigay kaba sa puso ko ngayon?
Havino..hindi ako handang pakinggan ang mga sasabihin mo.....
~Elaine













[CLICK THIS~~>☆]
~MS.M♡

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Naglaho Na (On-Going)Where stories live. Discover now