PANG-ANIM NA KABANATA

4 1 0
                                    

KINAGABIHAN ay sa mga bintana ko ay ako'y nakasilip.
Pinapanood ang makikinang na bituin sa langit.
Habang ang mga puno ay walang tigil sa paggalaw ng dahil sa lakas ng hangin.
Naririnig ko ang mga tawanan sa labas sapagkat, nagkakasiyahan sila sa isang munting celebrasyon.

Uso pa ba ang harana~
Marahil ikaw ay nagtataka~

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa harapan ng may marinig akong nagtugtugtog gamit ang mga gitara nila't nagsisiawitan sa harap ng aking bahay.

Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng  damit ko. Kinakabahan, dahil sa unang pagkakataon, nakarinig ako ng isang lalaking umaawit mismo sa harapan ko.

Puno ng langit at bituin~
Oh kay lamig pa ng hangin~

Humilera ang mga lalaking tumutugtog ng gitara.
Nagbigay sila ng daan sa gitna at tuluyan ng nanlambot ang puso ko ng lumabas si havino't may hawak-hawak na pulang rosas habang naglalakad sa daang ibinigay ng mga nagtutugtog ng gitara.

Sayong tingin ako'y nababaliw, giliw~
At sa awiting kong ito~
Sana'y maibigan mo~

Hindi ko na napigilan pang ngumiti nang mag simulang umawit sa harapan ko si havino.

Walang distansiya sapagkat, lumapit na siya sa akin nang tuluyan.

Ibubuhos ko ang buong puso ko~

Hindi ko na namalayan na sobra-sobra na ang pagkakangiti ko.
Masaya at naaaliw akong panooring umawit si havino sa harapan ko.
Napakagaling niyang kumanta.
Napakasarap nitong pakinggan sa tainga.
Isa na din siguro ito sa magiging dahilan kung bakit nahuhulog na ako ng tuluyan.

Hindi ko na siguro ito mapipigilan.

"Sa isang munting harana, Para sa'yo~" natigil ako sa pag ngiti ng mapatitig ako sakanyang mga mata.

Hindi ko maigalaw ang mga saliri ko sapagkat nakikita ko lahat ng mga sinasabi nang kanyang mga mata.
Mahirap ipaliwanag, pero isa lang ang nalalaman at naiintindihan ko.

'Mahal na kita Elaine'

Unti-unti akong napaatras dahil.....hindi ko pupwedeng mahalin si havino.
Dahil hindi kami pwede.
Hinding-hindi kami magiging pwede dahil, iba ako sa mga babaeng nandidito.

Normal naman ako, pero ang buhay ko ang hindi, at baka dahil doon ay maglaho siya pati pag-ibig niya'y naglaho na.

"Binibini, ayos ka lang ba?" Naipikit ko ang aking mga mata ng marinig ko ang nag aalalang boses ni havino na ngayo'y nasa sa tabi ko na.

Malalim akong huminga at naupo sa isang silya. Ikinuha naman ako ni havino ng tubig pampakalma.

"Pasensya ka na ginoo, biglang sumama ang aking pakiramdam."

Malalim akong napabuntong hininga. Tinignan ko siya nang unti-unting lumabas ang mahinahon niyang pagkakangiti sa akin.

"Hihintayin kita elaine, kahit maglaho ang lahat, asahan mong ako'y magiging tapat, naghihintay para sa'yo."

Ibinigay niya ang rosas na hawak-hawak niya. Mapait naman akong napangiti.

May mga bagay talaga na kahit gugustuhin mo pa kung hindi talaga pwede, hindi talaga pu-pwede.
~elaine








[CLICK THIS~~>>☆]
~Ms.M♡





Naglaho Na (On-Going)Where stories live. Discover now