PANGALAWANG KABANATA

15 4 1
                                    

Naalimpungatan ako sa lakas ng ulan gayong umaga pa lamang.
Lumabas ako't kinuha ang mga sinampay ko.
Isinara ko ang mga bintana at pinto.
Pumasok ako sa loob at nag timpla na ng kape.

Sa umagang malamig, kape lamang ang katapat.
Samahan na ng pandesal, para buhay mo'y sumarap.

Ngayong ako'y nag iisa sa bahay na ito.
Ay tila ba'y nakukulangan ako.
Naglaho na ang lahat pag patak ng alas otso kagabi.
Kaya mag mula ngayon, mag isa nanaman akong haharap sa pang araw-araw kong buhay.

Bumuntong hininga ako at,
Tumingin sa kung saan.

Kaya ang masasabi ko lang ay,
Hindi masayang mamuhay mag isa.
Kaya ingatan ang mga taong mahal mo sa buhay.
Huwag mong sayangin ang oras na kasama sila.
Dahil mas masakit kapag huli mo ng alalahanin ang pag mamahal na ipinadama nila para sa iyo.

Wala ng hihigit pa sa pag mamahal ng pamilyang mayroon tayo.
Kaya't pahalagahan natin ito't huwag sayangin.
Dahil kapag sila'y naglaho,
Mararamdaman mo ang nararamdaman ko.

Ako si elaine,
Na hindi mo karapat-dapat mahalin.
Sapagkat, baka ika'y maglaho.
Kagaya ng ibang sumubok mahalin ako.

Isa itong sumpa,
Magmula nung ipinanganak ako.
Hindi na maalis.
Wala ng lunas.
Kaya ito'y nakakalungkot.

Tatanggapin ko nalang siguro ito,
Kung ito na ang kapalaran ko.
Mamumuhay akong mag isa,
Walang magmamahal.
Upang wala na rin'g maglaho.

Mahalin mo man sila ng buo, ngunit hindi ito pang matagalan. Dahil lahat maglalaho, naglalaho.
~Elaine

[CLICK THIS --->>> ☆]

Naglaho Na (On-Going)Where stories live. Discover now