PANG-WALONG KABANATA

2 1 0
                                    

Napakarami kong iniisip.
Hindi ka na mawala-wala pa sa mga iniisip ko.
Isa ka sa dahilan kung bakit gumulong muli ang kalmado kong damdamin.
Nais ko sanang tanggihan ka ng tanggihan.
Ngunit ano ang ginawa mo sa'kin ngayo'y ikaw ang laman ng aking isipan?

"Bakit hindi mo nalang tanggapin?" Napigil ko ang aking pag hinga ng marinig muli ang boses ni manang lena.

Bakit nanaman siya naandito? Ni hindi ko nanaman siya nakitang pumasok sa bahay ko.

"May mga bagay na dapat hindi tinatanggap, dahil hindi naman pang matagalan ang kasiyahang maidudulot nito." Bulong ko pero alam kong narinig niya iyon...

"Hindi ba't sumaya ka din naman kahit panandalian lamang?" Seryoso ko siyang tinignan lalo na nung maupo siya sa aking tabi. "Maswerte ka elaine, na may mga taong gugustuhin ka pa din kahit anong pag tataboy mo. Na sana hindi mo pagsisihan sa huli dahil inilalayo mo ang sarili mo sa kasiyahan na siyang dapat na nararamdaman mo." Mapait akong ngumiti.

Huminga ako ng malalim at tinignan si manang lena ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang mawala siya sa paningin ko.

Saan naman nag punta iyon? Bumuntong hininga nalang ako at pumasok na sa kwarto ko.

Isinara ko ang mga bintana sa kwarto ko nang maramdam ko ang malakas at malamig na ihip ng hangin. Masama ba ang panahon? Sumilip naman ako sa bintana kong nakasara na. Ang mga ulap ay dumidilim, mabuti na lamang at hindi ako ngayon nag laba dahil kung hindi, hindi din ito matutuyo sa ngayon.

Umayos ako ng tayo at lumabas na mula sa kwarto ko nang makarinig ako nang pag katok mula sa pinto.

"Sabay na tayong mag meryenda, elaine." Bumungad sa akin ang ngiti ni havino habang ipinapakita niya ang hawak hawak niya na nasa papel de karton na lagayan.

Tahimik ko naman siyang pinatuloy sa bahay ko, dahil wala naman sigurong masama kung gagawin ko ito.

Aaminin ko na ding nauto ako sa ngiti niyang nakapag-patanggal nang mga alalahanin ko.

"Anong dala mo para sa akin?" Tanong ko at pinaupo siya sa bakanteng upuan na inilaan ko para sakan'ya.

"Empanada." Seryoso ko siyang tinignan habang inilalabas niya lahat ng empanadang nasa papel de karton. "Hindi ko alam kung ano ang paborito mong lasa sa empanada, kung kaya't binilhan kita nang iba't ibang lasa nang empanadang pu-pwede mong tikman." Tumango-tango naman ako at kumuha nang isang makakain.

Isa siyang empanada na kulay kahel ang balot habang ang nalalasahan ko nang kagatin ko ito ay iba't ibang klase nang gulay. Mayroong togue, bawang, may kaunting anghang, may itlog, sibuyas, at ang longganisang vigan, at marami pang sangkap ang nalasahan ko dito sa unang empanadang aking natikman.

Masarap siya at ngayon ko lamang ito natikman! Napapangiti naman akong tumingin kay havino.

"Iyang kinain mo ay ang empanadang ilocos, isa 'yan sa paborito kong lasa." Nakangiting saad nito. Kumuha din siya nang isang empanadang makakain niya at nag umpisa nang kumain.

"Salamat, nalasahan ko ang lahat nang empanadang dala-dala mo para sa ating meryenda." May sinseridad na sabi ko matapos naming maubos ang iba't ibang klase nang empanada.

"Basta para sa iyo binibini, handa akong ipatikim ang mga pagkaing nais mong tikman." Nag papasalamat naman ako kung ganoon.

Parehas kaming napalingon sa labas na kung saan biglang bumuhos ang malalakas na patak nang ulan. Napakunot ang aking noo at tinignan si havinong walang dalang kahit ano kun'di ang empanadang naubos na namin kanina pa.

"Wala ka bang dalang pang sukob?" Agad niya naman akong inilingan na ipinagalala ko.

Paano na kita pauuwiin n'yan ngayong ganyan kalakas ang ulan?



Mag-aalala ako kung pauuwiin na kita ngayon at ganyan kalakas ang ulan na kahaharapin mo.
Wala ka pa man din dalang pang sukob, baka ika'y mag kasakit.
~Elaine











[CLICK THIS~~>>☆]
~Ms.M♡









Naglaho Na (On-Going)Where stories live. Discover now