PANG-APAT NA KABANATA

16 2 0
                                    

Kinabukasan ay malalakas na katok ang aking naririnig.
Tumayo na ako at inayos ang sarili.
Binuksan ko ang pinto at takang tumingin sa lalaki.

"Magandang umaga binibini, halina't kumain tayo malapit sa iyong baryo" hindi na ako nakaangal pa sapagkat marahan niya ng hinatak ang aking kamay dahilan ng pagsama ko na din sakanya.

Ang amoy ng pagkaing masasarap ang sumalubong samin habang naglalakad kami.
Isang ale ang tumungo sa amin upang pahintuin kami sa aming paglalakad.

"Iha't iho, kayo ba ay gutom na? Halina't pumasok kayo sa aking karinderya." Aya niya at dahan-dahan naman akong napangiti.

Nakasunod lamang kami sa ale upang pumunta sa kanyang karinderya.
Mangha kong tinitignan ang disenyo ng kaniyang karinderya.
Simple lamang ito ngunit sadyang napakaganda na bumagay sa tema ng kaniyang karinderya.

"Sige na't umupo na kayo, ipaghahanda ko kayo ng pagkaing gusto niyo" ani niya habang nakangiti pa.

Maya-maya lamang ay dumating na ang mga pagkaing inihain niya para sa aming dalawa.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko dahil ni isang letra sa kaniyang pangalan ay hindi ko alam. Hindi din naman ako manghuhula upang alamin ang kaniyang ngalan.

"Ang pangalan ko ay Havino, ikaw ba binibini? Ano ang ngalan mo?"

"Ang pangalan ko ay Elaine, wala akong pamilya" mapait ang ngiting sagot ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang biglang nasabi ko.

"Kung ganoon, maaari ba akong maging kapamilya mo?" Ang sinseridad niyang mga ngiti ang nagpalambot sa puso ko.

Unti-unti lamang nawala ito ng maalala kong hindi nga pala normal ang buhay ko, at ayaw ko ng may maglaho pa ng dahil sa marupok kong puso.

Nabaling ang tingin namin sa mga pagkaing inilatag sa lamesa, nagpasalamat naman ako't hindi na natuloy pa ang aming pag uusap.

Nag umpisa na kaming kumain, tinikman ang lahat ng pagkain. Lahat ay masarap, at nakakabusog rin. Matapos kumain ay magpapaalam na sana ako kay Havino pero tinawag niya ang aking pangalan.

"Elaine" napalingon ako sakanya.

"Huwag mo sanang pigilan ang nararamdaman mo. Huwag ka ding matakot kung ang nakapaligid sa iyo ay naglalaho, maglalaho."

Hindi ako nakagalaw ng dahil sa binitawan niyang salita. Pakiramdam ko'y may alam siya pero hindi ako sigurado.

Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad papauwi ng bahay.

Kahit anong gawin ko, hindi na yata mapipigilan ng puso ko ang magmahal ng isang tao.
~Elaine


[CLICK THIS----☆]
~Ms.M♡




Naglaho Na (On-Going)Where stories live. Discover now