PANG-LIMANG KABANATA

11 1 0
                                    

Alas tres na nang hapon nang mapag-isipan kong mag lakad-lakad.
Sa hardin na libreng puntahan upang tanawin at pagmasdan ang mga punong hinahangin, ang mga bulaklak na nagsisipag gandahan, at ang mga taong masayang nagtatawanan kasama ang mga kaibigan at kapamilya nila.

Mapait naman akong napangiti at marahang naupo sa sapin na nakalatag sa lapag.

"Hindi ko alam na makikita pala kita dito, elaine" nagugulat kong tinignan si havino na nakatayo sa harapan ko. Dala-dala niya pa ang isang basket na alam kong puno ito ng mga pagkain.

"Nais ko kasing mag pahangin, ikaw ba? Bakit ka naririto, havino?" Kalmado lamang ang pagkakasabi ko sapagkat, hindi ko matagalan ang mga titig niya at masyado akong nahihiya para gantihan ang mga titig niyang iyon.

"Madalas akong magpahangin dito. Dyaan mismo sa kinauupuan mo, at madalas ay mag-isa akong kumakain dito." Puno ng sinseridad ang kanyang pagkukwento. Nakangiti pa ito at ramdam kong sa akin siya nakatingin.

Pumikit nalang ako at dinama ang malakas at sariwang hangin na nararamdaman ko sa balat ko.

Naramdaman ko naman ang pag upo niya sa tabi ko, atsaka niya inilapag ang dala-dala niyang basket.

"Sana, gaya ng sariwang hangin na nararamdaman mo, ay maramdaman mo din sana ang sariwang pagmamahal na siyang para sa iyo" gulat akong napatingin sakanya.

Ito nanaman ang mabibilis na tibok sa puso ko sa tuwing nagbibitiw siya ng mga salitang malalim pero alam mong tatagos sa iyong puso.

"Sana, kaya mong maghintay havino. Hindi kasi ako karapat-dapat mahalin ng kahit sino. Baka madamay ka sa uri ng buhay na mayroon ako." Napapabuntong hiningang sabi ko.

Gusto ko sana siyang bigyan ng tiyansang mahalin ako, pero hindi ko maipapangakong mabibigyan ko din siya ng tiyansang mahalin siya.

Hanggat maaari, kailangan kong pigilan.
Habang maaga pa, kailangan ko ng itigil.
Dahil kapag lumalim na, huli na para makaahon pa.

Huli na, kasi maglalaho siya.

"Palagi mong tandaan, elaine, na kahit anong mangyari, huwag kang matakot. Dahil maglaho man ang lahat, hinding-hindi ko magagawa sa iyo iyon." Mapait naman akong napangiti sakanya.

Sana nga hindi ka magaya sakanila.
Na minahal lang naman ako ngunit, kinakailangan pa ding maglaho.

"At kung maglaho man ako, asahan mong pagmamahal ko sayo'y totoo't hindi, naglaho." Puno ng sinseridad ang mga mata niya na gustong-guto ko ng paniwalaan ngunit, hindi na ako handang magmahal.

Hindi na ako handang, may mawala pa. Ayoko ng masaktan.

"Havino, hanggat kaya mo pa, umahon ka na. Dahil kapag lumalim pa yan, masasaktan ka lang."

Matapos kong mag bitiw ng salita ay tumayo na ako at naglakad na papalayo.

Kung sanang, kamahal-mahal ako, hindi na sana ako nahihirapan pang pigilan ang nararamdaman ko.

Hindi ko na namalayan pang nakauwi na ako sa bahay.
Huminga naman ako ng malalim atsaka pumasok na sa loob.
Sa tuwing uuwi ako sa bahay na ito, ramdam na ramdam ko ang lungkot.

Inilibot ko ang tingin ko sa bahay.
Bukod sa nakakabinging katahimikan ay nag-iisa lamang ako dito.
Unang-unang bubungad pag pasok mo dito ay kalungkutan.

Napaupo ako sa isang silya at inisip ang mga sinabi sa akin ni Havino.
Nagtataka ako na naguguluhan.
Pati itong nararamdaman ko ay nakakalito na.

Hindi ako pupwedeng mahulog sakanya.
Dahil madadamay siya sa buhay kong kataka-taka.
Kung sanang pwede lang magmahal ng simple.
Kung sanang pwede lang maging simple.

Gustuhin ko man'g magmahal ay hindi pupwede.
Mananatiling sarado ang puso at pintuan ko para hindi kayo makapasok sa buhay ko.
Walang masasaktan, dapat walang masaktan.

Hilingin mo mang huwag mahulog ay hindi mo malalaman, na sa kakahiling mo ay unti-unti ka ng nahuhulog ng tuluyan.
~Elaine





[CLICK THIS~>☆]
~Ms.M♡




Naglaho Na (On-Going)Where stories live. Discover now