PANGATLONG KABANATA

17 4 6
                                    

Hapon na at naisipan kong lumabas ng bahay.
Tumila na rin naman ang ulan,
Kaya't ako ay lumabas na.
Kay gandang mga puno ang aking nakikita.
Ang iba'y wala ng mga dahon.
Nakakalungkot man pero,
Alam naman nating walang permanente sa mundo.

"Binibini, gusto mo bang samahan kita sa iyong paglalakbay?" Isang ginoo ang lumapit sa akin. Kataka-taka man ay hindi ko nalang sya sinagot at nag umpisa ng maglakad.

"Ano ang nais mo sa akin?" Ani ko, nahahawa na sa kanyang pagka-makata.

"Ikaw ang nais ko binibini, ikaw na ata ang dahilan kung bakit bumibilis ang pag tibok ng aking puso." Tumingin ako sa mga mata nya at kitang-kita ko ang kanyang sinceridad.

Lumayo ako ng kaunti.
Natatakot na mapasama sya sa aking buhay.
Buhay ko ay hindi normal.
At ayaw ko ng may maglaho pa,
Ng dahil sa akin.
Oo, ng dahil Sa akin.

"Pasensya na, hindi ko ibig na patibokin ng kay bilis ang iyong puso. Pasensya na, kung ang iyong pagka-gusto sa akin ay hindi ko matatanggap." Ani ko at umalis na sa harap nya.

Bakit ganito ang tadhana sa akin?
Alam nya namang hindi ako pu-pwedeng mag mahal.
Ngunit bakit may mga tao pa rin talagang gusto akong mahalin?
Bakit??

Dire-diretso lamang akong naglalakad.
Hanggang sa huminto ako,
Sa tapat ng aking bahay.
Umupo ako sa upuan ng makapasok ako sa loob.
Iniisip kung bakit, mayroong gustong mahalin nanaman ako.

Ang buhay ko ay hindi normal.
At ipinapangako ko sa aking sarili,
Hindi na ako magmamahal pa ng todo.
Ng sa gayon ay,
Wala ng maglalaho, naglalaho.
Ng dahil sa akin.

Hindi na dapat ako magmamahal. Hindi na dapat ako nagmamahal. Hindi na....
~Elaine

[CLICK THIS ----->>☆]

Naglaho Na (On-Going)Where stories live. Discover now