Chapter 10

59 8 1
                                    

AFTER having breakfast, hinatid ko na sila sa kani-kanilang mga bahay. Si Kanluran ay nagpababa sa isang building, hindi ko alam kung ano 'yun. For sure natanggal na naman siya sa luma niyang trabaho kaya sa ibang building ko na naman siya kailangan ihatid.

Si Isaiah naman ay hinatid ko sa day care. Sinalubong siya ng kaniyang mga guro at mga kaklase. Ang chaka nila, si Isaiah lang may itsura.

I should go out with Isaiah next time, so I can recharge myself.

"Attorney, pupunta na po kayo sa korte?" Bungad sa'kin ni Iñigo.

Mukha siyang sabog, malalim ang eye bags. Pinuyat ko kasi kagabi, ang bad kong boss.

"Yes, let's go." Saad ko tsaka tumayo.

Ilang minuto pa lang akong nakakapasok sa office ko pero aalis na ulit ako. Dumaan muna kami sa opisina ni Lake dahil may sasabihin daw siya sa'kin.

"What is it?" Tanong ko.

Nauna na si Iñigo sa parking, naglakad ako papalapit kay Mancini.

"Let's go to lunch together. I have someone to introduce."

My mouth formed a little 'O'

"Really? You have a lover?" I asked.

Well that's a good thing, maybe?

Naunahan mo pa ang kapatid mong malapit ng mawala sa kalendaryo.

"It's not that serious yet."

"Well, good for you. You treat themwell or else, I'll cut your future."

"Butcher."

Napa-irap naman ako. "Is that all?"

"You look pale, try to take a little easy today. Okay?"

I nodded. "I'll keep that in mind, see you later."

After that, bumaba na 'ko sa parking lot. Nakita ko si Iñigo sa isang bench, naka-upo, tulog.

Tinapik-tapik ko siya.

"You can sleep at the office." Bulong ko.

Agad siyang tumayo at iminulat ang mata.

"Sama po ako, Attorney."

Napatawa na lang ako sa'kanya at pinagbuksan siya ng pinto.

Sumakay ako sa driver's seat at naglagay ng seatbelt.

Buong biyahe namin, parang sumasayaw ang ulo ni Iñigo. Kulang na kulang ito sa tulog.

Nang makarating kami, nagdadalawang isip pa 'ko kung gigisingin ko siya or pabayaan ko na lang matulog.

Pero naalimpungatan ata at nagising.

Sabay kaming pumasok sa korte at hinanap ang room na gagamitin para sa pre-trial and trial kung hindi ma-dismiss ang kaso.

Tiningnan ko at inobserbahan ang loob ng silid, may technology na magagamit at mukhang maganda.

Kailangan muna naming i-check, mga Attorneys ang pagdadausan ng trial before hand para ma-familiarize kami sa lugar.

May mga silid kasi na walang technology at mayroong advance technology.

Katulad na lang no'ng huling trial para kay Maple, saktong natapat kami sa isang advance technology room. Naka-split na lang sa TV screen ang Witness kaysa pumunta siya mismo sa korte.

Matapos naming maglibot, bumalik na kami sa office. Inaya ko din siyang mag-lunch pero ang sabi niya gusto na lang muna daw niya matulog kaya hinayaan ko na lang siya matulog.

The Verdict: Atty. Elara Lynette MirandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon