Chapter 34

35 1 0
                                    

"OY, ano 'tong nababalitaan kong lumalablyp na daw si Miranda?" Bungad ni Kanluran.

Napa-irap na lang ako at nilakasan ang volume ng tv ni Ophira.

"Huli ka na sa chissmis. Sila na." Saad ni Dem.

Nanlaki ang mata ni Kanluran at tumakbo papalapit sa'kin tsaka ako niyugyog.

"Anak ng, magkakaron ka na ng ayuda!" Sigaw nito.

Napahalakhak naman kaming lahat tsaka ko siya binatukan.

"Sana ol, may love life." Saad ni Dem habang namamapak ng chiken skin.

"Baket? Wala na kayo ng Architect mo?" Kuryosong tanong ni Kanluran.

Kunot noo siyang tiningnan ni Dem.

"Architect? Huh?"

Natatawa kaming binatukan si Dem. "'Yung Architect, 'yung partner mo lagi sa mga project. Asawa mo ata 'yon." Saad ni Lav.

"Ahhh! Naalala ko na." Ngiting saad niya.

Ano 'yon, nakalimutan niya asawa niya?

"Ano? Wala na talaga? Deads as in deads na?" Tanong ni Aza.

Tipid na ngumiti si Dem tsaka tumango. Agad ko siyang inakbayan.

"Wag kang mag-alala, pakilala kita sa mga pinsan ko." Natatawang saad ko.

Tinulak naman niya ko sabay tawa.

"Iniintay ko lang sign ni Lord." Saad ni Dem tsaka tumungga ng beer.

"Kala ko ba Atheist ka?" Natatawang saad ni Kanluran.

"Sign ni Lord pero lumalaklak." Natatawang saad ni Ophira.

Naririto kami sa condo niya dahil nagtawag si Kanluran. Hindi namin alam kung ano nangyayari sa kaniya, madalas siyang lutang o kaya naman sobrang daldal pero natural na iyon sa kaniya.

Naghanda si Ophira ng fried chicken tsaka beer habang si Lav naman ay umiinom ng juice habang nakahiga sa sofa, kinakalikot ang remote.

"Ano ba 'yan, Lav. Lipat ka ng lipat." Reklamo ni Kanluran na ngayon ay nilalaro si Isaiah.

"Hindi ka naman nanonood!" Sagot ni Lav.

Tumahimik na lang si Kanluran dahil alam nitong mapapa-iyak na naman niya si Lav.

"Oy, ano tawag do'n sa resto?" Tanong ni Lav.

Napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Why?"

"Anyare?"

"Bakit?" Tanong naming lahat.

"I'm craving for it." She said with a puppy eyes.

"Anong oras na? Gusto mo pang lumabas?" Tanong ni Kanluran.

"Pabayaan niyo na, 'di 'yan makakatulog kapag hindi niya nakain 'yung gusto niya." Saad naman ni Ophira.

"Eh, ubusin muna natin 'to bago tayo umalis." Saad ni Dem.

Tumango kami at inubos muna 'yung pagkain na niluto ni Ophira.

Nang maubos iyon, bumaba na kami sa parking lot para sumakay sa isang van, hindi kami kasya sa kotse. Kasama din namin si Isaiah dahil wala itong pasok bukas at wala siyang kasama sa bahay.

"Ara, what did you say the place was called again?" Tanong ni Aza.

"Just go straight ahead, its called Dripping BBQ." I said and show them the GPS.

Si Kanluran ang pinag-drive namin dahil ito lang ang hindi pa umiinom maliban kay Lav.

"It seems pretty good." Saad naman ni Ophira.

The Verdict: Atty. Elara Lynette MirandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon