Chapter 38

328 3 2
                                    

"ACCT. Selvantes, 'yung telepono mo."

Napatingin naman siya sa telepono niyang kanina pa nagri-ring.

"Its not important." Pagsasawalang bahala niya.

"Nasa meeting tayo, nakaka-istorbo" Dagdag ko.

Wala siyang nagawa kung hindi ang tumayo at lumabas ng silid. Nginitian ko ang mga co-workers ko sa firm at ipinagpatuloy ang aking report.

Ilang araw nang may tumatawag kay Dev, lagi siyang nakadikit sa'kin at tila wala sa sarili.

May problema kaya 'yon?

Makalipas ang ilang araw nang lumabas ang balita na ako ang haharap sa korte para sa kasong rape, dumami ang mga malalaking kaso na pina-ha-handle sa amin ito ang aming naging dahilan para sa maraming meetings.

Makalipas lang ang ilang minuto, pumasok na si Acct. Selvantes mula sa labas.

Hindi mapinta ang gwapo niyang mukha.

Hanggang sa matapos ang aming meeting, nakakunot lang ang kanyang noo at tila malalim ang iniisip.

"Acct. Selvantes, ano po ang gusto niyong tanghalian?" Agad na tanong ni Iñigo pagkalabas pa lang namin ng conference room.

Napataas ang isang kilay ko nang makitang dinaan lang ni Devon si Iñigo.

Ano kaya ang pinagdadaanan niya? Gusto ko mang itanong pero baka ayaw niyang sabihin at mapilitan lang. I'll wait for him to come onto me.

Hindi ko na siya pinansin at inistorbo pa. Parehas kaming hindi nagkibuan, buong araw iyon naganap.

"Ano kala niya papansinin ko siya? Manigas siya. Bala siya sa buhay niya." I hissed and started my rants.

Habang nag-aayos ako ng mga case file patuloy ako sa pagkausap ko sa aking sarili.

Hindi ko alam kung paano ko makakauwi ngayon dahil wala naman akong sasakyan. Isinakay lang ako ni Dev tsaka hinahatid niya din ako pauwi.

Subalit, ngayon ay wala siya sa aking tabi kaya kinakailangan ko nang kumilos.

"Atty? Okay ka lang po ba? Nagsasalita ka po mag-isa." Nag-aalalang tanong ni Iñigo habang naghahalo ng isang tasa ng kape.

"May kausap ako, 'yang mga balpen oh." Saad ko habang itinuturo ang mga balpen sa aking harapan.

"Eh? Attorney, hindi naman po sila nagsasalita."

"Precisely!" Pumalakpak pa ko tsaka hinarap si Iñigo.

Kunot noo niyang ibinaba ang aking kape.

"Alam mo ba't sila ang kinakausap ko?" Tanong ko sa kaniya habang nilalaro ang isang balpen sa aking palad.

Nagtataka siyang tumingin sa'kin.

"They will just listened to my rants and opinions without prejudice."

Tumingin ako sa kaniya. "Mabuti na rin na nakakausap mo ang iyong sarili. Ni minsan ba naitanong mo na sa sarili mo kung, okay ka pa ba?"

He looked horrified. Mukang na shook siya sa mga sinasabi ko. Ibinaling ko na lang ang aking pansin sa monitor ng computer habang humihigop ng kape.

It's already nine p.m., maari na akong umuwi, but  as the owner of this firm, I need to set good example for my co-workers.

"Iñigo. Umuwi ka na, kanina pa umuwi mga katrabaho natin. Ano pa ang ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ko habang nag-aayos ng files sa isang mahabang mesa.

"Kasi, Attorney. Hindi ko kasi kayang nakikita kang nagtratrabaho ng walang katulong."

"Leadership starts from the leader. Kung umaasa lang ako sa taong nakapaligid sa akin, I shouldn't proudly call myself a role model or leader."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Verdict: Atty. Elara Lynette MirandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon