Chapter 29

136 54 1
                                    

MAAGA, akong pumasok sa trabaho ko ngayon. I was in a good mood to work my ass off.

"Good morning!" Masayang bungad ko sa mga co-workers ko.

Nag-abot rin ako ng coffee and breakfast para pagsaluhan nila.

"Thank you, Attorney! Tara kain." Ngiting saad ni Oreo.

Tumanggi na ko. "Eat well, okay?" Pagpapa-alala ko.

Ngumiti sila, bumati at nagpasalamat. Matapos kong maibigay ang mga nabili ko, dumiretsyo ako sa aking opisina.

Nakakapagtaka lang dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Iñigo. Mas maaga iyon pumapasok kumpara sa'kin.

Napakibit-balikat na lang ako ay nagsimulang magtrabaho. Binuksan ko ang computer ko at nagsimulang mag-email ng mga clients since, I still don't know my schedule for today.

Inabala ko ang sarili ko sa mga pending cases na hindi ko pa nasisimulan. Maya-maya lang pumasok si Mancini.

"Oh? Ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Wala lang, na-bored lang ako."

Napasibangot naman ako, nag-angat ng tingin habang nginangata ang dulo ng aking balpen.

"Napansin mo ba si Dev?"

Bakas sa mukha ni Mancini ang gulat, pati na rin ako ay nagulat sa sinabi ko. Tila isang natural na katanungan iyon sa akin.

Mancini smirked. "Jowa ako, Attorney? Jowa?"

Napasibangot naman ako dahil sa sagot niya.

"Sasagutin mo ko o itatarak ko 'to sa lalamunan mo." Saad ko habang ipinakita ang isang balpen.

"Hindi ka nanliligaw, Ate. Tsaka, ayaw mo naman sa incest 'di ba?"

Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking upuan, agad naman na nataranta si Mancini.

"Joke lang, 'di ka naman mabiro. Kayo pala? Huli na ako sa balita."

Napa-upo na lang ulit ako. "Pwes, ano ginagawa mo dito?"

"Wala, nakakapag-isip kasi ako ng maayos kapag nakikita ang mukha mo."

Nanliit ang paningin ko sa kaniya at napagtanto na...

"You mean to say, I'm pretty."

Napasibangot naman ito. "Hindi, kapag tumitingin kasi ako sa mukha mo nakikita ko si Papa. Mahirap nang magkamali."

Inis kong inihagis sa kaniya ang aking hawak na balpen.

"What's the problem? Want me to solve it?"

Umiling ito. "The firm's Accountant position is currently vacant."

Kunot noo akong napatingin sa kaniya. "Nag-resign?"

Tumango ito, dahan-dahan akong napahilot sa aking sentido.

"Resigning month ba ngayon?" Tanging usal ko sa sarili ko.

Nagkibit-balikat si Mancini at may ibinigay sa akin na iced coffee.

"I'll find one immediately, don't stress yourself."

Tumango-tango na lang ako at bumalik sa pagtratrabaho.

Ilang oras din akong nakababad sa trabaho hindi ako gumalaw or nagpa-istorbo.

Then, I heard someone knock. "Attorney?"

I tilt my head. "Yes?"

"Sorry po late ako, galing po ako sa hukuman."

Nag-angat ako ng tingin. "Yes?"

The Verdict: Atty. Elara Lynette MirandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon