Chapter 9

280 114 20
                                    

"STILL no update?" Bungad ko sa kanila habang humuhulas.

Nabasa ako nang sinuong ko ang umuulang panahon, hindi ko naman alam na uulan eh, sana nagdala ko ng payong. PAGASA 'nu na? Dati may pa-message sa phone ko ngayon ni hi wala, sawa ka na ren?

Bigla namang lumapit sa'kin si Dev tsaka ako binalibutan ng towel, kumuha pa siya ng separate para sa buhok ko. Nagtataka akong napatingin sa lahat na ngayon ay gulat dahil sa kanyang ginawa.

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat." Tsaka ko inabot 'yung towel at tinignan ang ginagawa nila.

"Kakalagnat mo pa lang kahapon, Attorney." Saad niya tsaka iniabot ang isang bottled water and medicine.

I laughed. "Opo, Mr. Aircon."

Habang kinukusot ang aking buhok nanatili ang aking pansin sa case file, mahihirapan nga kami. Sobrang sungit ng panahon ngayon, ang dating maaliwalas na kalangitan ay napalitan ng kadiliman. Ang dating huni ng mga ibon ay napalitan ng mga kakatakot na kulog.

Bigla akong nanginig, sobrang lamig. Nagtanggal na kong blazer dahil ito ay basang-basa. Makalipas lang ang ilang sandali pumasok si Iñigo na may dalang tray at may iniabot sa'king damit.

"Attorney, pinabibigay po ni Attorney Selvantes. Magbihis na po kayo." Saad ni Iñigo.

Napatingin ako sa gawi ni Devon na ngayon ay abala sa pagtitipa sa kanyang laptop.

"Sige, salamat." Ngiting saad ko tsaka kinuha ang damit at dumiretsyo sa palikuran dito sa opisina ko.

He became much more caring. Nakakahiya 'yung ginawa ko sa kaniya kahapon, I was out of my mind.

Gano'n ba talaga kapag may sakit ka? Hindi ka na makakapag-isip ng tama, jsko.

Saktong-sakto sa'kin 'yung damit, baka sa jowa niya 'to. Hala, babalik ko 'to baka pagsimulan pa ako ng away.

Matapos kong magbihis nagtanggal na din ako ng contacts, nagpalit ng salamin at itinali ang buhok. Lumabas ako ng cr at dumiretsyo sa white board namin.

Una sa lahat, wala pa kaming alibi. Pangalawa, walang ebidensya. Pangatlo, walang pansuporta sa ebidensya. Pang-apat, walang testigo. Galing, para kong nagbabasa sa hangin.

"Ano sa tingin mo, Attorney?" Tanong ni Storm.

"Wala ata tayong papatunguhan." Dismayado kong saad.

"Mahirap talagang lusutan ang mga kasong may kinalaman sa mga underground groups." Dagdag ni Aziel.

Napatango naman ako at napa-upo. Something is missing, I need to know how these cases go.

"Find every case that involves underground groups, mafia, syndicate, everything that is against the government." Utos ko.

"Lahat?"

I nodded. "Lahat, can we do it?"

Nagtinginan muna silang lahat bago tumango sa'kin. "Kakayanin."

Napangiti naman ako. "I need it before the day ends."

"Piece of cake." Ngiting saad ni Aziel tsak nag-inat at humarap sa kanyang laptop.

"Attorney Selvates and Jaspher are with me. We will find every case that Lavinia get herself into."

Tumango sila at tumayo.

Ang naka-assigned sa past cases ay sila Attorney Claverio, Inigo and Storm while me, Attorney Selvantes and Jaspher is in-charge with Lavinia's cases.

"Here, Attorney."

Nag-angat ako ng tingin kay Attorney Selvantes.

I smiled and reached for the coffee. "Thank you."

Napatingin naman ako sa isa pang bitbit niya, grape juice. So, he's not drinking coffee.

The Verdict: Atty. Elara Lynette MirandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon