Love 45

52 6 5
                                    


What should I do?!

I was literally panicking while walking towards the entrance. Para akong pinagpapawisan ng malamig.

"Babe!" Tawag ko kay Lariza nang makitang may kausap na itong lalake. Kahit saan talaga may nabibingwit ito eh. 

Ang ganda rin naman kasi nitong si Lariza. Noong college nga akala ko'y nerdy type pero get-up niya lang pala iyon. She's now wearing a black crocheted top paired with a short denim cut-offs that matched her gladiator sandals. Okay, understandable naman dahil galing siyang beach.

He said something to the boy and kissed his cheeks and then umalis na. Landi ah!

"Hey babe! Long time no see! I'm sorry wala ako kanina sa event niyo, di ko kasi maiwan-iwan yung halimaw." 

She was running towards me with her ear-splitting voice kaya napapatingin sa amin ang ilan. Walang pinagbago. Soprano pa rin ang boses. 

The halimaw she was talking about was her boss. She's a secretary kasi in an airline company. Ang sabi pa niya noon, daig pa niya ang nagbe-babysit dahil sa tigas ng ulo ng boss nila.

"It's okay but babe! What should I do?" 

Mukha na yata akong baliw dahil kanina ko pa sinasabunutan ang sarili ko. Di ko alam kung paano tatapusin itong gabing ito at di pa ako nakakapag-pasalamat ng personal kay Ruby. Kung aalis ako ngayon, napaka-unprofessional ko naman. 

Ayoko rin namang sirain ang tiwala nila dahil hawak ko ang Innova, ganun na rin ang aking mga employees. I can't dare to break their hopes. I know some of them ay mga breadwinner sa kanilang mga pamilya dahil ako mismo ang nag-interview sa kanila. And they answered me without filtering their situations. I felt their difficulty. 

"Kakalma ka o ako ang sasabunot sayo?" 

Kaya ayun, kinalma ko muna ang sarili at kumuha ng tubig ngunit bigla lang sumama ang pakiramdam ko.

"Babe, help me!" 

It wasn't just a simple favor dahil nagsimula na akong lumuha. It's like I was asking for help not to drown... again. Minsan ko nang nasalba yung puso ko eh kaso walang immunity sa pagiging heartbroken.

"He's here... Addi."

She was shocked nang sabihin ko iyon. She knows our story. From the missent message up until I decided to leave their life, Addi and Abby. I felt sorry nga kay Abby dahil yung kuya niya naman talaga ang dahilan kung bakit ako lumayo sa kanila but I compromised our friendship without telling him my reason. Na-gui-guilty tuloy ako. Every night I was hoping he'd forgive me someday.

"Wait, anong gagawin natin? Should we leave?"

Should I? But napaka-unprofessional talaga eh. Kaso di ko talaga kaya eh, baka yakapin ko siya bigla. Yes, I really miss him. Pero may Ruby na eh. May nanalo na. Ay no, noon pa man, nanalo na talaga si Ruby.

I shook my head. I have to face this. Baka sabihin pa niyang di pa ako nakaka-move on eh ang tagal na nun. Bakit ba? Mahal ko na eh.

Bumuntong hininga si Lariza and held my shoulders. 

"Okay pero wag kang iiyak-iyak sa harap namin kung hindi mo na kaya kundi ako sasapak sayo. Binigyan na kita ng pagkakataong tumakbo ngayon but you said no kaya tara na. Kayanin mo sa harap nila kundi lagot ka sakin." 

Hinila niya ako papunta sa mga table dito sa ground floor. 

"Babe, nasa second floor kasi."

"Ba't di mo agad sinabi? Akala ko dito kasi maraming gwapo." And she laughed.

Love, Wrong SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon