Epilogue: Addi

85 7 3
                                    


"Pre, good luck!" Suporta ni Seb ngunit may halong pang-aasar.

Wala akong planong sumali sa chess ngayong Interschool Competition pero itong magaling na Sebastian ay nilista ang pangalan ko para sa 4th Year Level. Siya naman ang representative sa 3rd Year Level ng St. Augustin University.

Hindi kami magkaparehas ng year level dahil migrate student siya but we're originally batchmates.

Nandito kami sa library ng Araullo University, ang kalaban na school. Kasama namin ang sophomore at freshman representatives namin. Hindi pa dumarating ang ibang kalahok kaya sa sofa na muna kami tumambay. Si Seb lang ang gumagala sa loob ng library.

Hindi man obvious but he really likes to read, be it a novel or science books. He's smart. He could've taken the Accelerating Program but he lost his chance dahil late na siyang nakabalik dito sa Pilipinas.

Moments later, naging maingay na ang library nang dumating ang apat pang mga estudyante ng AU. Napatayo kami and decided to shake hands with them. The girl with bob-cut hair looks cute with her eyeglasses on. Sa kanya agad natuon ang pansin ko. Ewan ko ba, madaling makahigop ng atensyon ang awra niya.

Sa tagong parte ng library ay may long table. We were told na alternate ang seating arrangements. May nilapag na bowl sa gitnang mesa at bubunot raw kami para sa seating arrangement.

3rd. Napapagitnaan ako ng third year at freshman nila. So, nasa kanan ko 'yung cute na babae. First year pa pala ito. Sayang naman. 'Di mo mahahalatang first year pa ito dahil matanggad siya. Akala ko nga ay third year na ito.

Pina-pwesto na kami sa designated seats ngunit hindi pa rin kami nagsisimula. Nakahanda na ang chess board sa mesa kasama ang mga chess pieces.

"Let's wait for your watchers. You can play a friendly game while waiting for them." Saad ng Game Director.

Nagsitanguan kami. Pwede na rin, para naman malaman namin kung paano maglaro ang taga-AU ng chess.

"Charry."

Biglang naglahad ng kamay ang fourth year player na magiging kalaban ko sa chess. Nakangiti itong nakalahad kaya tinanggap ko.

"Adrian." Simpleng sagot ko.

I used the black pieces. Nang mag-start na kami ay wala pa namang pressure na nagaganap, dahil aside sa friendly game lang ito, expected moves pa lang ang ipinapakita namin. Halatang nagpapanggap lang kami nitong si Charry.

Seb and I have been playing Chess since we were in elementary. Sa Chess Tournament kami nagkakilala. Hanggang sa naging mag-classmate kami noong highschool, sabay pa rin kaming sumali sa Chess Club, not until college. He has to transfer abroad dahil doon na nagtatrabaho ang mommy niya na nurse.

He was supposed to enroll for fourth-year college here in the Philippines but kinailangan niyang mag-third year ulit dito dahil hindi pareho ang college curriculum ng U.S. at Philippines.

Sa kalagitnaan ng paglalaro namin ay binalot ng ingay ang loob ng library. Papunta sa direksyon namin ang ingay kaya inakala kong ang mga watchers na iyon ngunit mga estudyante lang pala ng AU.

"Para sa bayan! Ipanalo mo Deanne!" Komento ng isa sa mga dumating.

Mabuti nalang talaga at walang nag-aaral na estudyante ngayon dito sa library dahil paniguradong madi-distract sila sa ingay na hatid ng mga bagong dating.

Natapos na kami sa friendly game at kina-kailangan na naming ibalik ang pieces sa board. Sakto namang dumating ang mga watchers.

I was busy putting my pieces back on the board when the cute girl beside me held my hand. Or maybe by accident. She immediately shoves it away.

Love, Wrong SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon