Love 46

71 7 1
                                    


"Babe!"

I immediately break the hug, his hug, dahil narinig ko ang sigaw ni Lariza na papunta sa amin. I looked at Addi and he is still unbothered. Nakangiti pa rin itong nakatingin sa akin. 

So ganon nalang iyon? I left them and he'd still willingly accept me again?! And now, as his... friend? Something's off pero di ko alam kung ano or kung ako ba iyong may mali. Is he playing with my feelings? Kasi akala niya ganoon ang ginawa ko sa kanila noon? Well, I'm hurt!

"I'll see you when I see you." and then he winked.

Ano ba Addi! Binabaliw mo na naman ako eh! I don't want to make the same mistake I did years ago pero ano itong ginagawa ni Addi ngayon? Ganito ba talaga kapag friend? Oh ganito ako ka-bobo para maniwalang may something pa rin?

"Hoy!" Agad akong nabalik sa realidad nang batukan ako ni Lariza. Panira naman talaga ito kahit kailan eh! 

"Umalis na day! Tulala ka pa. Naihi ka no?"

Binatukan ko rin ito dahil ang sakit ng batok niya.

"Ang bobo mo! Friends nga raw kami eh." 

"Oh? Na-friendzone ka ng past lover mo?" At naghalumpasay ito sa sahig. Ang dugyot talaga ng isang 'to kung saan-saan umuupo. Lasing na nga yata ito eh.

"Oh ikaw ba? Ba't may padikit-dikit ka na kay Lance?" Ang bilis din umariba ng bruhang ito. Kanina lang may hinalikan sa cheeks, tas ngayon halos umupo na kay Lance.

"Wala naman, hiningi niya lang ang address ko." 

Nagulat ako dahil sa bilis ng kaganapan. Bilis ng upgrade ah! Kung ako nga yung lalake, number lang muna ang hihingin ko pero yung Lance na yun, address agad?! Ang landi rin ng arkitek na yun.

Sinapak niya ang paa ko kaya agad akong napatingin doon. Ang bilis pa namang bumakat sa balat ko yung kamay niya! Aside sa maputi ang balat ko, ang bigat din ng kamay nitong si Lariza kaya talagang bakat na bakat. 

"Hoy, babae! Alam ko yang tumatakbo sa utak mo ha!"

"Oh? Sige nga, ano?"

She crossed her arms and raised her left brow. 

"You're thinking na may gagawin kami ni Lance sa bahay at dahil bobo ka, mag-aassume ka na iyon nga ang mangyayari!"

Gusto kong tumawa ng walang dahilan. Hindi pa nga ako nakakapag-isip pero parang nilagyan na niya ng ideya ang dapat kong isipin. 

"Alam mong mas bobo ka! Di ako nag-iisip ngayon kaya napaka-dirty minded mo! Tara na nga, nilalamig na ako."


Nandito na ako sa kwarto at naghahanda ng susuotin kapag tapos na akong maligo. Naaalibadbaran talaga ako kapag galing akong pawis. Yung tipong di ako makahinga kahit comfy naman yung suot ko. 

I took my cellphone with me nang pumasok ako sa C.R. Siguro nga trip ko ngayon ang mag-tub kaya naglagay muna ako ng maligamgam na tubig at hinaluan ng Lavender oil. Nilagyan ko ulit ng medyo mainit na tubig dahil mas kumakalma ako kapag ganon. Naglagay na rin ako ng flower petals. Naalala kong bumili nga pala ako ng mga scented oil kaya kinuha ko ito sa drawer. Kumuha na rin ako ng isang face mask para makapagrelax talaga ako. 

Nang matapos na ako't lahat ay binabad ko na ang aking sarili. This is what relaxing should feel like. Hindi ako nakakapag-relax sa mga spa eh. Masyadong sensitive itong tenga ko na pati bulungan ng mga massage therapist ay naririnig ko. 

Mula sa pagkakapikit ay nakapag-isip-isip ako. Bakit parang ito pa yata ang way of celebration ko? From flower petals, scented candles, and the aroma of lavender oil filling my room. Is it because of the partnership? Or dahil nakita ko ulit si Addi?

Love, Wrong Sentحيث تعيش القصص. اكتشف الآن