Prologue

228 17 18
                                    


How can you say na kayo talaga ang para sa isa't-isa? How can I say na kami dapat 'yung masaya? How can I say we're meant to be together when I'm seeing him in front of me, looking happy while hugging the girl he loves, in front of him?

Habang nandito ako, kumakanta sa entablado at wasak ang puso, nasa harapan ko naman ang dahilan kung bakit umiiyak ako ngayon.

Hey, it's 3 in the morning
What you said didn't sink in my head
When you said we're good as done
How you felt our love was gone

The second hand tells me
It's time to say my last goodbye

Oh, I would love to go back
To the time I once saw you sang our love song
But now, I hate love songs
Oh, bring me to the moon
Just to think I'm still not alone
I hate love songs
It hurts to sing a love song

Ang sakit lang na kinakanta ko ito sa harap niya habang yakap niya ang babaeng mahal na mahal niya. Deserve ko nga yatang magka-award dahil kanina ko pa pinipigilang bumuhos ang mga luhang nagbabadya habang patuloy na kumakanta. Ang galing ko diba?

Nakukuha ko pang kumanta sa harap habang wasak na wasak na ang puso ko dito.

Bakit naman kasi itong kanta pa ang napili ko? Masyado tuloy masakit dahil nasa harapan ko iyong kinakantahan ko!
Di ko naman alam na pupunta pala sila dito ngayong gabi eh.

Kahit unti-unti nang nagbabadya ang mga luha sa mata at ang sarap na lang itigil sa pagkanta ay baka mabad-trip lang iyong kaibigan ko na binayaran pa ang mga musicians para samahan ang isang brokenhearted na babae sa taas ng stage.

Maayos pa naman ang pakikiramdam ko sa paligid. Tila'y mga pares ng mga mata ang nakatutok sa aking pag-iyak. Siguro nga nakainom na ako pero alam ko pa naman ang nangyayari sa paligid ko.

Hey, how to forget all of our 3 AM talks
I can't dare my feet to walk

It doesn't know where to go

The second hand tells me
It's time for me to let you go

Oh, I would love to go back
To the time I once saw you sang our love song
But now, I hate love songs
Oh, bring me to the moon
Just to think I'm still not alone
I hate love songs
It hurts to sing a love song

Addi...

I accidentally blurted out his name on the mic kaya narinig iyon ng karamihan. Pati na rin ng taong nagmamay-ari no'ng pangalan.

I saw him took glances everywhere na parang may hinahanap. The girl in front of him left like she saw something and has to chase out. He then took his phone at parang may tinawagan ito. Maybe he's trying to contact his girl? Chase after her? Then go! Hindi tulad noong panahong pinili kong lumayo. Hindi mo man lang ako sinubukang habulin. Kahit anino ko hindi mo sinubukang hanapin.

What about me? Wala man lang bang magco-comfort sa aking Addi dito?

I just hope his girl won't get mad at me for dedicating this song to Addi. I just loved him, you know. Di ko mapigilan eh. Di ko naman kayang kontrolin ang puso ko sa kung sino lang ang dapat kilalanin nito. Yung puso ko 'yung pumili sa kanya eh. Di ko kayang tanggihan ngunit di ko rin kayang subukan na maghanap ng iba.

Tinapos ko pa rin ang kanta kahit sa kaloob-looban ko, wasak-wasak na ako. Kahit unti-unting sinasaksak ng kantang 'to ang puso ko. Kahit wala na rito ang kinakantahan ko. Kahit kasama na ang minamahal nito.

"Hey, babe. That's enough. Di ka na kumakanta eh. Ginigising mo na yung mga lasing."

"Babe." Naiiyak kong tawag kay Lariza.

Love, Wrong SentWhere stories live. Discover now