Love 47

52 5 0
                                    


Kung pwede lang sakal-sakalin si Baste para tanungin at kumpirmahin kung sino itong bagong pasok na lalake ay ginawa ko na. Ngunit malinaw sa pandinig ko ang salitang Chairman. 

Akala ko ba si Ruby na ang kanilang Chairman?

Wala na akong pake kung pagtitinginan kami ng lahat. Basta ko nalang kinaladkad si Baste palabas ng room. Nahuli pa ng mata ko na tumingin si Addi sa gawi namin bago niya kinuha ang phone at may tinawagan.

"Hoy! Anong pinagsasabi mong Chairman si Mr. Alfierro? Akala ko ba si Ms. Alegado ang Chairman?"

Agad-agad kong tanong kahit kinakapos pa ng hangin si Baste sa layo nang nilakad namin. Napahawak ito sa tagiliran at hindi ko mabasa ang kanyang mukha. Lukot-lukot ito at makikitang napagod ito sa paglalakad. 

"Hoy ka rin! Bago pa nga lang kayo nagka-partner eh nalimutan mo agad? CEO si Ms. Ruby, habang Chairman naman si Mr. Alfierro!" 

Putol-putol ito kung sumagot dahil humihinga siya sa bawat salita niya. Bigla akong naawa kay Baste, pero gusto ko ring matawa dahil sa itsura niya. Kulang nalang magreklamo siyang nagkarayuma na ito eh.

Pero akala ko Chairman na rin si Ruby, at the same time CEO? Mostly kasi sa mga kilala kong companies ay iisa na ang kanilang CEO at Chairman. Edi wow! Sila na couple goals!

Saan nalang ako pupulutin nito? Napabuntong hininga ako at napatango-tango.

"Matagal na ba?"

Napatigil ito sa paghilot sa kanyang braso at napatingin na may pagtataka sa mukha.

"Matagal ang alin?"

"Matagal na ba silang mag-on, you know." At minwestra sa kanya ang magkasintahan gamit ang dalawang kamay. Ang slow naman ng isang ito!

"Ah! Oo, matagal-tagal na rin. Simula noong nagtrabaho ako dyan ay sila na- wait, may gusto ka kay Mr. Alfierro?"

Sa gulat at kaba ay agad ko siyang nabatukan. Kung ano-anong lumalabas sa bibig eh! Mabubuking tuloy ako nito.

"Anong pinagsasabi mo dyan?! Pakainin kita ng palaka eh, tara na nga!" 

At nauna na akong maglakad dahil alam kong namumula na itong mukha ko sa kaba. Muntik na ako don ah!

Nang makabalik kami ay hindi pa rin sila nagsisimula sa meeting. Bigla naman akong nagsisi dahil si Baste pala ang magdadala ng presentation ngayon! Ang bobo naman, Soleil!

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na wala si Ruby ngayon o ano pero malaya kong natatanaw si Addi ngayon habang may hawak itong ballpen sa bibig. Ngunit ang walang hiya, hindi man lang napatingin sa gawi ko kahit ni-isang beses.

Konting-konti nalang naman, Soleil, makakamove-on ka na rin sa lalakeng ito. Saktan mo lang nang saktan para kusang tumigil ang pagtibok ng puso mo sa lalaking di mo naman makakatuluyan.

Natapos ang meeting nang lutang ang utak ko at walang naintindihan sa presentation kanina. Nabitbit kasi ni Maia yung sa akin at kanina pa ito naka-uwi for sure. Kaya balak ko sanang pumunta sa office ni Baste para hingin ulit ang copies. Kaso pagpasok ko ng elevator ay sumunod pala si Addi. May kausap ito sa cellphone kaya hindi niya siguro napansing ako ang kanyang kasabay.

"Yes, babe. I'll be home before 8 pm. Make sure nakakain na si Kiko, okay?"

I know eavesdropping is not good but what can I do? Open itong ears ko at kaming dalawa lang ni Addi dito sa loob ng elevator kaya rinig na rinig kong si Ruby ang kausap niya. 

Are they living together already? And who's Kiko, their son? It's possible dahil ilang taon na rin naman. And maybe sinunod niya nga siguro ang sinabi ko noon. He's better with someone mature and willing to understand him. And he found peace with Ruby.

Love, Wrong SentWhere stories live. Discover now