Drei and Drea

25 2 0
                                    

Inside you there's a room, a room with the door... I finally come knocking and Ive been there before... oh! I got this love for you, what is it for? If  you cant hear me... tell me...

-Tell Me, Carly Rae Jepsen.

》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》

**Dozha POV**

"Hello Mrs. Henrie." Nakangiting bati ko sa kay Mrs. Henrie nang makasalubong ko ito sa hallway. Napangiti ang ginang at ginulo ang buhok ko.

"I heard about you and Lorenzo." Matamis pa sa chocolate cake ang ngiti nito. Pataaaaay!!! Paano niya iyon nalaman? Alangan namang si Beast ang magsabi. At saka hindi naman iyon totoo. Front lang namin iyon ni Beast sa school para lubayan siya ni Isabelle at ng iba oang mga babae.

"Ah! Actually Mrs. Henrie-----"

"Sweetheart, you dont have to explain." Sabay halik nito sa noo ko. Napahawak ako bigla sa noo ko. Eeeewww, oily pa naman ang mukha ko. Nakakahiya.

"Dozha!!"

Mabilis pa sa Cheetah ang paglingon ko nang marinig ko ang boses ng pinakamamahal kong si David. "David????" Gosh! Bakit mas lalo siyang pumogi ngayon? Ano ba ang sikreto ng mga columbiana at bakit kapag galing ka sa bansa nila ay lalo ka talagang titingkad. "Is that really you?"

"Ouch! Dont I look like the original one?" Nakangiting tanong nito sabay yakap sa akin. Oh! Diyos ko po. Pwede niyo na po akong kunin. Ay! Joke lang pala. "How are you Dozha?"

"Im good as new." Pacute ko sa kanya. "So where's my present?"

"Ow! Wait up." May hinugot ito sa bulsa nito. Lord, hindi kaya sing-sing na iyan? At pagkatapos ay tatanungin niya ako if I will marry him. Nagmumukha na akong kolokoy na naghuhintay sa kanyang pasalubong. Bakit parang ang tagal yatang nitong mabunot ang kung ano man iyan mula sa bulsa nito. "Here it is."

Gusto ko ng himatayin nang mapansin kong isa iyong velvet box na kulay pula. Ito na ba iyon Lord? "What's that?"  Kunyari ay tanong ko.

"See it for your self." Nakangiting wika niya sa akin. Ngiti pa lang ay wala ng pamantay. Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang box at nakita ko ang isang white gold Necklace. Hindi ko alam kunh matutuwa ba ako o malulungkot pero siempre ay pinili kong ngumiti.

"Do you like it?" Tanong niya na hindi parin naaalis ang ngiti sa mukha nito.

"Why, of course. Its beautiful." Niyakap ko siya at isusuot ko na sana ang kwintas nang bigla niya itong kinuha at siya na ang nagsuot nito sa leeg ko. Muntik akong napatili nang maramdaman ko ang munting dampi ng kanyang labi sa likod ng aking leeg. "Your radiant Dozha. I'll see you later toni-----"

"Dozha! Lorenzo's looking for you." Biglang tawag ni Laura. Huling-huli nito ang pagyakap ni David sa akin mula sa aking likod. Napayuko lang ito at hindi tumitingin kay David.

"Thanx Laura." Pasalamat ko sa kanya bago siya tumalikod. "Ill go ahead David."

"S-sure." Sagot ni David na tila nakabawi na sa pagkagulat. Tinalikuran ko na siya at narinig ko pa ang pagtawag niya kay Laura. Alam kong may something sa kanila at hahadlangan ko iyon. Hahaha. Akin lang ang David ko. Ang bad ko ano?

Dumiritso na ako sa kuwarto ni Beast at nakita kong nakatalukbo pa ito ng kumot pero alam kong gising na ito. Paani ba naman niya ako hahanapin kung hindi pa siya gising.

Nilapitan ko siya at hinablot ang kumot mula rito. Bahagya lang itong gumalaw kasabay ng kumot pero napapikit ito ulit at naghihilik pa talaga. Pero teka? Bakit hindi ito mukhang nagkukunwari? Inilapit ko ang aking taenga sa dibdib at nakompirma kong tulog pa talaga ito. Pero bakit naman sinabi ni Laura na hinahanao na ako ni Beast.

Enchanted; The Sidekick's DiaryWhere stories live. Discover now