♥♥Painter's Eye♥♥

57 4 0
                                    


You gonna miss me when Im gone. You gonna miss me by my hair. You gonna my miss me everywhere,oh! ---- Anna Kendrick, Pitch Perfect

http://www.wattpad.com/myworks/28486651-enchanted-the-sidekick%27s-diary

♡♡Dozha POV♡♡

Kanina pa ako naiinip, kung pwede lang lumayas ay baka ginawa ko na.

"Come on guys possition." Malakas na sigaw ng aming Physical Education P.E sa amin. Araw kasi ngayon ng Friday at pang umaga ang PE. Halos dalawang minuto na kaming nakatayo sa gitna ng field. Ang sabi ni Ms. Stewart ay tuturuan kami ng soccer, kaya excited akong nagising kaninang umaga. Akalain ko ba naman na sa loob ng thirty minutes ay puro lang kami stretching.

Noon ko pa gustong maglaro ng soccer kaso nang sinubukan kong magpractice noon ay halos isang daan siguro akong nadapa. Siyempre, dahil bata pa ako noon kaya nag give up agad ako. Okay na ako sa paglalaro kay Anabelle,ang aking nag-iisang manika. Wala naman kasi akong pwedeng makalaro kasi puro naman lalaki ang pinsan ko. Kaya 24 hours a day at seven days a week kaming magkasama ni Annabelle noon. Naalala ko pa noong ibinigay sa akin ng daddy ko si Annabelle. Anak huwag na huwag mong iwala si Annabelle kahit malaki ka na. May malaking papel si Annabelle sa buhay natin. Iyon ang sabi ni daddy sa kanyang huling bisita sa amin ni mama ko. Huli kasi nabalitaan na lang namin na patay na siya kinabukasan. Bata pa naman ako noon kaya hindi ko binigyang pansin ang sinabi niya. Pero ngayon lang ako biglang nahiwagaan sa sinabi niya. Paanong nagkaroon ng magandang papel sa buhay namin si Annabelle? Eh, hindi nga siya humihinga.

"Santiago????"

Nagbalik sa kasalukyan ang isip ko nang malakas na sumigaw si Ms. Stewart. Ngayon ay kasama na nito si Mr. Cruise, ang coach ng University Soccer Team. Nakuuu. Kung alam ko lang ay nagpapacute lang itong si Ms.Stewart. Kunyari magpapractice kami pero gusto lang niyang mapansin ni Mister coach.

"Are you listening?"

Bakit? Ano ba ang pinag-uusapan nila? Hello? Medyo malayo sila kaya hindi ko talaga maririnig. Kahit yata malapit lang ako ay duda kong maririnig ko sila, kung nakalapit kasi ang mukha ni Ms Stewart habang nagsasalita si Mister Coach ay napakalapit. Nakapaikot pa ang braso nito sa batok ni Mister Coach. Yuck!!! Parang ahas.

"I said you take your shower because they'll use the field." Nanlilisik ang matang sigaw sa akin ni Miss Stewart. "Right, Loverboy?"

Yikesss. Bakit hindi ko napansin na wala na ang mga kaklase kong babae. Ang nakapaikot sa amin ngayon ay ang mga miyembro ng University Soccer Team.

"Nice pair of legs huh!" Komento ng isang negro na mukhang maniac sa likod ko. Inirapan ko siya bago ako naglakad patungo sa labasan ng field.

Ilang hakbang lang ay bigla akong nabangga ng kung sino. Mabuti na lang mabilis na pumaikot ang mga bisig nito sa beywang ko para hindi ako mabauwal.

"Dozha????"

"CALEB???" Ganoon nalang ang gulat ko nang makita kong si Caleb ang nasa harapan ko. "What are you doing here?"

"We have a practice." Sagot nito sabay bitiw sa akin. Inayos niya ang nagusot na PE t-shirt. Wait? Ibig sabihin ay dito rin siya nag-aaral?

"Y-you mean..."

"I am student here and a part of the soccer team." Siya na ang nagtuloy sa sasabihin ko. Talaga lang huh? What a small world? Pero bakit hindi ko siya napansin noon?

"But I havent seen you here before." Naguguluhan na tanong ko sa kanya.

"Well, I was suspended for three months." Nakangiting sagot niya sa akin. Three months???? Suspended siya ng three months at tila masaya pa siya. Bakit napakahaba naman yata ng three months na iyan.

Enchanted; The Sidekick's DiaryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt