Keep ur eyes with ur enemy

11 2 0
                                    

Dozha's POV

"Hello. I maybe sleeping or busy. Please leave your name and number. I'll get back to you soon. At the tone, please record your message....."

Kainis! Gusto ko ng ihagis ang phone ko dahil sa inis. Paano ba naman hindi? Eh kanina pa ako dial ng dial sa numero ni Isabelle pero puros recording lang ang naririnig ko.

Ngayon pa naman kung kailan handa na akong marinig ang mga kuwento niya. Hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman ang totoo tungkol kay Sophie.

"Anyare sa face mo te?" Napalingon ako nang marining ko si Zarina. Para talagang kabute ang babaeng ito, kung saan-saan nagsusuot.

"May hinahanap ako." Sabay agaw ko sa burger na nasa kamay niya. Grabe talaga ang babaeng ito. May Chao Fan na nga sa kabilang kamay pero hayon at mukhang kakagatin na naman ang burger.

"Oh no! My burger." Histerikal na hinila nito pabalik ang kamay ko. "Wait? May hinahanap ka? Missing in action or just missing?"

"Ewan ko sa iyo." Sabay kagat sa kanyang burger. "Ansarap naman nito. Yumyum."

"Baon ko iyan eh."

"Anong tawag mo diyan sa pagkaing nasa kaliwang kamay mo?" Nguso ko sa isang plastic ng Chowking.

"Pinabibigay ito ni Kuya/Ate Coco sa iyo eh." Nakangiwing sagot nito. "Pero dahil kinain mo baon ko, akin nalang ito."

"Takaw." Komento ko sabay hila sa kanya. "Samahan mo ako."

"Saan?"

"Sa Science Lab."

"Bakit?"

"Hahanapin natin si Isabelle."

"Woattttttt????"

Pati tutuli ko ay nabingi sa kanyang sigaw. Nag British pa sa ang gaga.

"You mean? ISABELLE the bitch?" Bulong niya sa akin. Pinagtitinginan na kami ng nga estudyanteng nasa Open Court. Aba, pasalamat si Zarina at nasa America kami dahil kung nasa Pilipinas kami ay baka pinag-uusapan na kami ng mga tao.

"Oo." Taas kilay ko sa kanya. Isabelle is not a bitch, I am sure. Na brain washed nga lang ako ni Sophie noon.

"But why??? Por Que Amiga?"

Napangiwi ako. Ang OA nito. Nag-spanyol pa talaga. Hinatak ko na siya papanhik sa Science Lab. Baka may klase si Isabelle doon, iyon ang sabi ni Maegan kanina nang hiningi ko ang numero ni Isabelle.

"Look who's coming girls?"

Naku patay! Ayan na naman ang mga mean girls na kasamahan ni Isabelle at Maegan.

"The infamous Girlfriend." Wika ng isa na hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Akala mo naman kung sino, eh mukha ngang hipon na puti ang babaeng ito. Pasalamat nga ito at bininyayaan ito ng kaputian dahil kung hindi, ewan ko lang kung saan parte ang maganda.

"What do you need Lorenzo Girl?" Tanong ng isa na nakataas ang kilay. "I cannot believe how lucky you are."

Nginitian ko siya ng sobrang tamis. Siempre kailangan kong kaibiganin ang mga bruhang ito.

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko." Bulong ni Zarina sabay siko sa akin. "Dios Mio."

"What do you need?" Tanong ni Rixa, Isa sa kanila. Parang ito lang yata ang may pormal na mukha sa kanilang lahat. Parang lalaki itong manamit puwera na lang kung pang-cheerleader ang suot nito.

"Have you seen Isabelle?" Kalma kung tanong sa kanya.

"Isabelle? Oh my Gosh!!! We've been looking for her." Napahawak sa kanyang dibdib ang babaeng mukhang hipon. "Why are you looking for her?"

Enchanted; The Sidekick's DiaryWhere stories live. Discover now