Poloshirts and Faded Jeans

8 2 0
                                    

"Habang buhay nilalaman ng puso kong ito.. asahan mong ikaw ang true love ko." Ang true love ko.

**Dozha's POV**

"Hello there!"

Napalingon ako sa gate nang bigla kong narinig ang boses ni Zarina. Paano niya nalaman ang apartment ko? Aba'y ewan. Hindi ko naman maalala na sinabi ko sa kanya. Nakapang beach attire pa ito. "Saan lakad mo?"

"Sa Mars. Sama ka?" Pahalang na sagot niya. Oo nga pala, naka beach attire siya malamang doon siya pupunta. Pero bakit dito siya napadpad?

"Ay! Pwede? Siguraduhin mong may gwapo roon huh!" Pang-iinis ko sa kanya.

"Duh!" She rolled her eyes and invited herself in. "Sama ka please. Sa beach. Kakainis kasi si kuya. Isasama pa talaga ako."
"Sus maryosep! Libre mo huh!" Napangiti siya nang pumasok ako sa kuwarto ko at magbihis. Nakasunod siya sa akin at sinipat ang aking silid.

"Puwedeng lumipat dito?"

"Hindi ka mabubuhay rito." Nakasimangot na sagot ko sa kanya. Panigurado, hindi siya mabubuhay dito sa aking castilyo.

"Anong hindi." Nakataas ang kilay na sagot nito sabay bunot ng kung ano mula sa bag nito. Seriously? May baon na naman siyang burger sa bag niya? Tsk. Tsk. Bilib na talaga ako sa babaeng ito.

"Ano iyan?" Sabay nguso ko sa burger niya. Napahinto siya bigla sa akmang pagkagat.

"Burger." Saka itinuloy ang pagkagat. "Yumyum."

"Ang sarap no?" Natatawang tanong ko sa kanya. Grabe. Hindi man lang nag offer. Pasalamat ito at naging mayaman ito kung hindi ay baka kinalimutan na nitong hobby nito ang pagnguya. "Tara na nga." Tawag ko sa kanya.

"S-sige." Nabubulol na sang-ayon nito.

Naglakad na kami palabas at inilocked ko na ang pinto. Saan kaya nagsusuot itong si Trining at Sophie ngayon oras. Kunsabagay mag-aalas siete pa lang ng umaga. Siguro ay nagjojogging ang dalawang iyon. Noon kasi ay niyayaya nila ako pero kahit bigyan pa nila ako ng medalyon ni Darna ay hindi talaga ako sasama. Mas gugustuhin ko pang mag gardening at maglinis ng bahay keysa tumakbo.

"Going somewhere?"

Halos mapalundag ako nang makitang nakatayo sa bungad ng gate si Duke. Ano bang lalaking ito? Parang kabute. Sulpot na sulpot kahit saan. Teka? Paano niya nalaman ang tirahan ko? "Duke? Hey!!! How did you get here?"

"By car." Nakangising sagot niya sa akin sabay pakita sa susi ng kanyang kotse. "Are you going somewhere?"

"Beach. With her." Sabay nguso ko Zarina na busy parin sa pangalawang burger niya. "Do you need anything?" Alam kung hindi maganda ang huli naming encounter ng dahil kay Beast pero wala naman akong maisip paraan para puntahan talaga ako ni Duke dito.

"Actually yes." Napakamot ito sa batok nito. "Tonight's my mother's birthday party I was wonderin if you would like to come."

"Birthday party." Iba talaga kapag mayaman. May birthday party talaga? Mamayang gabi. Wala naman akong schedule mamayang gabi at saka kailangan ko pang makabawi kay Duke. "Okay. Ill just text you Duke."

"Wow! Really? You're coming? I---------

"Come'on Dozha. Patok na patok na ang araw." Naiinis na tawag ni Zarina. "Hello Mr. Duke. Mind if we head off now?" Baling nito kay Duke.

"Ahh. Of course not!" Maagap na sagot ng lalaki at umalis sa gate. "See you later Dozha. If you want to come along Miss Zarina, please dont hes itate." Paalam nito sa amin ni Zarina.

Enchanted; The Sidekick's DiaryWhere stories live. Discover now