Mr. Stoney

76 5 0
                                    

"Are you listening?"

I rolled my eyeballs for uptenth times. Gusto ko ng mainis sa babaeng kanina pa ako ino.orient kung ano ang kailangan kong gawin kapag nakarating na galing sa California ang magiging amo niya.

"Yeah."

"Good." Ikinumpas nito ang kanang kamay at may lumapit ditong dalawang babae na oawang naka-british din ang suot. Isang pilipina ito at tila isang latina. "Take her to Lorenzo's room." Utos nito sa mga babae. Wow huh! Parang donya rin ang isang ito.

Kanina ko pa nalaman na napakayaman pala ng pamilya ni Mr. Stranger. Sila ang may-ari ng mga Hamilton Universities all over America at isang sikat na soccer player ang kapatid nito na si Lorenzo habang si Mr. Stranger ay isang sikat na Film Director.

Iyong parents nila ay nasa London doing business. Oh diba? Mga astig. Ang yaman talaga ng aking prinsipe.

"Come'on Ms. Santiago Follow us." Wika ni miss latina. Nagpatiuna ito sah paglakad. Lantad na lantad ang malalaking pang-upo nito. Bigla akong nanliit sa aking sarili. Wala sa loob na napahawak ako sa aking hindi kalakihan na pang-upo. Naman. Nakainis.

"Yes Ms.__________?" Hanging question iyon dahil hindi ko naman talaga ito kilala.

"Perez. Laura Perez." Pakilala nito sa akin.

Nilingon ko si Mr. British ko at nakita kong malayo-layo na kami sa kanya. "Psssst." Tawag ko sa kapwa ko pilipina. "Bakit ganyan ang suot niyo?"

Sabay na napalingon ang dalawang babae sa akin. "Filipina ka?" Tanong nito sa nanlalaking mata.

"Oo naman. Hindi ba halata?" Ang laki na ng ngiti ko. Imagine hindi niya ako napansin bilang pilipino, so ibig sabihin mukha pala akong amerikanang hilaw. Ilusyunada.

Wala sa loob na napahawak ako sa buhok ko nang mapansin kung nakatitig siya sa aking buhok. Oo nga pala, kunulayan pala ng kaibigan kong latina ang buhok ko ng ash blonde. Gusto ko ng magpapadyak sa sama ng loob. Akala ko pa naman ang ganda ko na.

"You must know that its not allowed to use your native langguage here." Singit naman ni Latina. Saka ngumiti sa akin. Wow hanep, ngayon ko lang napansin. Maganda naman pala talaga ito. Idagdag mo pa ang pang-upo niya. Naalala ko tuloy si Inna sa kanya. Kilala niyo naman siguro si Inna ano?

"Mmmm... Soy latina Y la noche... we own it baby, okay? Lets party say Ole!!!!!"

"Sssshhh." Saway sa akin ni Miss Philippine. Putsa. Napakanta tuloy ako nang maalala ko si Inna. Binigyan ko ng isang nakataas-na-kilay looks si Miss Philippines.

"Bawal kumanta rito." Halos pabulong na wika niya sa akin.

Bawal raw kumanta? Eh, kakambal ko na yata ang pagkanta. Kahit hindi kagandahan ang boses ko, atleast maituturing naman na maganda kumpara sa inyo. Kaso mamamatay siguro ako kapag hindi ako kumakanta o  nag hu-hum man lang.

"We are here. This is Mr. Henrie's room. Please do not change anything. He might not like it. He dont like his things being touched or rearranged." Seryosong bilin ni Miss Latina sa akin.

Seryoso? I mean, hindi ko pwedeng hawakan ang gamit niya? Eh ano pala ang gagawin ko rito. Tatayo sa pintuan ng walo hanggang labin-isang oras?

"I just thought that you might want to know this, you are the 305th hired help for Lorenzo. Please be careful." Miss Latina patted my shoulder.

Bakit awa ang nababasa ko sa kanyang mga mata. Gusto ko na yatang matakot. Kaso kailangan ko ang trabahong ito para matustusan ko ang aking pag-aaral.

Enchanted; The Sidekick's DiaryWhere stories live. Discover now