CHAPTER TWENTY THREE

31 10 0
                                    

Dali-dali kong pinaupo si nanay sa sofa at nagpaalam na susundan ko si Hania.

Agad akong lumabas sa kwarto at patakbong bumaba sa hagdan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil gulong-gulo din ako

" H-hania" Pigil emosyong tawag ko sa kanya

Yakap niya ang litrato nilang tatlo ng kanyang mga magulang habang umiiyak. Pinipigilan kong wag tumulo ang aking mga luha dahil di ako pweding maging mahina sa mga oras na ito.

" Salamat sa lahat mama at papa"Humihikbing bilin niya bago inilapag ang litrato. Tumingin pa ito sa akin bago tumalikod at naglakad papalabas.

Sinundan ko siya ngunit bigla itong huminto at humarap sa akin. Nag aalinlangan akong tingnan siya diretso sa mata dahil ayukong makita ang mga mata niyang punong-puno ng lungkot at sakit.

"B-bakit mo pa ako sinusundan Andrew?" Tanong nito sa akin sabay punas ng luha

"H-hania, Patawarin mo ako hindi ko sinasadyang magsinungaling sayo"Tumutulo na ang mga luha ko.

"Ayaw mong magsinungaling? Andrew mula sa umpisa palang alam mo na! Pano mo nasisikmurang harapin ako araw-araw habang naglilihim sa akin?!" Pasinghal niyang sagot. Nabigla ako dahil sa mga sinabi niya.

Ganun ba talaga ang tingin mo sakin Hania?

"Hania hindi ako ni minsan nagsinungaling sayo!yung tungkol sa mga alam ni nanay-"

"Oh shut up! Wag mo ng dagdagan pa ang mga kasinungalingan mo at ng nanay mo! Akala ko totoong Mahal mo ako?! Oo narinig ko lahat ng sinabi mo sakin nong gabing yun! At yun ang pinanghahawakan ko para lumaban Andrew! Dahil mahal din kita!" Napatitig ako sa kanya, hindi ko alam ang sasabihin pero ang sakit, ang sakit sa dibdib. Bakit ngayon pa mangyayari ang ganitong mga sitwasyon ngayong alam ko na, na mahal din ako ng taong mahal ko

Biglang tumulo ang  luha ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ng babaeng mahal ko.

"But loving you is a mistake" Para akong biglang sinaksak ng sandamakmak na kutsilyo dahil sa sinabi niya. Nakatungo ako kasabay ng tuluyan niyang paglayo sa akin

Napaupo ako sa sahig ng tuluyan siyang makalayo. At inilabas ko ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Zahania's POV

Napahawak ako sa pinto at humagolgol, hindi ko alam kong bakit mas nasaktan ako sa naging pag-uusap namin ni Andrew.

Yung kaisa-isang taong inaasahan kong bubuo ulit sa pagkatao ko ay hindi na mangyayari pa.

Nanghihina akong pumasok sa loob ng sasakyan at dali-daling pinaandar ito. Habang papalabas ako ng bahay, parang dinudurog ang buong pagkatao ko.

Agad kong pinaharurut ang sasakyan papunta sa kung saan. Hindi pa rin nababawasan yung sakit at galit sa loob ko. Habang nagmamaniho, may nasilayan akong lugar na walang tao.  Pinarada ko ang sasakyan at bumama, pumunta ako sa may ilalim ng punong mangga at doon umupo.

Hindi na ako umiiyak pa dahil ubos na ang luha ko, ngunit may narinig akong batang umiiyak. Sinilip ko sa likuran ng punong kinauupuan ko at doon ko nakita ang batang lalaki na gusgusin at may dalang supot. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, nag-alinlangan pa ako dahil baka bigla itong tumakbo.

Ng makita niya ako, agad niyang pinunasan ang mga luha niya at ngumiti. Parang may kung anong humaplos sa puso ko.

" Hello po ate" Ngiting sabi nito sa akin. Nginitian ko ito at umupo sa tabi niya. Bigla siyang napatungo at may kinuha sa supot na dala-dala niya. Isang gamot

"Gamot sa puso" Biglang salita niya sabay bigay sakin ng gamot. Nabigla ako at ramdam ko ang pamumuo ulit ng mga luha ko.

"Hindi, sayo yan kaya wag mong ipamigay sakin" Pigil emosyong sagot ko. Tumulo ang mga luha niya.

"Bakit ka umiiyak? Wala ka bang kasama? Asan ang mga magulang mo?" Mahina kong tanong

"Wala na po akong magulang, wala na ang nanay ko" Umiiyak niyang sagot. Ang bata-bata pa niya pero kitang-kita ko kung gaano ka lungkot ang mga mata niya.

"Anong nangyari sa nanay mo?" Dahil sa tanong ko bigla itong napatingin sa akin.

"May sakit po ang nanay ko sa puso, kaya namatay siya" Napaiwas ako ng tingin dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang luha ko sa pagtulo. Ngayon ko napag-alaman na para sa nanay niya pala ang hawak-hawak niyang gamot.

"P-para sa nanay mo ba ang mga gamot na yan?" Hindi ko masabi ng maayos ang mga salita ko dahil naninikip ang dibdib ko. Tumango ito habang may tumutulong luha sa matataba niyang pisngi.

"Opo ate. Kagabi hindi na makahinga ng maayos ang nanay ko kaya agad akong tumakbo sa bilihan ng gamot para bumili ng gamot, akala ko kasya ang limang piso para makabili ako ng isa. Pero mahal pala yon. N-nagmakaawa ako don ate, lumuhud ako sa ali pero hindi daw po pwede kaya wala akong magawa kundi umalis doon at pumunta doon sa aling may mga binibintang kakanin. Nagmakaawa ako na ako ang magbibinta ng mga paninda niya para makabili ako ng gamot. Buti nalang pumayag siya at naubos agad ang paninda ko dahil binili nong lalaki. Binigyan ako ni ali ng isang daan, kaya nagmadali akong bumili ng gamot kaya lang isang daan yung isang piraso ng gamot kaya isa lang nabili ko" mahabang kwento nito sa akin habang lumuluha. Pinunasan muna niya ang kanyang luha bago nagpatuloy sa pagkwento

" Umuwi ako agad na tinitirahan namin don sa ilalim ng tulay dala ang gamot, pero pagdating ko po hindi na himihinga si nanay. Ginising ko siya ng ginising pero ayaw niyang magising. Patay na ang nanay ko ate. wala na akong kasama" humagolgol ito ng tuluyan. Hindi ko na din napigilan ang pag-iyak kaya sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.

Agad kong niyakap ang bata habang patuloy kaming dalawa sa pag-iyak. Ramdam na ramdam ko kung gaano ka bigat ang nararamdaman niya ngayon. Sa edad niyang ito naranasan niyang maghirap at masaktan ng sobra. Wala na siyang magulang at haharapin niya ang mga surpresa ng buhay ng mag-isa.

Ngayon ko napagtanto na mas maswerte ako kasi nakasama ko ang aking mga magulang hindi man sobrang tagal pero nasa tamang edad na ako. Naranasan ko ang marangyang buhay at naibigay nila sakin ang lahat kahit hindi ako totoong anak. Hindi kagaya ng batang ito na siya pa mismo ang naghirap para lang matustusan ang gamot na kailangan ng kanyang magulang pero hindi pa umabot.

Habang yakap ko ang bata, naramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko ng mahigpit at pinahawak sa akin ang gamot na hawak niya kanina.

"Ikaw pa lang ang taong nakita ko dito ate, alam kong may masakit din sa puso mo, inumin mo po ito para mawala" sabi niya ng hindi tumitingin sa akin at yakap ko pa rin.

Tuluyan akong umiyak ng palihim dahil sa mga sinabi niya. Bukal sa loob niyang tulungan akong mawala ang sakit na dinaramdam ng puso ko. Akala niya kayang gamutin ng isang pirasong gamot ang pusong nasasaktan

Kung kaya lang sanang hilumin ng gamot ang mga sugat sa puso, wala na sanang taong nasasaktan.

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now