CHAPTER EIGHTEEN

84 40 6
                                    

Andrew's POV

Hindi ko maiwasang itanong kong bakit may mga bagay na ipapatamasa lang sa kaunting panahon.

Si hania ay isang mabuting tao ngunit bakit patuloy siyang sinasaktan at pinapahirapan? Kung ikukumpara mas masakit pa ang pinagdaanan niya kaysa sa pinagdaanan ko noon dahil nawalan man ako ng isang magulang, may natira naman sakin kahit papano. Pero hindi ko matanggap kong bakit sa lahat ng tao si hania pa ang mas pinapahirapan na wala na ngang mga magulang.

Hindi ko mapigilan ang mga luha kong unti-unti ng kumakawala habang tinititigan ko si hania na nakatulog na dahil sa kakaiyak

11pm na ng gabi ngunit nandito parin ako sa tabi ni hania at nakabantay sa kanya. Hindi ko alam kong ano ang nangyari pero base sa mga nakikita kong lungkot at sakit sa kanyang mga mata hindi ko maiwasang mangamba na baka bukas sa pag-gising niya'y bumalik na naman yung dating hania na puro lungkot at sakit lang ang makikita sa kanyang mga mata.

Hawak ko ang kamay niya at tumutulo na naman ang mga luha kong hindi mapigilan.

"Hania, Alam kong hindi madali ang pinagdaanan mo ngayon, hindi ko alam kung ano ang mga nangyari. Pero sana huwag mong hahayaan na kontrolin at hilain ka pababa ng emosyon mo. Huwag mong hahayaan na manaig ang sakit at lungkot na nararamdaman mo dahil nandito ako hania.. Handa akong maging sandalan mo sa anumang oras na gugustuhin mo."Para akong tanga na kinakausap si hania samantalang tulog naman ito at hindi ako naririnig.

Pero may kung ano sa puso ko na gusto kong iparinig kahit alam kong hindi naman ito napapakinggan.

" Zahania Martinez may gusto sana akong ipagtapat sayo. Alam kong hindi ito ang tamang oras at panahon para sabihin to dahil alam kong may pinagdadaanan ka.
Kahit hindi mo marinig ayos lang sakin.
kahit walang kapalit ayos lang.
Hania gusto ko sanang malaman mo na M-mahal Kita,
Mahal na Mahal kita.
Sana marining ng puso mo" Sa kabila ng matagal na panahon ng pagtatago sa nararamdaman ko, sa wakas ay nasabi ko rin. Napangiti ako sa sarili ko at unti-unting lumapit kay hania ay Hinalikan ito sa noo.

" Sana pahintulutan ng tadhana na magsilbi akong sandalan at kayakap mo sa oras na hinihila ka ng lungkot. At sana pahintulutan niya ang pagmamahal ko sayo" Hinalikan ko ulit ito sa noo bago pumunta sa katapat na sofa at nahiga. Dito nalang muna ako matutulog dahil ayukong nag-iisa si hania sa mga oras na itong alam kong malungkot siya at kailangan niya ng kasama.

Sinulyapan ko muna si hania bago pinikit ang aking mga mata at ng di kalaunan dinalaw na din ako ng antok.

Naalimpungatan ako dahil may narinig akong humihikbi. Dahan-dahan akong bumangon at sinulyapan ang nakatalikod na katawan ni hania

Umiiyak na naman siya

Tumayo ako at nilapitan siya

"Hania" May bahid na pag-aalala ang boses ko

Mukhang nagulat siya dahil hindi niya alam na nandito lang ako sa loob ng kwarto niya.

"Hania" Tinawag ko siya ulit

Dahan-dahan siyang lumingon at kitang-kita ko kung gaano namumugto ang kanyang mga mata, Andon yung sakit at lungkot, nakikita ko yung pagnanais na makawala sa masakit at madilim na pinagdadaanan.

"Andrew" Sa wakas ay nagawa niya, nagawa niyang bigkasin ulit ang pangalan ko

Hindi na ako nag dalawang isip pa at umupo sa gilid ng kama niya at hinawakan ang kanyang kamay.

" Kung may gusto kang sabihin at gustong ilabas na sama ng loob, pweding-pwede ako hania. Alam mong nandito ako" Mahinhin na sabi ko, habang siya deritso lang na nakatingin sakin

" Ayos lang ako Andrew" Ngunit kabaliktaran ng nakikita ko ang mga sinasabi niya

Umiling ako at hinawi ang buhok niyang nakatabon sa kanyang mata. Tumutulo na naman ang mga luha niya.

"Wag mong kimkimin ang galit at sakit dyan sa loob mo hania, may mga taong handang makinig at damayan ka sa mga oras na kailangan mo ng kasama. At alam mong isa ako don, handa akong makinig at samahan ka sa anumang oras hania. Sana huwag mong isipin na nag-iisa ka. " Mahinahong sabi ko habang nakahawak sa kamay niya.

Dahan-dahan nitong hinawakan ang mukha ko na ikinabigla ko ngunit hindi ko nalang ito pinahalata.

"H-indi ba ako ka m-ah-al mahal Andrew?" Tumutulong luha na sabi niya habang nakahawak pa din sa mukha ko. Umiling ako at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko at dahan-dahang binaba.

"Hindi ka mahirap mahalin hania. Hinding-hindi" Nakangiting sagot ko at pinunasan ang luhang tumutulo sa kanyang mga mata.

Ngunit hindi nagbago ang reaksyon niya, muli siyang tumalikod at humihikbing umiyak na naman. Hindi ko alam ang gagawin. Kung pwede lang sanang kunin ko ang lahat ng sakit na nararamdaman niya gagawin ko, hindi lang siya mahirapan ng ganito.

"Niloko ako nila Andrew" Muling sambit niya na kinalito ko. Hindi ako sumagot dahil wala akong masabi. litong-lito ako sa mga nangyayari.

"Pinaniwala nila ako sa isang kasinungalingan, Isang kasinungalingan na hinding-hindi ko makakalimutin kahit sa kamatayan" Dugtong niya dahilan para muli ko siyang pinaharap sakin.

Kitang-kita ko ang galit habang tumutulo ang luha niya at nakaharap sakin. Hindi ko alam ang sasabihin ngunit natuklasan ko na ang dahilan ng lahat ng ito.

"A-lam mo ang masakit Andrew? Ang trinato nila akong parang isang prinsesa, Y-ung akala mong nakatira ka sa walang problemang Mundo, Yung puro saya ang pinapadama nila sayo, P-ero isang kasinungalingan pala ang kaakibat sa kabila ng lahat ng yon. How can they do this to me! How can they live while they was fooling me!!Niloko nila ako Andrew! Nagsinungaling sila sakin! Ginawa nila akong isang tanga!" Humagolgol na kwento niya sakin sa mga nangyari. Ngayon alam ko na, ito ay tungkol sa kanyang mga magulang. Wala akong masabi dahil mismong ako hindi din makapaniwala. Nasasaktan ako ng sobra para kay hania ngunit alam kong mas higit pa ang nararamdaman niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit habang hinihimas ang likod niya. Iyak siya ng iyak at wala akong magawa para patahanin siya! Ayukong nakikita siya sa ganitong kalagayan.

" Shhhh- Tama na hania pakiusap, Hindi makakatulong sayo to" Sobrang pag-aalalang sabi ko na naiiyak na rin.

" Andito lang ako hania, tahan na- tahan na pakiusap" Hinahagod ko ang likod niya dahil nahihirapan na siyang huminga dahil sa kakaiyak.

"A-n-dr-e-w" Sambit niya kaya kumalas ako sa pagkakayakap at tiningnan siya ng may sobrang pag-aalala.

"Hania? Ano? Anong masama sayo? Di ka ba makahinga? Hania? Sabihin mo sakin" klarong-klaro sa boses ko ang pag-aalala dahil hindi ko na masabi ng maayos.

" L-eave me a-lone please" Nakapikit na sabi nito sabay tulak sakin ng marahan ngunit di ako umalis.

"Umalis k-ana di kita kailangan" Sabay tulak sakin at humiga sa kama at tumalikod. Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ko magawang gumalaw at parang may sumaksak sa dibdib ko na di ko kayang pigilan.

H-indi mo na ba talaga ako kailangan h-ania?
........

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now