CHAPTER TWENTY SEVEN

39 10 0
                                    

Naiwan kaming dalawa ni Andrew sa loob ng kwarto dahil lumabas si Yaya para bumili ng pagkain sa labas at isinama si Anding.

Habang ako tahimik kong pinagmamasdan si Andrew, namamayat siya at kahit natutulog siya parang may bumabagabag sa kanya dahil nakakunot ang noo niya.

Natutuwa akong makita itong muli, pero hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon. Ayuko ng umiyak dahil alam kong gagaling siya.

Hawak nito ang kamay ko habang natutulog, kanina halos ayaw ako nitong paalisin ako sa tabi niya kaya hindi ko ito iniwan kahit na gusto kong lumabas kasi gusto ko siyang bilhan ng makakain pero ayaw niya kaya si Yaya nalang ang bumili.

Pinagmamasdan ko itong matulog habang sinusuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Noon hindi ko ni minsang nakita na naging malungkot siya pero kanina sa pagpasok ko at nong nakita niya ako, kita ko na agad ang kalungkutan sa mata niya. Ayukong nakikita siya sa ganitong sitwasyon na nahihirapan siya, na nalulungkot siya

"Hania" Narinig kong tawag ni Andrew. Gising na pala ito. Ngumiti ako ng marahan at hinawi muli ang buhok nito.

"Gising kana pala, nagugutom kaba?" Tanong ko, umiling lang siya habang nakatingin sa akin.

" Ok ka lang ba? Walang masakit sayo?" Tanong ko ulit

" Dito, nanghihina na to Hania" Turo niya sa puso niya.  Umiwas ako ng tingin doon.

"Gagaling din yan ha? Mawawala din ang sakit" niyakap ko ito. Hindi ito sumagot ngunit mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko

" Nangako ako na hindi kita iiwan pero alam kong dadating ang araw na mawawala ako" Nabigla ako sa sinabi niya kaya napatayo ako.

" Isipin mo, ang tao kayang mangako dahil akala nila mahaba ang buhay na tatahakin nila, na kaya nilang tuparin ang mga binitawan nilang pangako pero hindi nila alam na laging may hangganan. Na hanggang doon lang talaga sila kahit na ipilit pa. Kagaya ko, nangako ako sa sarili ko na aalagaan kita at mamahalin kita hanggang sa huling hininga. Pero hindi sapat ang mga oxygen sa hospital na to para dugtungan ang buhay ko"  Lumuluhang saad niya. Parang hinugot ang hininga ko. Magkasabay ang takot at pangamba ang nararamdaman ko. Hindi ko magawang magsalita dahil alam kong sa oras na magsalita ako, sasabog ang emosyong kanina ko pa pinipigilan.

"Alam mo ba nong malaman kong mahal mo din pala ako, napakasaya ko non. Pero yun din ang araw na sobrang natakot ako. Alam mo kung bakit? K-kasi alam kong hindi na kita makakasama ng matagal. Ang daya no? Bakit ako pa? Bakit ngayon pa? Ang daming surpresa ng buhay. Nahihirapan ako Hania, kasi alam kong mahihirapan ka kapag nawala ako. Pinili kong huwag sanang ipaalam sayo kasi mas mahihirapan akong tanggapin na ngayon o bukas ay mamatay na ako."

Sa bawat salitang binibitawan niya, parang unti-unting dinudurog yung puso ko. Ang sakit-sakit isipin na yung taong hindi alam ang salitang pagsuko noon ay siyang dahan-dahang bumibitiw ngayon.

Hindi na ito nagsasalita pero nakahawak ang isang kamay niya sa kanyang dibdib. Napapunas ako ng luha ng makita ko itong nahihirapang huminga.

"A-andrew?  Bakit?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi ito sumasagot kaya agad akong lumabas. Nadatnan ko si Anding at si Yaya sa labas kaya nagmadali akong lapitan ito.

"Yaya si Andrew!" Pasigaw na tanong ko at tumakbo diretso kong saan naroroon ang doctor.

"Doc! Doc! Yung pasyente sa room number 4 nahihirapang huminga! Nagmamakaawa ako bilisan niyo!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko kaya dali-daling tumakbo ang doctor at sumunod naman ako. Hindi na matigil ang mga luha ko sa pag-agos, ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang takot.

Pumasok ang doctor at mga nurse sa loob ng kwarto kaya pumasok din ako.

"Sorry po ma'am pero hindi po kayo pwede dito! Kami na po ang bahala kaya sa labas nalang kayo maghintay" madiing sabi ng isang nurse pero nagpumilit ako pumasok

" Hindi talaga pwede ma'am!"  Pinalabas ako ng dalawang nurse at isirado ang pinto. Doon ko nakitang umiiyak si Yaya habang yakap si Anding.

Agad akong tumakbo palabas ng hospital. Isa lang ang gusto kong puntahan, sa simbahan.

Umiiyak akong tumatakbo sa kalsada, madilim ang langit at posibleng umulan. Pero hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng walang tigil na pagluha ng aking mga mata.

Narating ko ang simbahan na basang-basa ako. Agad akong pumasok at walang pakialam kong ano pa ang sabihin ng mga taong nandito. Lumuhod ako at nagdasal.

"Panginoon, parang awa mo na iligtas mo si Andrew. Ang bait-bait niyang tao panginoon. Paki-usap! Napakabata niya pa para mawala sa mundong ito, hindi pa niya lubos na nakakasama ang pamilya niya. Sana sa oras na to pakinggan niyo naman po ako. Iligtas mo po ang buhay ng lalaking mahal ko. Alam kong ilang beses ko kayong sinisi at tinalikuran kaya ako nalang ang kunin mo. Walang kasalanan si Andrew para iparanas mo sa kanya ang ganito. Paki-usap, nagmamakaawa ako panginoon" Palihim kong dasal habang lumuluha. Ito nalang ang naisip kong gawin para madugtungan ang buhay ni Andrew.

Nanghihina ang mga tuhod kong tumayo mula sa pagkakaluhod ngunit hindi ko na ininda ito. Ang isip ko ay nakatuon kay Andrew. Hinding-hindi ko matatanggap kong may masamang mangyari sa kanya. Hinding-hindi.

Habang palabas ako, rinig ko ang malakas na pagpatak ng ulan, tila sumasabay sa matinding sakit na nararamdaman ko. Ang daya-daya ng mundo. Hanggang kailan ba matatapos ang pasakit na ito? Hanggang kailan ako magdudusang bitbitin ito? Hindi ba pweding maranasan ko man lang ang kasiyahan kapiling ang lalaking mahal ko? Bakit pati siya ay nasasaktan at naghihirap?

Hindi ko namalayang naglalakad na ako sa kalsada at basang-basa sa malakas na buhos ng ulan. Gabi na tanging sasakyan nalang ang nasa kalsada.
  Umupo ako sa gilid ng kalsada at ninamnam ang malakas na buhos ng ulan sabay tumingin sa itaas.

Ma,pa? Kung naririnig at nakikita niyo po ako, sana tulungan niyo po ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, puro nalang masasakit na bagay ang natatamasa ko. Mahal na Mahal ko si Andrew ma,pa. Wag niyo po sanang hayaan na pati siya kunin pa sakin.

Magkahalong tubig ulan at luha ang umaagos sa pisngi ko. Hindi ako nakaramdam ng lamig hanggang sa dahan-dahang tumila ang ulan
  Tumayo na ako at pinunasan ang mga luha gamit ang kamay ko. Kailangan kong bumalik sa hospital para malaman ang kalagayan ni Andrew.

Antayin mo ako mahal ko, pabalik na ako.




Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now