CHAPTER TWELVE

241 149 13
                                    

Andrew's POV

Ito ang araw na hinihintay naming dalawa ni hania. Ang pagsisimula ng klase. Madaling araw pa lang ngayon at maaga akong nagising, Hindi na din naman ako inaantok kaya agad akong nagtungo sa banyo para magsipilyo at bumaba para magluto ng pang almusal.

Hindi kalaunan natapos ko na ding lutuin ang kakainin namin maya-maya. Tiningnan ko ang orasan kung anong oras na at saktong 5:08 na ng umaga. kaya nagmadali akong umakyat para maligo at makapaghanda dahil baka bumaba na si hania. Sobrang excited pa naman non.

"Oh Andrew bakit hindi ka pa nakaligo?" Humihikab pang bungad ni nanay na nakasalubong ko pag-akyat ko ng hagdan.

"Good morning nay. Hehehe maliligo na po ako ngayon at wag kayong mag alala nay tapos ko nang lutuin ang kakainin natin sa almusal" Ngiting may taas noong sagot ko sa aking magandang nanay.

" Aba'y ang bait naman ng anak ko" Ngiting sabi niya sabay gulo sa buhok kong magulo na din naman.

"Alam ko yon nay at tsaka ayukong mapagod ka" Sagot ko

"Segi nay maliligo muna ako. I love you nay mas maganda ka pa sa umaga hehehe" Sabi ko sabay halik sa pisngi niya, ngumiti lang din ito at tumango.

Pag pasok ko sa kwarto hinanda ko muna yung susuotin kong puting pulo, itim na pantalon, at puting sapatos ko bago naligo.

Madali lang akong natapos maligo, nakapagbihis at nag-ayos sa sarili kaya handa na akong bumaba. Ngiti nalang ang kulang.

Nakangiti akong lumabas ng kwarto at hindi ko inaakalang makakasalubong ko ang magandang binibini sa tapat ng kanyang kwarto.

Ang ganda naman nito.

"Good Morning" Ang tamis ng ngiti niya sakin.

" G-Good Morning hania" Napamaang pa ako saglit dahil sa ngiti nyang yun na agad ko namang tinugon ng mas matamis pang ngiti.

Lumapit siya sakin ng may ngiti sa mga labi habang ako ito hindi mawala ang tingin ko sa kanya.

Inaamin ko sa sarili ko na may paghanga ako kay hania noon pa man pero hindi ko na pinansin iyon dahil alam kong kaibigan lang ang tingin niya sa akin pero parang may meron sa loob kong nagsasabing Hindi malabong may pagtingin din siya sa akin.

Iwan ko ba! Hayssst ang ganda mo talaga hania! Sana maging akin k--! Ano bang sinasabi mo Andrew!! Bestfriend mo yan!

Sa dami ng mga iniisip ko nakapamewang na pala si hania sa harapan ko at nakataas pa ang kilay.

Yan kasi andrew! Segi illusion pa!

"Ah eh Hehehe tara na sa baba?" Nahihiyang sabi ko sabay kamot sa ulo.

Ano ba naman Andrew nakakahiya!!!

"Pwede rin tumunganga muna tayo dito Andrew nakakahiya naman sayo." Sabi niya sabay irap.

" Ah may iniisip lang ako hehehe" Sagot ko at nginitian siya, irap lang ang sinagot sakin

"Dami kasing iniisip! Hindi na namalayang nandito ako sa harap! " Bulong niya pa habang nakatalikod sakin. Pero narinig ko naman.

"Sorry na wala lang yun hehehe ang Ganda-ganda mo pa naman para magsungit hehehe"Sinisilip ko ang mukha niya pagkasabi ko.

" Sino ba kasing iniisip mo ha Andrew? Pati paglapit ko di muna napansin. " Seryusong tanong niya.

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now