CHAPTER ONE

726 309 25
                                    

Flashback:

"Anak magpakabait ka dito sa bahay ha? wag mong bibigyan ng sakit sa ulo si yaya" Sabi ni mama

" Upo mama, mabait namn ako ey! tapos maganda pa" masayang sagot ko kay mama

" Ikaw talagang bata ka dami mong alam!" Natatawa at umiiling pang sabi ni mama.

Hindi ko maiwasan ang lungkot na aking nadarama tuwing may pupuntahang malayo ang aking mga magulang. Pero iba itong ngayon eh parang may Mali! d0_0b

Niyakap ko si mama ng Mahigpit at hindi nagtagal dahan-dahan ng kumawala ang mga luha ko.

"Mamimiss ko kayo mama:( Mag iingat po kayo dun ah? Pag uwi nyo pasyal tayo sa amusement park tapos kakain tayo ng marami"

Pinunasan ni mama ang mga luha ko at hinalikan ako sa noo.

" Wag kang mag alala anak mag-iingat kami ng papa mo tapos pag uwi namin marami kaming pasalubong sayo at kay yaya" Masayang sabi ni mama at mahigpit akong niyakap

" Honey let's go it's getting late" Sabi ni daddy habang pababa ng hagdan dala ang mamahaling bag ni mama na inerigalo niya noong birthday nito.

"Ok honey just a minute" sagot ni mama at muling humarap sa akin.

"Mahal na Mahal kita anak, palagi mong tatandaan iyan"Nakangiti ngunit tila may lungkot na sabi ni mama.

Sa oras na ito nais kong huwag ng humiwalay sa yakap ng aking ina sapagkat parang iba ang aking pakiramdam at malulungkot ako kapag tuluyan na silang lumisan.

"Zahania anak bitawan mo na ang mama mo at kami'y aalis na" ma authoridad na sabi ni daddy

"Segi po mag-iingat po kayo ni mama dad" malungkot na tugon ko.

Tumango si daddy at hinalikan ako sa noo habang nakangiti. lumakad na kami patungo sa labas upang maihatid ko si mama at papa sa kotse ngunit napatigil ako ng mahulog ang family picture namin. Pinulot ko ito at sa hindi inaasahan nadulos ang aking kamay at nasugatan ito dahil sa bubog ng frame.

"Napano yan hania?" Agad na sulpot ni yaya galing sa kusina.

"Nahulog po ey" Pagtayo ko upang punasan ang dugo sa aking kamay ay hindi ko mapigilang mangamba at makaramdam ng takot ng dahil sa tumulong dugo galing sa nasugatan kong kamay at sa family picture namin ito tumulo. Nahaluan ng dugo ang magkahawak kamay ni mama at daddy sa litratong iyon.

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now