CHAPTER TWENTY EIGHT

40 10 0
                                    

Bago ako pumasok sa hospital, dumiretso muna ako sa kotse dahil nandon ang gamit ko. Tsaka ako pumasok sa hospital ng nakabihis na ako ng maayos.
Nagmadali akong pumunta sa room ni Andrew at nadatnan kong nag-uusap ang doctor at si yaya. Saktong pagdating ko ay umalis na din ang doctor.

"Yaya" tawag ko sa kanya, lumingon ito sakin. Umiiyak
"Hania si Andrew" niyakap ako nito. Kinakabahan ako

"A-anong nangyari ya?" Naguguluhang tanong ko
" Mabuti na siya sa ngayon Hania" dahil sa sagot nito ay nakahinga ako ng maluwag.

"Pero sabi ng doctor hinang-hina na ang puso ni Andrew,  Hania" Dagdag nito na naging dahilan para lumuwag ang pagkakayakap ko sa kanya. Parang nanghina ang buong katawan ko dahil sa narinig.

"Hindi. Malakas si Andrew Yaya! Alam kong lalaban siya. Wag tayong panghinaan ng loob dahil tayo nalang ang makakapitan niya ngayon. Kailangan nating maging malakas para sa kanya" pinapatatag ko ang kaluoban ni yaya kahit ang totoo ay hindi ko din alam kong pano maging matatag sa sitwasyon na to.

Lumipas na ang isang araw ngunit hindi pa din nagigising si Andrew. Hindi ako natulog dahil gusto ko kapag nagising siya ay nandito ako sa harap niya. Pinauwi ko muna si Yaya sa kanilang bahay at isinama niya si Anding. Gabi na ngayon at medyo madilim dito sa kwarto pero naging maliwanag ito dahil sa mga dinikit kong glowing stars. Nagbabakasakali akong baka magustuhan ni Andrew ang mga ito kaya nagpabili ako kay manong driver. Pinipilit kong maging malakas para sa taong mahal ko, at ngayon, ako naman ang gagawa ng paraan para tulungan itong huwag panghinaan ng loob.

Nagising ako dahil naramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. Hindi ko namalayang nakatulog ako. Pagmulat ko nakita ko si Andrew na nakangiting nakatingin sa akin. Dahan-dahan akong bumangon.

"A-ang lungkot na naman ng mga mata mo" Saad nito. Napakahina ng boses niya. Agad akong ngumiti at tumabi sa kanya sa kama.

" Hindi ako malungkot Andrew. Masaya ako dahil kasama kita ngayon" Ngiting saad ko. Sa totoo lang pinipigilan ko talagang umiyak.
Nakatitig lang ito sa akin pero iniwasaan kong harapin ang kanyang mga tingin dahil alam kong mababasa niya ang emosyon ng mata ko.
  Hininaan ko ang lamp shade para mag glow yung stars na dinikit ko sa lahat ng sulok ng kwarto. Bigla siyang nakatingin sa mga ito, hindi ko malaman kung nagustuhan niya ba o hindi.

"Alam mo ba para kang mga butuin na yan? Kasi binigyan mo ng liwanag ang madilim kong mundo" wika ko at pasimple siyang tiningnan ngumiti ito ng marahan. Hinawakan ko ang mga kamay niya bago magsalita ulit.

"Naaalala ko pa kung pano mo ako kinulit noon para kumain lang ako" Muling saad ko, binabalikan ang mga masasayang alaala namin noon. Magsasalita pa sana ako ulit ng bigla itong magsalita.

"H-hania? Pwede ba na sa mga oras na to wag nating isipin na may sakit ako? Umalis muna tayo sa realidad at gumawa ng sarili nating mundo. Pwede ba?"  Mahinang sabi niya. Ngumiti ako at tumango.
  Pinahiga niya ako sa kanyang balikat habang nakayakap ako sa kanya. Ramdam ko ang mahinang pagtibok ng puso niya.

" Kapag nakapagtapos na tayo ng pag-aaral maghahanap agad ako ng trabaho. Tapos mag-iipon ako para sating dalawa. Tapos kapag sapat na ang mga naipon ko pupuntahan natin ang mga lugar na gusto mong puntahan" Nakangiting saad niya ganun din ako

"Tapos kakain tayo sa mamahaling restaurant at bibilhin natin lahat ng gamit na wala tayo" Dagdag ko. Dinig ko ang mahinang pagtawa nito

"Oo, bibilhan kita na madaming libro para di mo na nakawin yung mga libro ko" nakangising sagot niya na ikinatawa ko din.

"At pagkatapos nating magawa ang lahat ng gusto natin, doon na kita pakakasalan Hania" seryusong sabi nito dahilan para tumulo ang mga luha ko.

Tuparin mo Andrew please?

Agad ko din itong pinunasan dahil ayukong masira ang magandang pag-uusap namin.

"Pakakasalan ko ang pinakamagandang babae sa buong mundo. At magiging ganap na asawa na kita. Aalagaan kita araw-araw, liligawan pa rin kita araw-araw at madadagdagan pa ang pagmamahal na meron ako sayo araw-araw." Patuloy nito. Nakikinig lang ako sa kanya. Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi niya.

"Tapos bubuo tayo ng mga masasayang alaala kasama ang mga magiging anak natin,tuturuan natin silang magkaroon ng takot sa diyos at sa atin na mga magulang nila. Magiging responsable tayong magulang Hania" Niyakap niya ako ng mahigpit pagkatapos niyang magsalita.

Sana wag na matapos ang araw na to.

"Saan mo ba gustong magpakasal?" Nakatingin ito sakin ng nakangiti. Napangiti din ako bago sumagot.

"Kahit saan basta kasama ka" pasimpling sagot ko dahilan para umiwas ito ng tingin at doon ngumiti

"Kahit dito?" Tanong niya ulit. Hindi mawala ang ngiti sa labi

"Oo" sagot ko naman.

Matunog itong ngumiti at hinalikan ako sa noo. Ninamnam namin ang mahigpit na pagkakayakap sa isat-isa. Hindi ako nagsalita at hiyaan munang makulong sa yakap ng lalaking mahal ko. Kung pwede lang sanang ganito nalang palagi, wala ng problema, lungkot at wala ng sakit. Ang saya siguro kapag ganun. Pero sobrang sapat na sa akin ang ganito. Yung parang walang nangyari, kinakalimutan ang realidad at sinusubukang makagawa ng sarili naming mundo.

"Mahal na Mahal kita, Hania" wika niya
"Mahal na Mahal din kita Andrew" sagot ko at siniksik ang sarili sa mga bisig niya.

"Ano man ang mangyari, wag na wag mong kalimutan ang mga katagang yan" halata ang pag-iba ng boses niya. Ngunit ayukong masira ang gabing to kaya pinipilit kong pagaanin ang sitwasyon.

"Syempre ikaw paba? Mahal kaya kita" hirit ko na ikinatawa nito ng mahina.

"Matulog na tayo, gabi na" muling saad ko. Tumango ito at hinalikan ulit ako sa noo.

"Goodnight Hania"
"Goodnight Andrew"

Sabay naming pinikit ang aming mga mata ng magkayakap sa isat-isa. Ito na siguro ang isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko kasama si Andrew. Nagawa naming maging maligaya kahit na alam naming bukas sa pagising sa umaga ay hararapin naming muli at realidad na puro sakit ang dala.

Pero alam kong hindi lang ngayong gabi matatapos ang masayang ala-ala na ito dahil bukas may kadugtong pa.
  Tuluyan akong dinalaw ng antok at nakatulog sa mga bisig ng taong mahal ko.
 
Goodnight Mahal.

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now