CHAPTER SIX

366 251 17
                                    

Zahania's POV

Hindi ko akalain na ganun pala ang dinanas ni Andrew mula noong bata pa siya. Ang lungkot ng mga mata niya habang nag kukwento sa akin. I thought he have a happy and complete family but im wrong! Why he had afford to smile? to joke? and to laugh? How was that easy to be? Sana ganun din ako kalakas kagaya niya.

Tumigil ito pansamantala sa pag kwento at bumuntong hininga. Nginitian ko lang siya kaya tinuloy niya na ang kwento.

"Nagmadali si tatay lumabas ng ospital kahit pagod na pagod ito. Hindi ko mapigilang mapaiyak nong araw na yun dahil sa dinanas naming hirap sa buhay, na mismong pambili ng damit ng baby nahirapan kaming bilhin Hehe.. ang saklap no? Sa dinami dami ng tao sa mundo kami yung isa sa mga dumanas ng hirap.
Mapaklang patuloy niya.
Pero kahit ganun hindi kami sumuko sa buhay, Sa murang edad ko non natuto akong maglaba ng damit sa kapitbahay para may ma ulam kami habang hindi pa nakauuwi si tatay... Naluluha na si Andrew:( kaya ayon tumutulong akong kumita ng pera.
At dumating yung araw na gumuho ang mundo ko.
Yung araw kasi na nagmamadali si tatay'ng lumabas sa ospital para maghanap o manghiram ng pera tumungo siya sa tyahin ko dala ang kanyang pampasadang tricycle. desidido na siyang umutang sa matapobre kong tyahin para sa kapakanan ng baby at ni nanay pero pinagsalitaan siya ng masasakit na salita ng aking tiyahin bago itapon sa kanya ang limang daan. Kahit dinudurog ang puso ng aking itay hindi niya yon ininda agad siyang tumungo sa tyangge para bumili ng gamit ni baby. "

" Pabalik na si tatay non sa hospital dala-dala ang pangangailangan ng baby ng biglang inataki siya sa puso habang nagmamaniho at hindi niya nakita ang isang malaking truck na babangga sa kanya kaya nabangga si tatay:( At ang masakit pa non kahit wala ng buhay ang aking ama hindi niya nabitawan ang dalawang supot na naglalaman ng damit at pagkain ng aking bunsong kapatid at ni nanay..Sunod-sunod ng pumatak ang mga luha ni Andrew at mismong ako. Hanggang sa huli niyang hininga kapakanan pa rin ng aming pamilya ang kanyang iniisip. Napakasakit sakin non"

Tinapos ni Andrew ang masaklap niyang kwento at humagolgol ng tuluyan. Agad ko itong nilapitan at niyakap ng mahigpit habang umiiyak rin. Alam ko kasi kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung ito yung naging mundo mo.

Umiyak ka lang Andrew. I'll be your shoulder and don't be shy to lean on my shoulder.

" I admire your braveness Andrew! Isa kang mabuti at mapagmahal na anak kaya wag kanang umiyak dahil niiyak din ako"Ngiting sabi ko sa kanya at pinunasan ang kanyang mga luha.

Tipid itong ngumiti sa akin habang pinupunasan ko pa ang luha niya at ng matapos ko ito agad siyang nagsalita.

"Kaya ikaw hania wag mong iisipin na pinagkaitan ka ng magulang ha? Walang perpekto sa mundong ito. May mga nawawala dahil may panibagong buhay ang dadating. Isipin mo nalang na isang anghel ang mga magulang mo, dahil nawala man sila may panibagong buhay din ang naisilang at matutunghayan ang mundong pinang galingan ng magulang mo. Ganun ang takbo ng buhay hania. kaya palagi mong tatandaan na walang mahirap kung susubukan, ngiti lang ang katapat niyan" Seryusong pangaral nito sa akin na ikinatahimik ko at parang may humaplos sa puso ko dahil naibsan ang sakit na dinadala ko.

"I will andrew! I will! Thankyou:)" Pagkatapos kong magsalita niyakap niya ako ng mahigpit na naging dahilan para lumiwanag ang puso kong natatakpan na ng lungkot.

" Thankyou din hania dahil ang totoo ngayon ko lang naranasan ng may yumakap sa akin habang umiiyak ako. Ngayon ko lang naranasang hindi mahiyang magkwento sa mahirap kong buhay."Sinserong tugon niya na ikinangiti ko

" Alam mo Andrew imbis na maawa ako sayo, humanga pa ako. Alam mo kong bakit? dahil kinaya mong ngumiti na para bang wala kang problema. Nakaka proud ka hehehe kaya simula ngayon tatanggapin ko na. tatanggapin ko ng wala na sila, iisipin ko nalang na para silang angel na parating nakangiti at anumang oras ay babantayan ako" Buong puso ang ngiti ko sa kanya.

" Hehehe ganyan nga hania:) Alam ko namang kaya mo yan eh. Hindi ka pa nag iisa dahil andito pa si nanay at ako at syempre ang sarili mo. Hania sarili mo mismo ang tutulong sayo para makabangon, Hindi ako o kahit na sino man kundi ikaw lang."

"Hehehe paano ba yan Bespards lumalalim na ang gabi? bukas nalang ulit tayo mag kwentuhan. Hahaha bukas ng maaga para hindi tayo gabihin" bumalik na yung loko-lokong Andrew!

" Hahaha Oo nga eh segi Goodnight Bespards" Tumango siya bago nagsalita

" Goodnight din Bespards matulog kana lalabas na ako ha? Goodnight" Paalam niya, ngumiti muna't kumaway bago lumabas sa kwarto.

Hinintay ko muna siyang makalabas bago ako pumunta sa banyo para maghilamos at mag toothbrush bago matulog.

Nakahiga ako ngayon sa kama habang iniisip yung mga sinabi sa akin ni Andrew kanina. Sa totoo lang nabawasan ang lungkot at sakit na nararamdaman ko, siguro ito na ang panahon para tanggalin ang karayom na matagal ng nakatusok sa puso ko, oras na para patahanin ang mga matang gabi-gabing lumuluha.

Kung noon galit na galit ako sa Diyos dahil kinuha niya ang dalawang taong ginawa kong mundo but now i realized it all, ng dahil kay andrew naliwanagan ako he made me realized that this is not the end of my life yet it is just the begining of my journey. Isa si Andrew sa pasasalamatan ko dahil dumating siya hindi lang para mang-asar kundi unti-unting bagohin ang masaklap kong nakaraan.

Mama at papa thank you for giving all that you have just to make me happy old back then. I can't see the world without you, I hope you find peace because im letting you go now. I'm letting the pain in my heart and i promise i won't cry again. I know you are happy now because finally i made the choice for my own that's why im letting it go. I love you so much both.

From this day i promised im moving forward and face my fears without letting my tears fall down, I'll be stronger and protect my self from all costs.
Pinatay ko ang lampshade bago ipinikit ang aking mga mata para matulog at masasabi kong, ngayong gabi ipipikit ko ang aking mga matang may ngiti na sa mga labi.

Goodnight mama at papa
Goodnight Andrew

Lean On My Shoulder(COMPLETED)Where stories live. Discover now