Prologue

1.3K 237 115
                                    

University Series #1: Heal me, Doctor (on-going)


University Series #2: Defend me, Attorney (soon)


University Series #3: Protect me, Liuetenant (soon)


University Series #4: Taste me, Chef (soon)


University Series #5: Notice me, CEO (soon)


University Series #6: Fly me, Captain (soon)


💜🖤💜🖤

"Mag-iingat po lagi kayo nay. Ingatan niyo po ang kalusugan ninyo."


Nakangiti kong paaalala sa aking pasyente na nanay. Nakatayo akong pinagmamasdan itong papalabas ng ospital. Kapag may nakikita akong nahihirapang pasyenteng lumabas ay lumalapit ako at tinutulungan sila.


"Tapos na duty mo?" Tanong sa akin ni Mary isa sa mga kapwa ko doktora.


"Yes." Nakangiti kong sagot dito. "Makakapagpahinga na rin ako kahit papaano." Dagdag ko pang saad.


Nakakapagod ang magduty ng 2 ng umaga hanggang 12 ng madaling araw. Mahigit 8 oras yata ang tinagal ko sa loob ng operating room. Dahil dagsa ang mga pasyente na kailangan operahan. Tapos binisita ko pa ang aking mga ibang pasyente.


"Kumain ka na?" Tanong sa akin ni Lorraine ang isa ko pang kapwa doctor.


Kagaya ko ay may hawak hawak din itong medical result ng mga pasyente namin. Kailangan kasi namin icheck ang mga medical result ng nga pasyente namin. Kailangan namin masiguro na maayos sila at unti-unting gumagaling.


Nakangiti akong umiling dito bilang sagot. "Tara kain, libre ko." Aya niya sa amin ni Mary.


"Hindi na kayo na lang dalawa ni Mary. Kailangan ko na kasing umuwi." Tanggi ko kay Lorraine.


"Sabagay may aalagan ka nga pala." Tumango tangong saad ni Lorraine sa'kin.


Iniwan ko na silang dalawa at sabay sakay sa elevator para pumunta sa fifth floor ko kung saan ang aking opisina. Pagkabukas ng elevator lumabas ako agad at naglakad papuntang office ko.


Hinubad ko ang suot suot kong laboratory coat na laging suot ng mga doktor. Nagpalit na rin ako ng aking damit at sapatos. Ang sakit kasi sa paa ang heels na suot suot ko. Lalo na't ang tagal kong suot ito. Ang sakit sa paa.


Pagkatapos kong ayusin ang office ko at ang sarili ay agad din akong bumaba para makapag-out na. Pagkatapos pumunta na rin akong parking lot.


"What the heck!?" Inis ko saad sabay hampas ng manibela ng kotse ko. Bakit ngayon pa? Ayaw magstart ng kotse ko dahil naubusan ako ng gas. Shit! Nakalimutan kong magpagas.


Lumabas na ako sa aking kotse. Wala rin naman akong magagawa dahil malayo ang gasolinahan dito. Bakit kasi nakalimutan kong magpakarga kanina? Ang malas naman, oh. Wala pa naman akong panggas ngayon. Dahil ang dami kong kailangang paggastusan. Kailangan ko rin mag-ipon.


Pumara ako ng taxi dahil hindi naman aandar ang kotse ko kapag walang gas kaya no choice ako kundi mag taxi pauwi. Bumaba ako sa tapat ng bahay ng aking kaibigan na si Samantha.


"Oh, bakit ngayon ka lang? Madaling araw na, ah." Tanong ng kaibigan ko pagkabukas ng pinto ng bahay niya.


"Sorry, ngayon lang natapos duty ko, eh. Nasaan siya?" Tanong ko dito.


University Series One: Heal Me, DoctorWhere stories live. Discover now