Chapter 2

459 198 45
                                    

Chapter 2: Waiting Shed

Kinabukasan ay maaga akong gumising na naman dahil sa ngayon ay may duty ako sa LS ospital ng university namin. Kung saan ako nag-aaral bilang isang medisina.

Tulog pa ang kaibigan kong si Samantha ng umalis ako sa condo naming dalawa. Magkasama kasi kaming dalawa sa condo at magkasama rin kami sa iisang university kung saan kami nag-aaral. Hindi na talaga siya nahiwalay sa akin.

"Good morning, Dra. Buenaventura. Ang aga natin, ah. 6:30 palang o, mga 8 ang duty mo diba?" Tanong ng isa kong kapwa medisina rin.

"Ahh... Wala bibisitahin ko kasi yung mga naging pasyente ko. Good morning rin." Naiilang saad ko dito. Pero nginitian at binati ko din siya pabalik sabay nagpatuloy ako sa paglalakad.

Ang totoo niyan eh mamaya pa talaga ang duty ko pero nagbabakasali kasi akong makita ulit si Dr. Dela Vega na iyon dito. Kaya maaga akong pumasok. Kaso parang wala.

Ano kaya ang buo niyang pangalan? Siguro maganda pangalan niyon apilyedo palang kasi ang lakas na ng dating at ang cool.

Saan kaya siya nag-aaral? Imposible kasing sa Little Star University rin siya nag-aaral, eh. Iyan ang pinapasukan naming university ni Samantha. Hindi ko kasi siya nakikita sa LSU dito lang sa ospital ng LS ko siya nakita.

"Hoy, Roseanne. Sino hinahanap mo?" Curious na tanong ni Mary ang kaibigan ko dito sa LSU ospital. Sa LSU rin siya nag-aaral kaklase ko sa medisina.

"H-ha?" Nauutal kong tanong.

"Kanina ka pa kasi palingon lingon. Para ka kasing may hinahanap. Sino ba hinahanap mo? At kanina ka pa parang tangang palingon lingon." Curious ring tanong ni Lorraine. Isa ko pang kaibigan dito at kaklase sa medisina.

"Wa-wala akong hinahanap, a-ah." Nauutal kong saad sa kanila. Shit! Kanina pa pala akong parang tanga sa ginagawa ko hindi ko alam. Bakit ko kasi hinahanap ang lalaking iyon? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nalilito ako.

"Ang aga mong pumasok, ah. Mga 8 pa duty mo eh. Magsabi ka nga ng totoo. Sino hinahanap mo?" Seryosong tanong nilang dalawa. At naniningkit pang nakatingin sa akin na parang inoobserbahan ako.

"Wa-wala talaga... Kaya ako maagang pumasok para bisitahin ang mga pasyente natin." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

Tumango tango naman sila na parang hindi pa sila kumbinsido sa sagot ko sa kanila. Hindi na lang ako nagsalita pa at baka mahalata talaga nila na may hinahanap ako. Sila naman ay nagpatuloy silang dalawa sa daldalan nila.

"Nabalitaan niyo ba?" Maya maya ay tanong ni Lorraine.

"Ang alin?" Curious naming tanong dalawa ni Mary dito.

"May nagduty daw dito kahapon na mga gwapo galing sa ibang university." Kinikilig na saad ni Lorraine.

"Sayang nga eh hindi ko man lang sila nakita dahil nasa mga pasyente ako magdamag at binibisita sila." Nanghihinayang na saad ni Lorraine.

"Aww sayang nga hindi kasi ako nakaduty kahapon, eh. Ikaw Roseanne? Nakita ko ba? Diba pumunta ka dito kahapon para ipasa ang medical result sa head doktor?" Tanong sa akin ni Mary.

"Ahh.. Hi-hindi eh. Hindi ko naman kilala ang nga ibang nakaduty dito kaya hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyo," sagot ko sa tanong niya. Tumango naman si Mary sa akin.


Hindi kaya. Yung Dela Vega at ang babae kahapon na nakita ko ay galing sa ibang university na nagduty dito? Bago kasi ang mukha nila sa akin eh. At ngayon ko lang nakita sila dito.


University Series One: Heal Me, DoctorWhere stories live. Discover now