Chapter 8

333 149 18
                                    

Chapter 8: Instagram story

Pagkatapos kong maligo at nagbihis ako ng short na white at sando na pink. Pinatuyo ko na rin ang huhok ko. Nang matuyo ay kinuha ko ang libro ko at notebook. Pumunta akong sala para doon magreview.

Nandito rin ang kaibigan kong si Samantha sa sala nakaheadphone siya habang nagguguhit. Wala na sila Ellaine umuwi na. Hindi ko na ito ginulo pa dahil mukhang busy ito. Magrereview ako para sa darating na exam namin. Pero nang nakita ko ang phone ko para akong tinamad magreview.

Kinuha ko iyon at binuksan ang Instagram ko. Nakita kong online si KJ kaya naman nagdirect message ako sa kaniya.

roseannemsb:
Nakauwi ka na?

Message ko sa kaniya. Hinintay ko ang reply niya. Habang hinihintay ko ang reply niya nagscroll muna ako.

kalixjhdv:
Yes.

Ang hilig na niya talaga mag english tapos ang ikli pa. Paano na kaya kapag kami na? Ganon pa rin siguro siya katipid magsalita. Napangisi ako ng may pumasok na kalokohan sa isip ko. Hehehe sorry KJ ko pagtritripan muna kita.

roseannemsb:
So pwede ba kitang guluhin?

kalixjhdv:
Just go to sleep.

Ayieee concern ang future husband ko.

roseannemsb:
So pwede din ba kitang ligawan?

kalixjhdv:
WTF?!

Natawa ako ng malakas sa reply niya. Alam kong nakataas na ang isang kilay niya at nakakunot ang noo niya sa mga oras na'to. Napatingin sa akin si Samantha inilingan ko lang siya.

roseannemsb:
Ano? Pwede ba Dr. Kalix James Dela Vega? My future husband.

kalixjhdv:
Just go to sleep, you're still drunk.

roseannemsb:
Ang sungit mo naman! Ang choosy mo pa. Ayaw mo non ako na nga nanliligaw e. Sagot mo na lang hinihintay ko babe.

Natatawang message ko sa kaniya. Wahh gusto kong makita yung reaction niya. Ang cute siguro ng reaction niya ngayon. Yung tipong nakataas ang isang kilay at nakangisi. Ang choosy niya pa a. E ako na nga nagfifirst move para sa kaniya. Mahirap ng maunahan noh.

kalixjhdv:
What do you need headache woman?

Aww. So sakit pala niya ako sa ulo. Napanguso ako at napairap. Sakit!

roseannemsb:
Grabe ka sa akin Dr. Dela Vega. Ikaw na nga liligawan tapos ganyan ka pa. :(

Message ko sa kaniya na may sad face pa sa hulihan. Pasalamat ka at gusto kita kung hindi lang kita gusto inaaway na kita ngayon.

kalixjhdv:
Don't be messy and naughty.

roseannemsb:
Bakit? Nag-aaral ka ba? Nagbabasa ka? Busy ka ba?

kalixjhdv:
What do you think headache woman?

roseannemsb:
Gusto mong tulungan kita babe ko?

kalixjhdv:
No need. Sleep and take medicine.

roseannemsb:
Masyado ka namang concern sa akin babe ko. Okey na ako huwag ka ng mag-alala. Magaling kasi yung nag-alaga sa akin e.

Nakangiting kong message sa kaniya. Kinikilig ako at masaya akong siya. Ganito pala feeling kapag kinakausap ka ng taong gusto ko. Kakaiba sa pakiramdaman.

University Series One: Heal Me, DoctorWhere stories live. Discover now