Chapter 11

296 126 15
                                    

Chapter 11: Someone jealous

"Samantha? Pupunta ba tayo sa university nila Kierra?"


Paulit ulit kong kinukulit ang kaibigan ko. Kung pupunta ba kami doon sa university nila Kierra. Hindi ko kasi naintindihan ang sinabi kahapon sa akin ni KJ. Bago niya akong iniwang nakatulala. At pilit iniintindi ang sinabi ni KJ.


Nagmessage naman ako kay KJ kung anong ibig niyang sabihin doon sa sinabi niya kaso hindi man lang niya sineen o nagreply man lang. Hindi naman kasi ako siguradong nandito siya sa LS ospital na nakaduty. Dahil ang alam ko ay lagi si KJ nakaduty doon sa SMH ospital. Kaysa sa ibang mga ospital.


"Ano ba Roseanne. Paulit ulit ka na lang. Sinabi ng hindi tayo pinapapunta doon nila Kierra. At wala namang sinabi sila Ellaine na pumunta tayo doon. Roseanne bawal tayo doon sa university nila dahil hindi naman tayo nag-aaral doon. Hindi tayo students doon. Kaya walang dahilan para pumunga tayo doon." Inis na paliwanag ni Samantha. Kanina pa kasi siya paulit ulit na nagpapaliwanag. Pero hindi ako tumitigil. Nakakainis naman kasi e.


"Please?! Punta tayo doon. Imemessage ko sila Kierra at Ellaine." Pagmamatigas ko sa kaniya. Gusto ko talagang makausap si Yuki. Hindi kasi siya nagrereply kahit anong message ko.


"Oo na. Oo na. Matigil ka lang. Paulit ulit kang babae ka. Ang kulit mo grabe." Napangiti naman ako sa sinabi ng kaibigan ko. Tamang tama naman ay wala na kaming klase. Kaya pwedeng pwede na kaming pumunta kahit saan.


Kunti lang naman din ang assignments na gagawin ko e. Wala rin naman akong project na gagawin. Kailangan ko lang mag advance readings sa mga lesson namin para bukas at bukod doon wala na.


Si Samantha ang nagdrive hindi naman ako marunong magdrive e. Nagmessage na rin ako kala Kierra at Ellaine na pupunta kami sa university nila. Tuwang tuwa naman silang dalawa ng imessage ko yun. Wala na rin daw silang klase. Kaya pwede na kaming magkita kitang magkakaibigan.


Nandoon daw silang dalawa sa dati naming timambayan nila Samantha ng unang punta namin roon na nagkandaligaw ligaw pa kami na tinatawag nilang park sa kanilang university.


Nang makarating kami sa Saint Mary Heart University ay pinicturean ko ang university at pinost sa Instagram ko. Please sana naman pansinin mo ang post ko. Kundi malilintikan ka sakin. Sasampalin kita ng malakas. Char! Tapos ang caption doon sa post ko ay 'Nasaan ka?'.


Nagsuot ako ng jacket na kulay pink at tinali ang buhok na pamessy hair ng makababa kami sa sasakyan. Si Samantha hindi siya nagjacket pero tinali niya ang buhok niya ng maayos. Nakauniform pa kasi kaming pumunta dito kaya ako nagjacket.


"Sis, dito!" Salubong sa amin nila Kierra sa labasan ng university nila. Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria nila. Yung cafeteria nila ay parang sa mga restaurant dahil may mga waiter na pumupunta sa bawat lamesa para kuhain ang order nila o bibilhin.


May mga ibang bansang nag-aaral dito. Dahil hindi ko maintindihan ang ibang mga lenggwaheng nadadaan naming mga tao. Napapabuntong hininga ako bawat kasi paglakad namin ay may nadadaan kaming mgakakilala ng dalawa kong kaibigan kaya kinakailangan rin namin huminto sa paglalakad na akala mo'y artista na nagbabatian pa at nagkakamustahan.


"I'm not sure if the KJ you're looking for will hang out here." Biglang saad ni Kierra ng makaupo kaming apat.


"Kung hindi mo alam e. Bakit pa tayo pumunta dito?" Pagtatanong ko.


"Dahil dito lang naman sa cafeteria madalas tumambay si KJ. At minsan naman kapag wala siya rito nasa library siya at nagbabasa." Sagot ni Ellaine.


University Series One: Heal Me, DoctorWhere stories live. Discover now