Chapter 6

336 163 26
                                    

Chapter 6: Take you home

Pagkauwi ko sa unit namin ni Samantha. Wala akong nadatnang Samantha. Wala akong nakitang Samantha. Nasaan naman ang babaitang iyon? Saan na naman siya pumunta at hindi man lang nagtext sa akin para alam ko kung nasaan siya at hindi ako nag-aalala sa kaniya.

Binababa ko ang gamit ko at dumiretso sa kusina para sana magluto kaso naalala ko nga palang wala na kaming stock ni Samantha ng pagkain. Nagbihis ako ng t-shirt at shorts bago lumabas ng unit namin para bumaba para pumunta sa malapit na grocery store dito sa unit namin.

Habang naglalakad ako bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong may text sa akin si Karl.

From: Karl

Nakauwi ka na ba?

Nagtipa ako agad para magreply sa kaniya.

To: Karl

Oo, nakakauwi ko lang. Bakit? May kailangan ka?

Pagtatanong ko dito.

From: Karl

Kumain ka na?

To: Karl

Hindi pa. Wala na kaming stock ng pagkain kaya bibili ako sa malapit na grocery store ng pagkain.

From: Karl

Wait for me. I'll go there. I will accompany you.

Hindi na ako nagreply pa at pumasok na sa loob ng grocery store. Pumunta ako kung nasaan ang mga gulay at mga karne. Mahilig kasi akong magluto. Sa aming magkakaibigan ako at si Khloe lang ang may talent at mahilig magluto.

Ako ang nagluluto ng kinakain namin ni Samantha. Almusal, tanghalian, meryenda at hapunan ako ang nagluluto. Kapag kasi si Samantha ang magluluto baka masunog ang tinitirhan naming dalawa. At mapalayas pa kami ng wala sa oras.

Kakalagay ko lang ng mga karne na kakailanganin ko rin sa pagluluto sa cart ng may biglang umagaw sa cart na hawak hawak ko. Sisigawan ko na sana ang umagaw non sa akin ng cart ng makita kong si Karl ang may gawa non. Inagaw niya at siya na ang nagtulak ng cart.

"Bakit nandito ka? Akala ko ba may emergency sa inyo?" Tanong ko sa kaniya habang namimili ng mga ingredients.

"Meron nga," sagot niya. Pero halatang galit siya at malalim ang iniisip. Salubong kasi ang kaniyang kilay.

Hindi ako nakapagsalita ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Yung galit na galit at salubong ang kilay. Kilala ko si Karl kapag simpleng problema lang hindi naman siya ganyan pero ngayon iba e. Parang ang sama ng timpla niya. Mukhang badtrip na badtrip siya.

Nakasunod siya sa akin habang nagtutulak ng cart at ako naman ay naglalagay ng mga kakailanganin ko. Hind rin siya nagsalita.

"Anong problema mo?" Tanong ko dahil kanina pa siya ng nagbubuntong hininga. Pero umiling lang siya. "Sige na sabihin mo na baka matulungan kita. At para na rin gumaan kahit papaano ang pakiramdaman mo para kasing ang lalim ng iniisip mo." Pangpipilit ko sa kaniya. Hindi ako sanay na makita siyang ganyan.

Bumuntong hininga siya at napapikit ng mariin. "Si Mom and Dad nag-away." Maikli niyang saad.

Napatigil ako sa paglalakad at paglalagay ng kakailanganin ko sa cart at napatingin sa kaniya. "Ha?! Bakit? Anong dahilan ng pag-aaway nila tita at tito?"

Umiling siya at nakita ko ang mas lalong galit sa mata niya. "Dad has another woman. He cheated on Mom." Mariin at galit niyang saad sabay gulo niya ng kaniyang buhok.

University Series One: Heal Me, DoctorWhere stories live. Discover now