Chapter 4

360 178 43
                                    

Chapter 4: Mad

Nang matapos kong ipasa ang medical chart. Agad akong bumaba at pasimpleng palingon lingon sa paligid. Nagbabasakaling makita ko si KJ. Nasaan na kaya siya? Nandito pa kaya siya?

Pero bigo ako. Maski anino niya ay hindi ko nakita. Nakaalis na yata siya. Kasi ng magkabungguan kami hindi siya nakasuot ng laboratory coat na laging sinusuot ng mga doktor. Napasimangot ako. Sayang!

Napabuntong hininga na lang ako at tinatanggap na hindi ko na siya makikita ngayong araw. Nakakainis naman kasi. Kung hindi ko lang talaga kailangan ipasa ang medical chart. Nakapag-usap na sana kami ngayon.

Huminto ako sa tapat ng nagtitinda ng kwek kwek at palamig. Bumili ako non at maglalakad na sa pabalik ng may sumigaw ng malakas.

"Hoy!" Napalingon ako sa may sumigaw sa akin ng hoy. Nakita ko ang kaibigan kong lalaki dito sa labas ng SHM ospital si Karl. Bakit nandito ito? Dito ba siya nakaduty? Isa din siyang medicine student katulad ko kaso isa siyang neurologist.

"Bakit nandito ka? Dito ka nakaduty?" Tanong ko. Ang tagal din naming hindi nagkita nitong mukong na'to.

"Oo, ikaw. Bakit nandito ka? Ayos ka lang ba? Ang gulo ng buhok mo at halatang stressed na stressed ka, ah. Ano kaya pa ba?" Sunod sunod niyang tanong sa'kin.

"Ano sa tin-" Hindi ko na tapos ang sasabihin ko ng bigla na lang kumuha ng kwek kwek si karl at hinablot sa akin ang palamig kong binili. Minsan ang sarap manakal ng kaibigan mong nangbuburaot ng pagkain mo.

Anak nang! Hindi ko pa nga nababawasan ang palamig at kwek kwek kong binili. Tapos uunahan pa niya ako. Tuwang tuwa siyang kumakain ng kwek kwek kong binili at uminom ng palamig ko. Ang sama ng tingin ko sa kaniya. Wala ba siyang pera? Sa pagkakaalam ko e mas mapera pa nga ito kaysa sa'kin.

Magtae ka sanang bwisit ka! Sumakit sana tiyan mong hinayupak ka.

"Gago ka, Karl!" Inis na inis kong sigaw dito. Pero tinawanan niya lang ako ng nakakaloko.

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga nakakakita sa amin. May mga babae pang tinitilian siya. Dahil cute daw kuno itong kaibigan ko. Paanong naging cute itong kaibigan ko? E, ang pangit pangit nito. Malabo na yata ang paningin nila at kailangan ng magsuot ng salamin.

Charot lang! Hindi ko naman maitatanggi na cute itong kaibigan ko. Gwapo pa. At hindi na ako magtataka kung maraming nagkakagusto sa kaniya. Matalino na, gwapo pa, mabait, mayaman pa saan ka pa diba? Total package na siya kung tutuusin. Ang swete ng babaeng mamahalin nitong mukong na'to. Kaso buraot at maloko nga lang.

"Hoy! Naiinlove ka na ba at ganyan ka makatingin sa'kin? Baka matunaw naman ako sa sobrang kakatitig mo sa mukha kong napakagwapo." At mahangin din. Ang kingina!

"Mainlove!? Hoy! Ang kapal mo. Weh dinga? Mahiya ka nga sa sinasabi mo. Ang hangin mo masyado Karl. Gwapo raw?"

"Malabo ba mata mo?" Tanong niya.

"Hindi," sagot ko dito.

"E, bakit hindi mo makita ang halaga ko at yung napakagwapo kong mukha?" Ang hangin niya talaga!

"Hoy, may problema ka ba? Bakit ganyan ang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ko.

"Wala naman... Ang sinasabi ko lang naman ay ang labo ng mata mo at hindi mo makita kita ang napakagwapo kong mukha... Ang manhid mong babae ka," saad niya kaso bulong na lang yung pinakahuli niyang sinabi. Ano bang nangyayari dito?

"Kapal! Hindi ka gwapo at hindi ka cute noh. Huwag kang maniwala sa nga naririnig mo. Mga sinungaling yun." Pang-aasar ko dito.

"Ah, so sinasabi mong sinungaling ka pala," saad niya.

University Series One: Heal Me, DoctorWhere stories live. Discover now