Chapter 26

207 18 1
                                    

Chapter 26:

Awkward. Yang salitang yan ang mamutawi sa aming dalawa ni KJ. Matapos ang nangyari sa pagitan namin kanina. Buti na nga lang at walang sira ang cellphone niya ng mabitawan ko iyon. Nakaupo siya doon sa may study table ko habang pilit iniiwas ang tingin naming nagkakasalubong minsan. At ako naman ay nakaupo lang sa aking kama.




Sa tuwing magkakasalubong ang paningin naming dalawa ay agad niyang iniiwas at umaakto siyang nililibot ang paningin sa aking kwarto. Wala naman kaaya aya dito sa loob ng kwarto ko. Puti ang kulay ng kwarto ko at may design na spongebob squarepants.




Sa kabila ng kama ko ay may makikita kanng mga nakadisplay na stuff toys na spongeboob at mga picture na nakadisplay at ang kabinet ko. At sa kabila naman ay nandoon ang study table ko. At sa taas ng kama ko ay nakikitang iginuhit kong bahay na ipapatayo ko in the future. Simple lang naman ang disenyo ng kwarto ko pero para sa akin ang ganda ng tignan.




"Hmm, pasensya na at hindi kalakihan ang kwarto ko. Hindi katulad ng kwarto ng condo mong pinagdalhan sa akin ng lasing ako. Tapos puro spongebob pa yung design," nahihiya kong saad.




"No, it's okay. Your room is so nice for me. Simple but beautiful and pleasing to the eye." Papuri niya sa aking kwarto. Napasinghap ako at inirapan siya ng maalala ako ang sinabi ni Claire nang nasa condo pa ako niya.




"Akin yang linyahan na yan eh. Ginamit ko yan ng tanungin ako ng kaibigan mo eh tungkol sa condo ng dinisenyo mo," mataray kong saad kaya naman ngumiti siya.





"Atsaka huwag mo nga akong bolahin sa mga salita mong mga matatamis pakinggan. Kinikilig ako. Alam ko naman na hindi ka talaga mahilig sa mga isip bata na disenyong kwarto," pagsusungit ko at inirapan siya.





Sabay higa ko sa kama ko. Kinuha ko ang unan na parang hotdog na lagi kong yakap yakap kapag natutulog ako. Humiga ako ng patagilid para makita ko si KJ at niyakap ang hotdog na unan.




Narinig ko siyang tumawa. "Where did you know that?" Tanong niya.




"Syempre kanino pa. Sa babae mo. Siya ang nagsabi sa akin na hindi ka raw mahulig sa mga isip batang katulad ko. Makapagsabi siya na isip bata ako parang hindi rin siya isip bata sa inasal niyang yon." Inis kong saad.




"Kaya ba... galit na galit ka non? Dahil sinabihan ka niyang childish ka?" Pagtatanong niya.




"Hindi. Ang totoo niyan hindi ako doon nagalit. Oo aaminin kong may pagkaisip bata talaga ako kahit na parang matured ako tignan."




"If not for there. Where are you angry? And why?"




"Sa pang-iinsulto nga niya! Sinabi ko naman sayo yan nong bago mo ako hinatid, diba? Ayaw ko ng tabas ng bibig niya. Masyadong masakit kung magsalita. Walang preno ang bibig ng babae mo."




"Galit ka kay Claire? Na ibinaling mo sa akin?"




"Hmm, ewan ko. Basta ang alam ko hindi ako galit sayo. Naiinis lang ako sayo. Kung tatanungin mo ako mung bakit? Yun ay hindi ko alam kung bakit pero inis na inis ako sayo nong araw na yun," saad ko habang inaalala ang pag-aayaw namin doon sa carpark ng condo niya.




"Hmm, you're not upset that day," mahinang saad niya.




"Ha? What do you mean? Hindi kaya ako galit nang araw na yan. Naiinis lang, okey!"




"I know. For the reason that you are just jealous." Mapanglokong sabi niya.




Dahil sa sinabi niya napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Oo alam kong nagseselos ako ng araw na yan pero hindi ko alam na malakas pala ang pakiramdam niya na nagseselos ako. Hindi ko alam kung ano ang kaselos selos ng araw na yun. Sa totoo nga lang wala namang kaselos selos eh.




University Series One: Heal Me, DoctorWhere stories live. Discover now