Chapter 16

241 49 4
                                    

Chapter 16: I'm fucking jealous

Huminga muna ako ng malalim at saka ko napagdesisyunan na sumama kay Ellaine sa loob ng bar. Tama siya wala naman magagawa ang pagmumukmok ko kung hindi ko siya kakausapin.

"Kasi naman ang gulo niyong dalawa. Hindi ko malaman kung kayo na ba o hindi. Tapos mga kilusan niyo parang magjowa. Sagutin mo nga ako. Kayo na ba ni Kalix, ha?" Tanong ni Ellaine.

"Hindi, ah. Oo may gusto ako sa kaniya pero siya wala. May gusto yata siya kay Claire," sagot ko.

"Hinalikan ka niya sa lips tapos... My ghad ang gulo niyong dalawa." Stressed na stressed niyang saad at nauna ng pumasok doon sa loob ng bar.

Kaya sumunod naman ako. Ganon pa rin sa loob maingay at nagkakatuwaan pa rin. Nakita ko si KJ nandoon sa mga kaibigan niya ulit at umiinom ng alak na rum ng tahimik. Hindi siya nakikihalubilo sa mga kaibigan niya. Katabi niya pa rin ang kinaiinisan kong babae.

Naglakad ako papuntang lamesa naming magkakaibigan. Wala na roon ang lalaking kahalikan ko kanina. Sabay dampot ko ng vodka at sinalin iyon sa baso at walang sabing ininom ko iyon at umupo. Gulat akong tinignan ni Franchesca at Aaliyah.

"Anong nangyari sa inyong dalawa? Para naman kayong nakakita ng multo," saad ko sa dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Franchesca.

"Kaya! Bakit nandito ka pa? Akala namin sumama ka doon sa kahalikan mo kanina. Dahil nawala kayo pareho," saad ni Aaliyah habang dinedemo pa niya gamit ang dalawa niyang kamay na naghahalikan.

"Tss, ang gulo ng kaibigan nating yan. May gusto kay Kalix pero nang halik ng ibang lalaki." Iiling iling na saad ni Ellaine.

"Ano? May hinalikan ka?" Sabag na tanong nila Franchesca at Aaliyah.

"Oo," maikling sagot ko.

"Gwapo ba? Ha? Ano? Magaling ba humalik? Malaki ba? Magaling ba sa kama? Saan niyo ginawa? Sa labas? Sa kotse? O sa kama? Malaki ba yung ano?" Naibuga ko ang iniinom ko dahil sa mga tanong nila Franchesca at Aaliyah.

"Ayy bastos ka naman, Roseanne," saad ni Aaliyah ng matalsikan siya ng naibuga kong alak.

"Yuck! Kadiri ka naman, Roseanne." Reklamo pa ni Franchesca habang nagpupunas. Si Ellaine naman ay tumawa sa mga reklamo ng kaibigan kong dalawa.

"Eh kasi naman. Bakit kasi ganyan ang mga tanong niyo? Walang nangyari sa amin, okey? Hinalikan ko lang ang lalaki hanggang halik lang at walang nanagyari sa amin. Kaya huwag kayong magtanong ng mga ganyan. Kinikilabutan ako sa inyo, eh" Singhal ko sa dalawa.

"Bakit wala?" Dissapointed na namang tanong ni Franchesca.

"Kaya nga gurl. Sayang naman ganda mo. Marami kayang lumalapit sa akin at nagtatanong kung single ka pa ba o hindi na. Maraming may type sayo dito," ssad ni Aaliyah.

Umirap ako at uminom na lang ulit. "Tss! Imbis na icomfort niyo ako kung ano ano pa sinasabi niyo. Naguguluhan na nga ako, eh. Tapos ganyan pa kayo." Malungkot kong saad.

"Alam mo kasi Roseanne kaya ayaw na namin magkarelasyon kasi sakit lang yan sa ulo. Tignan mo ikaw. Naguguluhan at nalilito dahil hindi mo alam kung may nararamdaman rin ba siya sayo o wala." Seryosong saad ni Ellaine.

"Hmmm, para sa akin. Naguguluhan ako sa inyong dalawa. Kasi kanina nakita namain ang pangyayari kanina. Bago kayo nawalang dalawa ni Kalix mo. Para kayong magjowa na nagseselos dahil may kahalikan ka. Tapos si Kalix naman kanina umakto na parang nagseselos sa ginawa mo." Mahabang saad ni Franchesca.

University Series One: Heal Me, DoctorWhere stories live. Discover now