Chapter 9

316 141 23
                                    

Chapter 9: Rupok

11:30 na ng gabi pero gising pa rin ako. Saka ko lang kasi naalala na kailangan kong mag-aral. Nagbabasa ako ng tungkol sa cardiologist. Kailangan kong magbasa at magpuyat. Dahil may recitation kami bukas. Kaya nagrereview ako. Mahigit apat na oras na akong nakaupo sa study table ko habang nagrofocus ako sa binabasa ko.


Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa study table ko. At pumuntang kusina para magtimpla ng gatas at kumuha ng cake na makakain ko habang magbabasa. Nakita ko si Samantha doon sa sala nakangiti habang nagpipindot pindot doon sa cellphone niya. Sino kaya kachat niya? Akala ko tulog na tong babaeng'toh.


Hindi ko na siya inabala dahil mukhang busy siya sa kachat niya. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto ko para ipagpatuloy ko ang pagrereview ko. Kakaupo ko lang ng biglang tumunog ang cellphone ko.


Nang kinuha ko ito at nakita kong may message si KJ. Akala ko tulog na siya kasi nagreply siya kanina na goodnight kaya hindi ko na siya ginulo pa. Dahil akala ko ay inaantok na siya.

kalixjhdv:
Why are you still awake?


Napangiti ako ng malawak sa message niya. Kinikilig ako sa simpleng message niya sa akin. My ghad! May sakit na yata ang puso ko at kailangan ko ng ipatingin. Pinicturean ko ang libro ko kasama na rin ang gatas at cake. Saka ko sinent sa kaniya.


roseannemsb:
Nagrereview ako. Akala ko tulog ka na? Kaya hindi na kita ginulo pa. Anong ginagawa mo?


kalixjhdv:
Sent a photo


Nagsent din siya ng photo kaya naman dali dali ko itong tinignan. Nagbabasa din siya katulad ko tapos may notebook doon at ballpen sinusulat niya yata ang mahahalagang bagay na nababasa niya. Parehas pala kami. Ganyan din kasi ang ginagawa ko e.


kalixjhdv:
Same.


Napabusangot ako habang nagtitipa ng imemesage sa kaniya.


roseannemsb:
Sipag naman Dr. Dela Vega. So... Kailan ka available? Para sa pinagplaplanuhan nating date na dalawa.


Hagikgik ko dito. Kanina ko pa talaga iniisip kung kailan siya available e. Para ilibre ko siya. Nakokonsensya kasi ako. Dahil alam kong may ginawa akonsa kaniya na kalokohan. Para makabawi ako sa ginawa niyang pag-aalaga sa akin ng lasing ako.


kalixjhdv:
Date? Are you drunk?


Natawa ako ng mahina sa reply niya. Hindi kasi ako pwedeng tumawa ng malakas dahil alam kong mapapagalitan ako ni Samantha kapag ginawa ko yun. Bungangera pa naman yun katulad ko.


roseannemsb:
Hindi a. So balik tayo sa tanong ko. Bakit gising ka pa rin? Pinag-iisipan mo ba kung saan tayo magdadate? At kung kailan mo ako sasagutin? Kailan ka ba available? At saka bakit hindi ka kumakain ng sushi at ice cream? Masarap naman yun a. May allergy ka ba don?


kalixjhdv:
Hindi ako allergy don.


roseannemsb:
Ahh... Why do I feel like you have allergies there? Why don't you like sushi and ice cream?


kalixjhdv:
I am not allergic to any food.


roseannemsb:
E bakit nga ayaw mo?


kalixjhdv:
It's not healthy.


Ha? Hindi raw healthy. Tumawa ako at napailing. Ang arte naman nito sa pagkain. Gusto yata niyang kainin lagi ay yung mga malulusog na pagkain. Nagtipa ako ng imemessage sa kaniya. Bahala na yung recitation ko bukas. Atleast na kachat ko yung taong gusto ko bago ako bumagsak diba.


University Series One: Heal Me, DoctorWhere stories live. Discover now