15

69 5 0
                                    

XYRIL

LUMAPIT ANG isang crew ng diner upang tanungin siya kung ano ang kaniyang order matapos niyang umupo sa pinakamalayong parte ng diner nila na may pangdalawahang mesa. "Good afternoon, welcome to Kara's Diner! What is your order, sir?"

Pasimpleng sinulyapan ni Xyril ang nakaupong kaluluwa ni Felecity sa kaniyang harapan. Nakatingin sa kaniya ang pulang-pula na mga mata nito. "Two double cheeseburgers, one strawberry shake, and one java chip." Naalala niya ang strawberry scented shampoo sa CR ng apartment niya na ginagamit ni Felecity tuwing ito ang may kontrol ng katawan niya. Kaya ito ang order niya para rito. Though the shampoo and a milkshake are two different things.

"Two double cheeseburgers, one strawberry milkshake, and one Java chip. Is it to-go or for-here, sir?" Magalang na tanong ng babaeng crew sabay ngiti sa kaniya.

Mabilis na sumulyap kay Felecity at umiling na sa crew. "Your order will be served after twenty-five minutes, thank you!"

Pagkaalis nito ay agad na inilapag ni Xyril kaniyang cellular phone paharap kay Felecity – dragging it discreetly towards her. "Magtanong ka na. Kanina pa nandidilat ang mga mata mo."

Kanina pa napapansin ni Xyril ang pagtataka mula kay Felecity pero kahit sabog na sabog ang mga buhok nito at pulang-pula ang mga nandidilat na mga mata nito – ramdam niya sa titig nito ang pagtataka.

Nakuha naman ni Felecity ang gusto niyang sabihin kaya mabilis na nag-type ito sa kaniyang cellular phone na nakapatong sa mesa. Habang abala ito sa pag-type ay hindi napigilan ni Xyril ang pagtitig dito.

Who would have known that I will be comforted by the very being that I loathed? At kahit anong isip niya na ang mga tulad ni Felecity ang dahilan kung bakita namatay ang kaniyang kapatid – hindi niya maisip na kamuhian ito. Bagkus ay gusto niya itong tulungan.

A part of him wants to touch her pale cheeks – and Xyril knew that he's already treading into dangerous waters with these urges.

Napabalik sa kasalukuyan ang kaniyang isipan nang unti-unting itinulak ni Felecity ang kaniyang cellular phone pabalik sa kaniya upang basahin ang nais nitong sabihin.

'Why did you order food for me?'

Napataas ang isang kilay ni Xyril dahil sa nabasa. At dahil may mesa sa likod nila kaya hindi siya nagsalita, bagkus ay sinagot niya ang tanong nito sa pamamagitan din ng cellular phone. And so, Xyril begun to type without lifting the cellular phone from the table.

Xyril: It is normal if I am taking a girl for a date after ditching class. Hindi mo ba gusto ang strawberry-flavored milkshake? Gusto mo bang palitan ko?

Siguro hindi tama na mag-order ako nang hindi siya tinatanong. Saad ni Xyril sa kaniyang sarili nang makita niyang inikutan lang siya ng mga mata ni Felecity sabay iling.

Bumalik ulit sa kaniya ang cellular phone at hindi niya mapigilan ang mapangiti nang makita ang mga emoji na nasa baba ng kaniyang i-ti-nype.

'Nakalimutan mo na ba? Multo na ako, Xyril. Hindi ko na 'yan makakain, nagsasayang ka lang ng pera. P.S. I love strawberry! Oh my golly, how did you know? *heart emoji* *blushing emoji*'

Nakangiting napapailing si Xyril habang nagta-type ulit.

Xyril: Your shampoo gave it away. Nga pala, saan mo gustong pumunta? World of Fun ba o may gusto kang puntahang iba?

Nang matapos si Xyril ay si Felecity na mismo ang kumuha ng cellular phone kaya kung titingnan ng iba ay parang gumagalaw lang mismo ang cellular phone papunta sa katapat niyang upuan. "Gumalaw ba ang cellphone mo, sir?"

Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)Onde histórias criam vida. Descubra agora