6

649 36 0
                                    

FELECITY

ISANG PATAK ng luha mula sa kaniya na nagrerepresenta sa sakit ng kaniyang nadarama ngunit dapat siyang magpakatatag dahil may dapat pa siyang gawin. Ilang oras na ang nagdaan mula nang naisara ang lupa at nailagay ang lapida na may nakalagay na kaniyang pangalan. Ngayon ay hinihintay na lang niya na tuluyang maubos ang mga nakikiramay at maiwan na lang ang kaniyang mga magulang at si Nana Belen. Akmang hahakbang na sana siya palapit sa mga ito nang mapahinto siya nang may nagsalita sa kaniyang likuran.

"Kanina pa kita napansin, nakita ko sa mga mata ang sakit pero hindi ka man lang lumapit." Pagsasaboses ng isang lalaki na hula niya'y nasa edad tatlumpo pataas na. Nakasuot ito ng sombrero at isang sunglass. Naka Lacoste shirt ito at napansin din niya ang Rolex na suot nito. Kung hindi ito abogado ay baka negosyante ito.

Hindi siya sumagot sa sinabi nito at nagkibitbalikat lang – ang pinaka-safe na response. "Siguro ay may lihim kang gusto sa inilibing ano?" Panghuhuli nito sa kaniya na may bahid pang-aalaska sa tono ng boses. Bakit ba ang feeling close nito? Ka-close ba ito ni Xyril Higashino?

"Kakakilala ko lang sa kaniya," mahinang saad niya. Nakatutok ang kaniyang paningin kina Simmone at Rex na lumapit at yumakap sa kaniyang mga magulang. Biglang umantak ang sakit na kanina niay pa pilit iwinawaksi. Na-miss niya na ang yakap ng kaniyang ina. Dati rati noong nabubuhay pa siya ay nahihiya siyang yumakap sa kaniyang mga magulang ngayon ay lubos ang kaniyang pagsisisi. Kung sana ay sinulit niya ang mga paglalambing nito sa kaniya. Totoo talagang doon mo lamang malalaman ang halaga ng isang bagay kung wala na ito sa'yo.

Ayaw niya munang dumistorbo kaya hindi muna siya nagtungo sa kinaroroonan ng kaniyang pamilya. Nanatili siya sa tabi ng isang estranghero na abala sa paghithit ng sigarilyo. Sino nga ba ito? Ah, bahala na nga.

Naghintay muna siya nang ilang minuto at nang makita niyang sabay na umalis ang kaniyang matalik na kaibigan at nobyo ay nag-umpisa na siyang maglakad patungo sa kaniyang pamilya. Sa bawat paghakbang niya ay mas lalong lumalakas ang pagtahip ng kaniyang dibdib sa kaba. Maraming tanong na nabubuo sa kaniyang isipan pero may isang nangingibabaw sa lahat. Mahalata kaya nila na na magsisinungaling ako tungkol sa pagkatao ko bilang si Xyril dahil ako mismo si Felecity?

Well, hindi naman lahat ay kasinungalingan dahil totoo naman talagang sumanib ang anak ng mga ito sa katawan ni Xyril Higashino pero ang magpanggap na siya si Xyril Higashino sa katawan ni Xyril Higashino ay nakakaloka. Bago magsalita ay huminga muna siya ng malalim bago tinawag ang pansin ng mga ito. "Nana Belen?"

Tatlong atensyon ang agad na bumaling sa kaniya na nagdulot ng matinding pagkailang para kay Felecity. Nasa harap lang naman niya ang kaniyang pamilya pero ang dati'y puno ng pagmamahal na tingin ng mga ito sa kaniya ay ngayo'y blangko na. Wala naman 'yong kaso sa kaniya dahil totoo naman talagang sa mga mata ng mga ito isa lamang siyang kaduda-dudang binata.

Ang ina niya ang unang lumapit sa kaniya. "Hijo ikaw ba ang sinasabi ni Nana Belen na nakakakita sa anak ko?" Sa pagkabanggit nito sa kaniya ay nanginig ang boses nito. Mabilis namang sumaklolo ang kaniyang ama na tinitingnan siya na may bahid na pagdududa. Hindi niya ito masisisi at inaasahan na niya ang ganitong ekspresyon mula sa kaniyang ama. Kahit kasi mahal na mahal siya nito ay isa itong hotshot lawyer habang ang ina naman niya ang namamalakad ng kanilang family business.

Tumango siya bilang sagot para kasing biglang may bumara sa kaniyang lalamunan. "Opo." Look at them straight to their eyes bulong niya sa kaniyang isipan. Ayaw niyang magduda ng husto ang kaniyang ama lalo na at pinag-aaralan nito ang mannerism niya base sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya.

"Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na lumapit ako sa inyo upang masagutan ang mga katanungan sa aking isipan," magalang na panimula niya.

"At ang mga tanong na mga ito ay?" Ang ama niya ang sumagot. I miss you, dad.

Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)Where stories live. Discover now